Chapter 20

114 5 0
                                    

Chapter 20: Siya si Simon

"Kuya! High Score!!" Sigaw niya nang matapos siyang maglaro.

"Ala, oo nga!!! Ang galing mo talaga! Manang mana sa akin!" sagot naman ng kanyang kuya saka sila nagtawanan.

"Anak! Baba na kayo. Kakain na." sigaw ng kanilang ina kaya bumaba na sila at pumunta sa hapag.

"Kuya, may bagong launch ang pokemon. Bili tayo mamaya." yaya nito sa kanyang kuya.

"Talaga? O sige! Mama, pwede po ba?" tanong ng batang lalaki.

"O sige. Basta, ubusin niyo ang pagkain niyo para makaalis tayo. ok?" Sagot naman ng ina kaya masiglang kumain ang mga bata.

Pagkatapos kumain ay may kinuha ang ina na bag at ibinigay ito sa kanya.

"Nak, eto nga pala ang mga gamit mo. Nakita namin yan ng kuya mo na suot yan bago ka namin dalhin sa ospital. Pasensya ka na kung ngayon ko lang binigay sayo."

Kinuha niya iyon saka binuksan.

"Salamat po, mama." sagot niya at kinalkal ang kanyang bag.

Pumanhik siya habang kinakalkal ang bag nang may mahulog siya sa sahig.

Pinulot niya iyon at tinignan ang kwintas. Bigla, sumakit ang kanyang ulo sa hindi malamang dahilan.

Napapasigaw na siya sa tinding sakit kaya dinaluhan siya ng kanyang kuya.

"Anong nangyayari sayo?" tanong ng kanyang kuya na halatang hindi alam ang gagawin.

Napatigil siya sa pagsigaw nang humupa ang sakit. Biglang may mga litrato ang lumitaw sa kanyang utak. Mga pangalan, lugar at tao.

"Kuya, may naaalala na ako."

*****

Marae's POV

Nakatingin lang ako kay Klenn habang binibigay sa akin ang rosas. Nakangiti lang din siyang nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa rosas na hawak niya saka kinuha yon. Hinanap ko ang note saka binasa.

'I am you think I'm not. I am who I'm not.'

Muli akong tumingin kay Klenn na nakangiti pa ding nakatingin sa akin.

"Kakampi ka ni Simon?" Diretsahan kong tanong.

Nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa ka sumagot.

"Anong sinasabi mo?"

"Itong mapupulang rosas. Ganitong ganito ang mga binibigay niya sa akin. So, magkakampi kayo?"

Sana hindi. Please. Sana hindi. Wag. Siya na lang ang malapit sa akin na mapagkakatiwalaan ko. Alam kong hindi.

"Hindi ako kakampi ni Simon." sagot niya.

Nakahinga naman ako ng maluwang dun pero nagtataka pa din ako.

"Papano ka nakakuha ng ganitong rosas?" tanong ko

"May dumaan kasing lalaki. Binentahan ako niyan. Ayun binili ko." sagot niya.

Halong kaba at tuwa ang naramdaman ko. Tuwa sa nalamang hindi niya ako niloko. Kaba dahil...

"Natagpuan na nila ako."

*****

Klever's POV

"Klever, san ka pupunta?" tanong ni Cath bago ako makalabas ng bahay.

"Kay Arman. Saan pa nga ba?" sagot ko naman at lumabas na ako ng bahay.

Pumasok ako sa sasakyan ko at pumasok din si Cath.

"Pero, Klever... Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Saan nga ba ako pupunta?

Tumunog ang phone ni Cath kaya tinignan niya ito.

"May text si Kuya Sky. Nawawala si Kuya Cloud. Malamang, papunta din si Arman." Sabi ni Cath.

Tama siya. Malamang nga pupunta siya dun. Pero, nawawala si Kuya Cloud?

Pinaandar ko na ang sasakyan ko at pumunta doon kila Marae.

Sino naman ang kukuha kay Kuya Cloud? Si Simon? Pero bakit? At isa pa, si Arman ba talaga si Simon? Pero bakit?

Pagkadating namin sa bahay nila Marae ay nakita ko na ang sasakyan ni Arman na nakapark doon.

Pumasok na kami sa loob at naabutan namin doon sila Kuya Sky at Arman. Susugurin ko na sana siya kaso pinigilan ko ni Cath.

Kaya umupo na lang ako sa tabi nila.

"Napano si kuya Cloud?" tanong ni Cath.

"Di niya sinasagot ang phone niya. At ang usapan, dapat kanina pa siya nandito sa bahay pero wala pa siya." paliwanag ni Kuya Sky.

"Baka naman may dinaanan lang saglit." singit ni Arman. Tss.

"Oo nga. Try mo ulit tawagan." suggestion ni Cath na sinunod naman ni Kuya Sky.

Kinuha niya ang phone niya saka may dinial. Ilang beses na niyang dinadial pero mukang walang sumasagot.

"Hello? Cloud! Nasaan ka na ba?! Bakit nakapatay ang cellphone mo kanina? Kanina pa ako nag aalala alam mo ba yun?!" sigaw niya.

Buti naman at maayos si Kuya Cloud.

"Oo nandito na sila.... Oo nga.. Teka-- oy Cloud! Napapano ka? Hoy Cloud! Okay ka lang?!" tinignan niya ang phone niya saglit saka ulit nilagay sa tenga. "Hello? Hello Cloud?!"

Binaba na niya ang phone niya saka napamura. "May nangyari! G'gong Simon yun!"

"Bakit anong nangyari?" tanong ni Cath

"Sa pagkakarinig ko, kinuha siya ng mga to. Nakaranig din ako ng kalabog. Mukang sinaktan siya. Tapos parang may narinig akong pangalan.... Nat ata yun?" paliwanag ni Kuya Sky.

Nat?? Sinong Nat? Si Nathan?

"I think Matt ang narinig mo." singit ni Arman kaya napatingin kami sa kanya. "Si Matt ay si Simon." deklara niya.

"Wag mo na kaming lokohin Arman! Ikaw si Simon!" sabi ko naman sa kanya.

Halatang gulat siya sa sinabi ko. Oo magulat ka, kasi alam na namin kung sino ka!

"Hindi ako si Simon." sabi niya.

"At bakit kami maniniwala?" tanong ko.

"Bakit hindi kayo maniniwala?" balik tanong niya saka may kinuha sa bag niya. "Eto, tignan niyo na lang sa mga sarili niyo."

Pinakita niya sa amin ang mga litrato saka na siya umalis.

PVP2: Playing The BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon