Chapter 16

126 7 0
                                    

Chapter 16: Do you love her?

Klever's POV

Day 1 ; 09:30 (A/N: Di ko na alam kung anong date dito kaya Ila'label ko na lang ito as day 1. Then estimated time po iyong 9:30)

Napamulat ako ng mata nang maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Ilang segundo ang nakalipas nang manatili lang akong nakamulat at naaninag ng maayos ang aking kwarto saka na tamad na tumayo. Pumasok ako ng banyo at ginawa ang mga kailangang gawin doon.

Lumabas na ako ng bahay saka pinaandar ang sasakyan ko para sunduin si Cath.

"Hi." Nakangiti niyang bati sa akin nang makapasok na siya ng sasakyan ko.

Pinaandar ko na ulit ang aking sasakyan at tahimik na tumungo sa aming destinasyon.

Sa bahay ni Marae.

Pagkadating doon ay bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa loob. Naabutan namin doon ang mga Kuya ni Marae at as usual, si Arman.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Kuya Cloud.

Medyo nakakapag usap na kami ng maayos pero ramdam ko pa din ang galit niya sa akin. Pero atleast, hindi na niya ako pinapalayas o sinusungitan di tulad nung mga nakaraang araw.

Ilang araw na kasi kaming pumupunta ni Cath dito sa bahay nila Marae para makibalita at tumulong sa paghahanap. Pero ako, ang misyon dito ay para hanapin ang mga kaibigan ko. Hindi na si Marae. Mukang hindi na niya kailangan ng tulong ko eh. Mukang masaya na siya.... kasama ang iba.

Tsk. Eto nanaman. Magdadrama nanaman. Itinigil ko na yang pagdadrama ko jan simula nung gabing iyon... Nung huli kong kita sa kanya.. Na sumama sa iba.. Tsk.

"Na'late kasi ako ng gising. Pasensya na." Sabi ko.

Umupo na ako sa isa sa mga upuan sa dining nila at tumabi naman sa akin si Cath.

"Cath, may idea ka na ba kung sino ang mga taong may galit kay Marae na ngangailangan ng pera?" tanong ni Kuya Sky kay Cath.

"Si Simon? Oo meron kaso parang hindi naman siya nangangailangan ng pera e.." Sagot ni Cath.

Bakit naman nila pinag uusapan kung sino ang nangangailangan ng pera na may galit kay Marae?

"Bakit niyo naman tinatanong kung sino yung nangangailangan ng pera?" Tanong ko bigla.

"Kung nakikinig ka sa mga pinag uusapan natin nitong mga nakaraang araw, alam mo na may gustong kumidnap kay Marae na nanghihingi ng malaking halaga sa kanya." Iritadong sagot ni Kuya Cloud.

"Nanghihingi ng malaking halaga? Papano niyo nalaman?" tanong ko.

Mukang iritado na nga si Kuya Cloud sa akin at ayaw sagutin ang tanong ko dahil hindi ko alam yon. Dahil hindi ako nakikinig. Kaya si Arman na lang ang sumagot sa akin.

"Sabi ng mga nag iimbistiga, isang araw bago nawala si Marae, nag withdraw siya ng malaking halaga sa kanyang bank account. At hinuha ng mga nag iimbistiga, baka black mail ito sa kanya ng mga gustong kumidnap sa kanya." paliwanag nito.

"Pero kung binigay niya na ang pera sa kanila, eh bakit kinidnap pa din siya ng mga ito?" Tanong ko.

Baka naman nagtanan na sila ng kabit niya. Tss.

Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila ang nakita kong sumama siya sa ibang lalaki. Di naman importante eh. Ang importane, ligtas siya at masaya. Hindi ba?

"Hinuha namin. hindi nakidnap si Marae nitong mga to. Nagtatago si Marae. Kasi kung kinuha si Marae, hindi na sila kailangang magparamdam kila Kuya Cloud at Kuya Sky. At hindi din sila magpaparamdam sa inyo. At isa pa, natuklasan nila na cadaver ang nasa sasakyan niya. At yun ang inakalang bangkay niya. Mukang gusto niyang ipalabas na patay na siya." sambit ni Arman.

PVP2: Playing The BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon