Chapter 27

111 2 0
                                    

Chapter 27: Teddy Bear

'Choose again. No heroic stunts, allowed.' -Rosas

Mag isa ngayon si Marae na naglalakad patungo kung saan naroon ang kanyang mga kapatid. Samantalang nasa isang silid ang kanyang mga kaibigan at alam niya ligtas ang mga ito.

Pumasok siya sa isang pinto. O sabihin nating, lumabas siya sa isang pinto at natanaw niya ang malawak na pool na walang tubig.

Nahakot ang mga mata niya hindi sa pool kundi sa dalawang taong nasa magkaibang diving platform. Nakatayo at nakapiring ang mga mata. Nakagapos din ang kanilang mga kamay sa likod. Mukang di nila alam kung saan sila papunta. Mukang di nila alam na nasa itaas sila na lugar. Mukang di nila alam na ang destinasyon nila ay kamatayan.

Medyo nataranta si Marae kaya napasigaw siya.

"Kuya Cloud! Kuya Sky! Wag kayong gagalaw! Mahuhulog kayo!" Sigaw ni Marae.

"Marae? Ikaw ba yan? Ligtas ka?" Tanong ni Sky. Tumigil sila sa paglalakad at napabuntong hininga si Marae. Napahinga siya ng malalim. Para bang isang napakalaking relief ang naramdan niya.

"Oo, Kuya. Wag kayong gagalaw. Pupuntahan ko kayo." sabi ni Marae saka naglakad. Malumanay, hindi na natataranta.

"Marae, unahin mo na ako. Kanina pa ako nangangati eh," sabi ni Cloud at natawa na lang si Marae. Masaya siya dahil maayos lang sila. Kahit delikado pa sila ay may halong tuwa siyang nararamdaman dahil nakita niya ulit ang mga kapatid.

Umakyat si Marae kung nasaan si Kuya Cloud. Inalis niya ang piring nito sa mata at ang tali sa kamay. Nagyakapan silang magkapatid at nagreklamo agad si Cloud.

"Yes, I know miss mo na ang gwapo kong mukha. Wag masyadong clingy. Iyong iyo ako," anito at hinampas naman siya ni Marae sa braso. Natatawa na lang si Marae sa kilos ng kapatid.

"Ah, sht, sht, " dinig ni Marae na mura ni Sky. Nakarinig din siya ng kakaibang sigaw. Sigaw na nagpakaba sa kanya.

Ang ngiti ni Marae ay unti unting nawawala. Nanginginig ang mag labi niya at napalunok ng mariin. Di niya namalayang hindi na siya humihinga ng mga sandaling iyon dahil sa sigaw na narinig niya. Para bang naistatwa siya at ayaw tignan ang pinagmulan ng sigaw. Natatakot na baka tama ang hinala niya kung bakit ito sumisigaw.

Dahan dahang lumingon si Marae at tinignan ang kinaroroonan ni Sky. Wala siya doon. Pero nahagip pa din ng mga mata niya ito. Para bang nag slow motion ang oras niya.

Nagbukas ang bibig niya at gustong sumigaw pero walang lumabas na boses sa kanya. Nakikita niya sa mga mata niya. Kung paano, dahan dahang nahuhulog ang kanyang kuya mula sa kinaroroonan nito kanina. Nanginginig ang mga labi niya at walang magawa. Gusto niyang bumaba mula sa kanyang kinaroroonan at saluhin ito pero... Wala siyang magawa. Hindi kumukurap ang mga mata niya. Naramdaman niyang basa ang mga ito pero walang luha ang tumutulo. Sobra ang kabog sa dibdib niya. Hindi siya humihinga ng mga sandaling iyon. Para bang panaginip lang ang lahat. At sa isang kurap niya lang, nasa semento na ang kanyang kapatid. At parang yon ang naging go signal ng kanyang mga mata para lumuha.

Di siya agad nakagalaw. Nanunuyo ang kanyang lalamunan at hindi na tumulo muli ang luha niya. Para bang naubusan siya ng tubig. Nanigas siya. Di siya makapaniwala sa nakikita.

Ang only supporter niya, only fan niya... Wala na.

Hinawakan siya ni Cloud sa kamay saka sila bumaba. Para bang lutang si Marae habang bumaba. Nakatingin sa kawalan. At nang makababa na sila ay para bang doon lang nagising si Marae sa panaginip niya. Totoo lahat ng to, hindi panaginip. Napatakbo siya kay Sky at naiyak. Duguan ito at lasog lasog ang mga buto. Napaharap siya kay Cloud at niyakap siya nito.

PVP2: Playing The BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon