Chapter 11

212 7 0
                                    

Chapter 11: News

Marae's POV

Agad akong umalis sa coffee shop nang maaninag ko sila Klever. Patay. Mukang nakita nila ako.

Miss ko na siya. Parang pumayat siya at puyat lagi. Wag naman sana niyang pabayaan ang sarili niya dahil sa akin.

"Aray!" napasigaw ako nang may mabangga akong isang lalaki. Pero tinignan lang ako at mukang walang balak magsorry. Napangisi pa ng siya ng konti eh. Tss.

Pinabayaan ko na lang at mabilis ulit na naglakad nang may bumangga nanaman sa akin. At napadapa na ako sa sahig. Grabe lang ah. Swerte ko ngayong araw.

Naglahad siya ng kamay sa akin. Kinuha ko yun saka tumayo.

"Salamat-" napatingin ako sa lalaki. Para bang pamilyar siya. Napakapamilyar.

Yung mga mata niya, parang nakita ko na dati. At parang araw araw ko din itong nakikita.

"Okay ka lang ba, miss?" tanong niya sa akin.

"Oo okay lang. Salamat."

Maglalakad na sana ako kasi natalisod ulit ako. Mabuti na lang at nasalo ako nung lalaki.

"Hindi yata, miss. Tulungan na kita. Tutal ako naman ang may kasalanan." sabi niya sa akin. Ako, nakatitig lang sa mga mata niya. Parang talagang may something sa mga matang kumikislap na yan. Kumikislap at masayang nakatingin sa akin.

Nagulat na lang ako nang binuhat na pala ako nung lalaki.

"Saan ka ba pupunta?"

"Umm, mag aabang ng taxi." sabi ko. "Baba mo na lang ako. Ano umm nakakahiya." dugtong ko.

Binaba naman niya ako saka na lang inalalayan.

"Ayaw mo, hatid na lang kita? May sasakyan ako."

Umiling ako. Hindi pwede. Wala dapat nakakaalam kung saan ako tumutuloy. Kahit pa stranger lang yan.

"Okay. Ehem." humarap siya sa akin saka naglahad ng kamay. "Ako nga pala si Klenn Verwin." aniya.

"Marae." Sabi ko saka tinanggap ang kamay niya.

At sa ginawa kong yon, parang may something sa system ko na biglang nabuhay. Di ko alam kung ano. Basta. ewan!

Klever's POV

"Tol, wala. Di namin nakita sa labas." sabi ni Nathan.

Sakto namang dumating na din si Ken. "Di ko siya nakita."

Napabuntong hininga na lang ako.

"Baka naman na malikmata ka lang." sabi sa akin ni Jef.

Hindi. Sigurado ako. Siya talaga ang nakita ko.

Lumabas na lang kami dun sa coffee shop nang magvibrate ang phone ko. Text galing kay Cath

'Klever, nasaan kayo?'

Nireplayan ko na lang siya na magkita sa bahay namin. Alam ko hindi pa namin sila mapagkatiwalaan ngayon pero hindi dapat kami pahalata. Baka kasi tama ang hinala namin tapos malaman nila na pinagbibintangan na namin sila. Mahirap na yun.

Sumakay na kami ng sasakyan at pumunta nang bahay.

"Sa tingin ko, kailangan nating tanungin sila Cath tungkol sa nakita ni Nathan." sabi ni Jef.

"Wag baka galingan nila sa pagtatago." may punto si Nathan dun.

"Siguro naman sasabihin nila sa atin na nakausap nila si M. Pero kung hindi, pwes, may tinatago nga sila." sambit ko..

PVP2: Playing The BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon