Naningkit ang mga mata ko sa inis. Those words she said almost make me doubt Heros again. But I'm sure that Heros wasn't lying to me when he said his promises, when he said those reassuring words to me. Hindi na ako dapat magpaapekto lalo na kung ang mga babaeng low class tulad nitong tatlo na nasa harap ko lang ang nagsasabi nito.

"What is it with you kung may relasyon man kami ni Heros? Oh.. simple. You three are just jealous. At wala kayong magawa kasi na sa'kin ang atensyon ngayon ni Heros. That's why you do it in a dirty way. Tinatakot niyo ako 'cause you think I will back off 'cause I'm just a kid?" Sarkastiko kong sabi sabay pinasadahan ko sila ng tingin.

"Aba't matapang ka talaga ah. Ano bang pinagmamalaki mo? E pamangkin ka lang din naman ng dating katiwala nila." Anang babaeng pantay ang ngipin.

"So what? Marangal na trabaho 'yon and I don't despise my Auntie's past job. E kayo? You do look professionals but you acted like ignorant people." Matapang kong sagot.

Napatayo si Pia at padabog na hinila ang upoan niya. Naagaw na namin ang atensyon ng iba at nakita ko pang napatingin dito sa gawi namin sina Tita Mariella, Tito Heu, Hellina at asawa nito.

"You'll regret this, kid. Magpakasasa ka ngayon kay Heros. Go and enjoy his company. But I bet so sure you'll end up crying because of him." Ani Pia at galit na umalis. Sumunod din agad sa kanya ang dalawa niyang alipores.

If I know, pareho lang iyong tatlong may pagtingin kay Heros. The way they are forcing me to back off from him only proves that they are that desperate to have him.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain. Inis man ako sa nangyari ay hindi nito napawi ang gutom sa tiyan ko. Bagkus, mas ginutom ako lalo.

"What happened?" Heros sit beside me.

I rolled my eyes at him and continued chewing. Nakakainis din kasi itong lalaking ito. Nagkakaroon tuloy ako ng mga kaaway dahil sa kanya. Though na experience ko narin naman ang mga ganitong eksena sa Maynila dahil marami ding galit sa'king mga babae dahil lang nanliligaw o nakikipagkilala o nakikipagkaibigan sa'kin ang mga gusto nilang lalaki. Ngunit dito ko lang sa probinsiya naranasan ang ganito ka lalang diskriminasyon.

"You're mad again. Did I do something wrong? Nakita kong magkausap kayo ni Pia at mga kaibigan niya." He said and he tried to stop my hand so that I'll look at him

"Your ex? Or current girlfriend?" Iritable kong tanong.

"You're my girlfriend now. Anong sinabi nila sa'yo?" Malambing niyang sabi.

"I haven't said my yes yet." Kunot noo kong sabi.

"What did they say to make you mad again, hmmm?" Sagot niya't binalewala ang sinabi ko.

Bumuntong-hininga ako saka tinaponan siya ng masamang tingin. "They want me to back off."

Nag tagis ang panga niya't nilingon niya ang pwesto ngayon nila Pia. "And what did you say?"

Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa pagkain. "I'm eating. Don't disturb me."

Malalim siyang bumuntung-hininga at sumandal sa upoan. He was staring at me consciously kaya nakaramdam tuloy ako lalo ng inis.

"Stop staring at me. Go away. I'm eating."

"No. I want to prove to them that I am yours." Matikas niyang sabi.

Galit ko siyang nilingon at seryoso ang mukha niyang nakatitig sa'kin. Hindi ko mawari kung nagseseryoso ba talaga siya o naiinis siya.

"You don't need to prove to them that you are loyal to me." Sagot ko.

"I'm faithful to you."

"Whatever." Busangot kong sabi kahit sa kaloob-looban ko'y parang may sariling pumuputok na fireworks, mga kulisap na nagliliparan at drums na nagtatambolan.

Behind Every PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon