I quickly give him a smack kiss on the lips and smile at him ear to ear. "Good night, boyfie."

His cheeks blush and I can't help myself pinch it. Gosh. He's cute, he's handsome and he's like a greek God combined in one.

"It's good to hear you call me that. Good night, baby." He sweetly said and give me a smack kiss on the lips.

Bago pa tumagal ang usapan namin ay pumasok na ako sa kwarto at isinara ito. Nakatulog ako ng mahimbing. Maliwanag na sinag ng araw ang gumising sa'kin kinabukasan. Naligo ako at nag bihis. Nag ayos din ako saglit sa salamin bago lumabas.

Napansin ko agad ang pagiging busy ng mga kasambahay. Some housemaid were bringing bedsheets, towels and other stuffs on the second floor. May bisita? I remembered Tita Mariella said that they have visitors today.

Mukhang espesyal ang magiging bisita nila dahil sa kanilang pusposang paghahanda.

"Good morning, Aya! Anong gusto mong breakfast?" Maligayang tanong ni April.

"Uhh, ako na April. Kaya ko naman. Cereal lang ang kakainin ko." Sabi ko.

"Nauna ng kumain ang Auntie Zana mo, hija. Andon siya ngayon sa harden at tinutulongan si Ma'am Mariella sa pag dedecorate ng mga bulaklak para ilagay sa flower vase." Ani Manang Auring.

"Alam ko po. Nag iwan ng mensahe si Auntie sa'kin." Sagot ko at inabot ang cereal sa ibabaw na mini cabinet. Nag lagay lang ako sa bowl at nilagyan din ito ng gatas na naka handa na pala para sa'kin. "Thanks." I said to April and she just smile at me.

"'Nay ba't po parang pinaghahandaan masyado ni Ma'am Mariella ang pagdating ng mga bisita. Artista po ba ang dadating?" Usisa ni April.

"Hindi ako sigurado pero alam ko kasi kapag ganito na lahat ay abala sigurado akong mahalagang tao ito sa kanila." Sagot naman ni Manang Susana.

"Sa narinig ko kanina kay Sir Heustacio, galing sa States ang mga bisita nila. Pamilya ng matalik na kaibigan ni Ma'am Mariella ata." Ani Manang Auring.

Napatingin ako sa pintoan ng kusina. Hindi ko alam pero na eexcite na kinakabahan ako sa darating nilang bisita. I am so curious to find it out. Gusto ko tanungin si Heros pero abala naman siya ngayon sa hacienda nila. At hindi ako sigurado kung makakapag-usap kami mamayang hapon dahil mamayang hapon nadin darating ang mga bisita nila.

Nagkibit-balikat nalang ako at kinain ang cereals. After eating breakfast ay nag tungo ako sa kwarto para kuhanin ang cellphone. Lolo only texted me. Hirap daw kasi siya sa signal ngayon dahil nasa isang island siya. Though he assured me that he is okay and that kaonting pagtitiis nalang, magiging okay na ang lahat at babalik na ako sa Maynila. The summer is ending too at nag umpisa na ang enrollment.

Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang mensahe niya. Siyempre, natutuwa akong may magandang nangyayari sa sitwasyon namin ngayon. Gusto ko nga sanang manood ng balita pero hindi ko naman magawang makapanood sa malaking flat screen tv nila. May internet connection naman sila pero mabagal naman ang signal.

Nag tipa ako ng reply kay Lolo. After noon ay nagpasama ako sa driver para pumunta sa palengke. I forgot I need to buy lotions and face cleanser. Mabilis kasi maubos ang lotion ko sa paglalagi sa labas. Mayroon naman sa mansyon pero hindi iyon ang lagi kong gamit at natatakot akong baka hindi iyon compatible sa skin sensitivity ko. Ayaw ko namang mag demand din sa kanila kaya bumili na ako ng akin. Nagpaalam ako kay Manang Zana at pumayag naman siya matapos ng pangungumbinsi ko.

Pagdating ko sa palengke ay dumeretso ako sa isang shop na nagbebenta ng beauty products. Mabuti nalang at mayroon sila nung hinahanap kong lotion at facial cleanser. Pabalik na ako sa sasakyan ng biglang may bumangga sa'kin.

Nahulog ko ang mga pinamili ko at napaupo ako sa sementadong daan. Iritable akong nag angat ng tingin at nakita si Pia kasama na naman ang dalawang alipores niya. Great!

"Pa hara-hara ka kasi!" Asik ni Pia. Tumawa iyong dalawang alipores niya sa likod. Totoo pala talagang sa buhay natin, may tao talagang susulpot nalang bigla at magiging kontrabida sa buhay mo kahit wala ka namang ginawang masama sa kanila.

Pinulot ko nalang ang mga pinamili kong nahulog. Inilagay ko uli ito sa supot bago tumayo at hinarap sina Pia.

"What is your problem?" Inayos ko ang damit kung nagusot.

"Dumating na ang araw mo, girl. Kabahan ka na!" She mockingly said.

"Kabahan for what?" Iritable ko siyang tinitigan pati ang mga alipores niyang plastic.

"Akala ko ba close kayo.? Bakit hindi mo alam ngayon?" Natatawa niyang sabi.

"Can you just please spill the beans, Pia? Wala akong panahon para sa inyo." Sagot ko.

Hinagod niya ako mula ulo hanggang paa saka niya ako binigyan ng ngiting tagumpay. "I guessed he didn't tell you. Oh well... Like I thought. Flavor of the month ka lang niya."

Nag igting ang panga ko sa sinabi niya. I want to punch her in the face but then there might be bad consequences if I do it. Ayaw ko ng bigyan pa uli ng sakit sa ulo si Manang Zana at nahihiya na akong gumawa ng gulo uli at maabala sina Tita Mariella.

I tried to compose myself and just roll my eyes at them. Nilagpasan ko nalang sila at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kung saan naroon ang driver.

"Bumalik na si Jazmine." Pia said that made me stop. "His ex-fiancee and great love is here, kid."

Naikuyom ko ang isang palad ko sa huling salita niyang sinabi. Galit man ay huminga ako ng malalim at hinarap siya na may ngiti. "So? I don't mind, Pia."

Pagak siyang tumawa. "Really? You think ikaw parin ang papansinin niya ngayon knowing that his love of his life is now back?"

"I know Heros more than you do." Matapang kong sabi.

Humalakhak silang tatlo na parang sobrang nakakatawa ng sinabi ko.

"Oh really? Do you really got fascinated by his kiss that he was able to fool you to the fullest, Aya? Akala ko ba matalino kang bata?"

"Stop calling me a kid, Pia!" Ngayon ay hindi ko na mapigilan ang inis ko.

"Kung sa bagay, sa lahat ng naging girlfriend at naka relasyon niya ay ikaw ang pinaka bata kaya baka nga nahumaling din siya sa'yo. You're fresh and new to him. Ayaw mo man aminin but you're too young for him. Heros is bound to marry Jazmine a month from now. Nagkabalikan na sila for your info, girl." Matikas na sabi ni Pia na siyang nagpalalag ng puso ko at nagpabasag nito.

Marry? He is going to get married a month from now? And from whom? Jazmine... May pait sa boses ko sa pag banggit ng pangalan niya sa isip ko. It makes my heart crumpled in pain. He has an ex-fiancee and he didn't tell me about that. At higit pa sa lahat, she was his great love. And great love beats all the kind of love. May it be first or last love, panalo parin ang great love.

"I don't believe you." Iyon lang ang nasabi ko matapos madurog at magka pira-piraso ang puso ko.

She laugh wickedly again at me. "Well sorry girl but you have to wake up now from your dream. Kaya ngayon aligaga sa mansyon ng mga Amante ay para sa pagdating ng pinakamamahal ng mahal mo. Tita Mariella is even happy that Jazmine and her family is back for Heros. Their family now agrees about the wedding and they are all excited. Maging ang buong Zaccarrio ay hindi makapaghintay sa kasalan ng taon."

Nanlalabo bigla ang paningin ko. I didn't realize that tears are forming in my eyes. Without looking back, I ran away and went inside the car. Iniyak ko sa loob ng kotse ang lahat ng hinanakit ko. I feel like I'm going to shed a pale of tears today.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon