"Left Unsaid"

2.4K 78 5
                                    

December 22 ,2019

"San kaya nagvacation mga friends ko?? " hays nakakainis . Its our vacation na pero hndi na ako naeexcite . Well ineexpect ko na mag oout of the country kami kaso but here we are on the way to our probinsya .

Kahit ayaw ko naman sumama wala akong magagawa alangan naman maiwan ako sa bahay mag isa . We gonna spent our whole vacation in batangas , matagal tagal na kase kaming hndi nakakabisita kila lolo at lola.

After 2 hours narating rin namin ang bahay nila .

"Nakoo , juanito andyan na sila carmela "

Tuwang tuwa na sinalubong kami nila lola at mahigpit na niyakap ako .

"Mano po lola , mano po lolo " agad akong nagmano at ngumit ng matamis sa kanila

"Ang laki laki na ng apo natin ah , kay gandang bata " puri sa akin ni lolo

"Eh kanino pa ba magmamana yan syempre sa ina nya " sabi naman ni daddy

Ang sweet talaga nila mom and dad .

"Oh siya pasok na kayo "

"Ma , papahangin lang ako dito "

"Sya sige anak , mag iingat ka . Pasok ka agad maya maya ha "

"Sige po "

At tuluyan na silang pumasok

Umupo muna ako sa ilalim ng malaking puno. Grabi ang sarap ng hangin dito, talagang napakasariwa . Kaya ko bang magtagal dito ? Eh wala pa ngang isang oras na nandito kami ay bagot na bagot na ako .

Humiga muna ako at tiningnan ang kulay asul na kalangitan .

Wala pang ilang minuto ay may dumungaw sa aking mukha . Isang lalaking kay lawak ng ngiti .

Umupo ako at tiningnan sya . Umupo narin sya saking tabi . Sino ba to ? Nakakailang naman hays . Mas gusto ko pang mapag isa .

"Hi ? Kilala mo pa ba ko? " Tanong nito sa akin

So kilala nya ako? Eh ngayon ko nga lang to nakita eh.

Kunot noong tiningnan ko sya , baka sakaling maalala ko sya ngunit wala talaga akong maalala .

"Hindi eh " nahihiyang sagot ko

"HAHAHA , sabagay ang tagal na non . Im darvin nga pala ."

"Ahh nice to meet you , im -" hndi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang sumagit sya .

"Stellaa!! " Biglang sagot nya

"Pano mo nalaman ang pangalan ko? " Takang tanong ko

"Well , ako kase ung kababata mo . Syempre hindi kita malilimutan , special ka saken e Ung kalaro mo lagi sa may ilog ."

"Mukhang hindi mo pa den ako maalala , eto na lang . You and i love each other . You and i will gonna be together , forever . You and i will gonna married. " Kanta niya ..

"Oh i remember naa , kaya pala lagi ko iniisip kung ano ba ung kantang yan . Sorry kung nakalimutan kita , wala na kase ako masyado maalala eh . "

"Haha okay lang atleast may parte pa den ako na hindi mo nalimutan ,"

"Taraaa " hinawakan nya ang kamay ko para itayo .

"Sa kung saan nagsimula ang lahat "

Takbo kami ng takbo habang hawak hawak nya ang kamay ko . At ayun nandito kami sa isang ilog . Nagkwentuhan at pagkatapos ay bumalik na sa bahay nila lola . Magkapitbahay lang pala sila . Kaya siguro palagi kami magkasama noon .

Hindi ko naranasan ang mabagot dahil sa kanya , palagi akong masaya pag kasama ko siya . Lahat ng dating ginagawa namin nung mga bata kami ay ginagawa namin ngayon .

Hindi ko na namalayan ang mga araw . Talagang bumibilis ang oras pag gusto mo ung ginagawa mo , pag gusto mo ung kasama mo o dikaya ay masaya ka . Ayaw ko pang umalis , ayaw ko na iwan ko ulit siya . Pero may mga bagay tayong gusto natin pero hindi pwede .At ayun ang masakit .

"Stella, pano ba yan gabi na bukas na lang ulit sa ilog ha ?"

Tnitigan ko siya , tinitigan ko siya hanggang sa masaulo ko ang mukha niya.

"Hoy ! Stella ayos ka lang ba ? " At bigla nya akong niyakap . Pinunasan ko muna ang luhang tumulo bago ako kumalas sa pagkakayakap niya .

"O-oo naman haha sige bukas na lang " at matamis na nginitian ko siya .

"Sigee byee! "

"Byee "

At tuluyan na syang pumasok sa kanilang bahay .

Kinabukasan --

"Lola carmelita asan po ba si stella ? Hndi ko po kase sya nakita sa aming tagpuan eh " malungkot na tanong ni darvin .

"Hindi mo pa ba alam iho? Hindi ba siya nag paalam sayo? "

"Nagpaalam san po??"

"Umalis na silang pamilya kaninang madaling araw . Tapos na kase ang kanilang bakasyon dito "

"Ganon po ba ? Sige po salamat po " gulat na tanong ni darvin at malungkot na naglakad patungong ilog .

Ang daya mo naman stella , palagi mo na lang akong iniiwan ng walang paalam . Haha

At tuluyan na ngang nag agos ang kaniyang mga luha .

Ang totoo hindi naman talaga kita nakalimutan dahil kababata kita . Hindi kita malilimutan dahil ikaw ang babaeng unang minahal ko . Pero mukhang hndi mo kayang tapatan ung pagmamahal ko sayo .

"Mahal na mahal kita stella ... "
Sana pagtagpuin tayo muli ng tadhana at hindi na muling mahiwalay pa .

Stella's pov

Heto ako nasa kwarto ko , nakahiga at malungkot na nakatingin sa cellphone ko . Ang daming pictures namin ni darvin. Hinding hndi ko to makakalimutan . Ang duwag duwag ko , hindi ko na nga nagawang magpaalam hndi ko pa nasabi ung naraamdaman ko . Oo mahal ko si darvin . Tanda ko crush na crush ko siya non pero hndi ko lang masabi . Ayoko kase na masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa pag amin ko . Ayaw ko mag iwan siya , pero kailangan .

Hinihiling ko na sana sa tamang panahon , pagtagpuin muli kami ng tadhana at hndi na muling paghiwalayin pa ...

Kindly vote , comment or share if you love my stories 🥺💕

Almost is Never Enough Where stories live. Discover now