Chapter 3

248 9 0
                                    

Chapter 3: Dark Red Rose

Nang matanggap ni Marae ang rosas na may nakasulat na puntahan niya si Shatri, agad umalis si Marae sa Food house at pinuntahan ang kaibigan. Kahit na hindi nakasulat kung sino ang nagbigay nun, alam niya na kay Simon yun.

Agad namang nahanap ni Marae si Shatri sa may Mini Forest. Na palakad lakad sa iisang pwesto at mukang hindi mapakali.

"Nakakahilo ka naman." naagaw ni Marae ang atensyon ni Shatri nang magsalita siya.

"Ah eh.. Wala kasi ako assignment sa Math. Patay ako. Pakopya mamaya, pwede? Nasaan nga pala si Klever?" Tanong sa kanya ni Shatri.

"Ah, nandun sa Food House. Sasamahan lang talaga kita. At sige, pakopyahin na lang kita mamaya." sabi naman ni Marae. Simula kasi nung nangyari sa tapat ng CR, hindi na nagdalawang isip si Marae na sundin ang mga sinasabi ng Simon.

"Naks, sweet ni Bes ah? Tsk. Di bagay sayo!" sabi naman ni Shatri.

Bigla namang may sumulpot ulit na lalaki at binigyan si Marae ng rosas. Tulad ng rosas kanina, may note din dito:

'Simon says: Eyes on me, kung ayaw mong masaktan. Eyes on her, kung ataw mo siyang masaktan. Your Choice.'

Hindi naintindihan ni Marae ang note. Hahabulin sana ni Marae ang nagbigay sa kanya ng bulaklak nang may gumulong na bola sa paa niya.

Napatingin siya sa bola at may note na nakasulat: Eyes on me.

Umupo siya para tignan ng mabuti ang bola. Pero saktong kaupo niya, may naramdaman siyang bagay na lumipad sa ibabaw ng ulo niya at sakto namang sumigaw si Shatri.

Napamura si Marae.

Hindi niya alam ang gagawin. May MANNB (matulis at nakakamatay na bagay XD) ang tumama sa braso ni Shatri. Kung hindi siguro umupo si Marae, malamang siya ang tinamaan.

At dun niya na din nagets ang sinabi ni Simon sa note.

*****

Klever's POV

Papunta ako ngayon kila Cath dahil nakalimutan kong kunin sa kanya ang mga pinalagay ko sa bag niya.

Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa bahay nila.

"Si Cath po?" Tanong ko sa Ate niya na nakaupo sa sofa at busy na nagtetext.

"Katukin mo na lang siya sa kwarto niya." sambita niya nang hindi man lang tumitingin sa akin dahil sa pagtetext.

Umakyat na lang ako at pinunta ang kwarto ni Cath. Alam ko ang kwarto niya dahil nakapunta na ako last month nung kagagaling niya sa ospital.

"Pasok, nakabukas yan." Sabi niya pagkakatok ko.

Pagkasabi niya nun, binuksan ko na ang pinto at pumasok. Naabutan ko siyang nasa desk niya at mukang busy sa pagsusulat.

"Busy ka yata." napatingin siya sa akin nang magsalita ako.

"Ikaw pala. Anong kailangan mo." sabi niya at pinagpatuloy ang kanyang pagsusulat.

Lumapit ako sa kanya para makita ang ginagawa niya. Ngunit imbes na ang ginagawa niya ang makita ko ay yung kamay niya na pinangsuslat niya. Kanan ang gamit niya, kahit na siya'y kaliwete.

Tinignan ko ang kaliwa niyang kamay na nakapatong lang sa desk. Nakabalot pa ito ng gasa. Hindi pa siguro niya magamit to simula last month.

Hinawakan ko ang kamay niyang iyon kaya napatingin siya dun pagkatapos ay sa akin.

PVP2: Playing The BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon