Chapter 28

111 3 1
                                    

(Kung di niyo po maalala iton naka-italicize, refer po kayo dun sa pinakaunang post ko. Before chapter 1)

Chapter 28: I Love You

Blood anywhere. Glass everywhere.

Hindi siya makakilos

Pakiramdam niya, namamanhid ang kanyang buong katawan.

Nahihirapan si Marae. Para bang pamilyar sa kanya ang pangyayaring ito.

Napatingin siya sa kanyang katabi, sa may passenger's seat. Medyo malabo pa ang kanyang paningin. Hinintay niyang umaliwalas ang kanyang paligid hanggang sa makita niya ng maigi ang lalaking nasa tabi niya. Wala itong kagalos galos habang siya, dama niya ang sakit ng katawan at pamamanhid.

Pakiramdam niya ang dugo ay nasa ulo na niya dahil nakabaliktad ang kanilang sinasakyan at malapit nang mahulog sa bangin. Pamilyar din sa kanya ang lugar na yon. Para bang napuntahan na niya.

"Marae..." tawag ng katabi niya. Pamilyar sa kanya ang malamig na boses na yon.

"K-klenn..." hirap niyang banggitin ang pangalan nito. Paos na siya at sobrang nanghihina.

"May naaalala ka ba?" Tanong nito. Desperada na si Marae na makaalis ng lugar na yon. Isip niya na bakit nagtatanong ng ganon si Klenn imbes na alisin siya doon sa sitwasyon at dalhin siya sa ospital.

Di sumagot si Marae. Nanghihina na siya. Parang wala na siyang lakas na magsalita. Maski ang paghinga ay nahihirapan siya.

"Ako? Naaalala mo na ba ako?" Tanong pa nito pero di siya sumagot. Pamilyar lang pero di niya maalala.

Umiling si Klenn saka may pinakita. Kwintas na may letrang A. Pamilyar yon kay Marae. Alam niya, nakita na niya iyon dati.

May nakita siyang sinaryo sa kanyang utak, medyo malabo pero kita niya na may pinagbigyan siya ng ganong kwintas nung bata pa siya. Pero di niya maalala ng lubusan.

May nilabas ulit si Klenn sa kanyang bulsa saka pinakita kay Marae. Isang picture.

"Siguto ito, maaalala mo na ako," sabi ni Klenn at nagulat si Marae sa nakita. Litrato nilang dalawa nung bata pa sila.

Bahagyang sumakit ang ulo niya pero di na niya ininda ito. Naaalala na niya. Yung mga pangyayari sa kanyang nakaraan ay naaalala na niya. Pati itong nangyayari sa kanya ngayon. Naaalala na niya. Nangyari na sa kanya ito dati, alam niya.

Pumikit siya. Lumitaw lahat sa utak niya. Lahat lahat ng nakaraan niya. Lalo na ang taong nasa tabi niya ngayon. Tandang tanda na niya.

Kaya pala. Kaya pala pamilyar ang mga mata ni Klenn. Kaya pala magaan ang loob niya sa kanya. Kaya pala ang bilis niya nagtiwala sa kanya. Kaya pala.

"O-oss... A-austin..." nanghihinang sabi niya. Napangiti si Klenn at napatingin sa harap.

"Sa wakas, naalala din ako ng kakambal ko," sabi nito at tumingin muli kay Marae. "Naaalala mo ba tong pangyayaring to? Nung dinrive mo itong sasakyan ni papa nung bata tayo at nung naaksidente tayo?" Tanong ni Klenn.

Oo, naaalala niya. Pero di siya makapagsalita. Nanghihina talaga siya. At ang gusto niya, makaalis na sa lugar na ito. Oo, natatandaan na niya lahat. Naiiyak siya nang maalala niya lahat ng nangyari, kung ano ang ginawa niya kay Austin.

"Naaalala mo din ba nung mga oras, ganitong oras din yun? Umiiyak ka. Nawawalan ng pag asa, pagkatapos ay niligtas kita?" Tanong muli ni Klenn.

Naaalala din niya. Tandang tanda niya yon. At naiyak siya nang maisip niya yun ulit. Pumikit siya at lumuha ng lumuha. Naramdaman niyang gumalaw ang sasakyan kaya nagmulat siya ng mata. Kinabahan.

PVP2: Playing The BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon