Chapter 2

338 9 0
                                    

Chapter 2: She's Dead

"Bye, Honeylovin' Crunch Cheesecake ko! Kita na lang tayo mamayang uwian, ok?" Paalam ng binata kay Marae kaya sinampal na niya ito bago umalis.

Umalis na si Klever at pumunta na sa kanyang silid.

Si Marae naman, hinila siya ng kaibigang si Shatri patungo sa Cr bago pa tuluyang makapasok sa room.

Si Shatri Cabs. Bago niyang kaibigan. College na kasi ang kanilang mga kaibigan kaya hindi maiwasang magkaroon siya ng bagong kakilala. At sila Marae at Klever, hindi nakagraduate sapagkat, si Marae ay nadrop dahil sa mahigit tatlong buwan nitong pag aabsent at si Klever naman ay kicked-out. Lumipat na sila ng paaralan at napunta sila sa Yes Name University.

Pumasok na sila Shatri at Marae sa CR. Dire diretsong pumasok si Shatri sa isang cubicle samantalang si Marae naman ay nagsalamin.

Naramdaman niya ang sarap ng simoy ng hangin na nagmula sa labas ng CR kaya naisipan niyang lumabas. Tinignan niya ang view sa baba mula sa kanyang kinaroroonan. Nasa taas kasi ang CR ng mga babae kaya kitang kita niya mula sa itaas ang lawak ng kanilang bagong eskwelahan.

Pero nahugot ang mga mata ng dalaga sa isang binata na nakaupo sa may sanga ng puno at kumakaway sa kanya. Hindi niya maaninag ang itsura ng lalaki sapagkat may pagkalayo ito at natatakpan ng mga sanga't dahon ang kanyang mukha.

Tinignan niya ang likod niya at siniguro kung siya nga ba ang kinakawayan nito at nakumpirma na lamang niya ito nang malamang, siya lang ang tao sa corridor na kinaroroonan niya.

Tinignan niya ulit ang binata at ganun pa din ang pwesto niya. Kinakawayan pa din siya nito. Nang huminto ang binata sa pagkaway nito, napansin ni Marae na may nilabas siya sa kanyang bulsa. Kung hindi siya nagkakamali, cellphone iyon at itinapat iyon sa kanyang tenga.

Naramdaman ni Marae na nagvibrate ang phone niya. Unregistered number ang tumatawag. TInignan niya muli ang binata sa may puno. Nandun pa din ito at kinawayan siyang muli. Hinala niya na ang lalaking iyon ang tumatawag sa kanya kaya sinagot niya ang kanyang telepono

"Hello?"

[Maganda ba ang view mula jan?] Tanong ng hindi niya kilalang boses sapagkat halata mo namang iniba niya talaga ito.

"Sino ka?" Tanong ni Marae.

[Hindi na importante kung sino ako. Dahil gusto kong makipaglaro sa'yo.]

"Anong hindi importante kung sino ka? I don't talk to strangers kaya kung hindi ka magpapakilala, wag mo na akong kausapin."

[Ok. Ok. Chill. Hahaha. Sige tawagin mo na lang ako sa pangalang... Simon. At hinahamon kita sa isang laro.] saad ng binata na nagngangalang Simon sa kanya.

"Anong laro ba yan? Wala ako sa mood makipag laro." Sagot naman ni Marae.

[Simpleng laro lang naman eh. Laro tayong... Simon Says.] Hinarap ni Marae ang CR kung nakalabas na ba si Shatri pero mukhang hindi pa.

"Mukang boring." saad ni Marae

[Masaya to. Promise. Simple lang naman ang mechanics. Kailangan mo lang naman sundin ang sinasabi ko para hindi ka ma-out.] nakarinig si Marae ng tawa ng mangkukulam mula sa kabilang linya na nakapagpataas ng balahibo niya.

[Simon says: Upo] Rinig niya mula sa kabilang linya pero hindi nagpatinag si Marae.

"Ano ako? Aso?!" Inis niyang sabi.

[UPO!] Sigaw ng Simon mula sa kabilang linya. Nagulat naman dun si Marae kaya umupo na lang siya.

Naramdaman niya ang bilis ng hangin na tumama sa itaas ng ulo niya at nakita ang isang bagay na tumurok sa may pintuan. Siguro, kung hindi siya umupo, malamang, tinamaan na siya ng bagay na iyon.

PVP2: Playing The BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon