Chapter 29

5.1K 197 5
                                    

Evie POV

Kanina pa ko naiinis habang kasama ko tong malandi na lalaking to habang nandito kami sa isang cafe sa mall. Actually, ito yung cafe na tinatrabahuan noon nila ni Rain pero agad din nag quit ang taong yun nang sinabihan siya ng may-ari na ngumiti naman daw siya paminsan-mindan para ganahan din naman daw ang mga customer.

Pero dahil may saltik at weirdo ang kaibigan kong yun ay agad na nag resign at ang sinabi pa niya sa may-ari.

*FLASHBACK*

" Bakit ang ngiti ko ba ang kakainin at iinumin nila?" seryosong ani nito sa manager sa malamig na boses pero maririnig mo ang sarkasmo sa sinabi niyang iyon. " Pasensiya na boss, pero mahal ang ngiti ko kaya aalis nalang po ko" sambit nito at hinubad ang apron nito na suot at agad na umalis.

*END OF THE FLASHBACK*

Kaya habang naaalala ko ang eksenang yun sa lugar na toh ay hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kaweirduhan ng kaibigan kong yun.

" Owh, diba napangiti kita" biglang sambit nito kaya bigla akong napukaw ako sa iniisip ko. Agad ko itong tinaasan ng kilay dahil sa pinagsasabi niya. " So ano payag ka na?!" masayang sambit nito na mas ikinakunot ng noo ko.

" Ano bang pinagsasabi mo?" iritadong tanong ko rito.

" I never court someone before and it makes you special. At wala kang magagawa dahil talagang susuyuin kita hanggang mapasakin ka" seryosong sambit nito. At kita mo ang kislap sa mga mata nito at ang determinasyon. Pero futah! Anong pinagsasabi ng taong toh!!

" Baliw ka ba?!" hindi makapaniwalang singhal ko rito. " If you're joking?! Stop it, it's not funny"

" Who said that I am?" seryosong sambit nito kaya agad akong natigilan at agad na napatingin sa kanya. " I'm damn serious Evie. The moment that I taste your sweet lips, I already marked you as mine" sambit ulit nito at wala man lang akong masabi dahil kita sa mga mata nito na seryoso talaga siya.

Itinuon ko nalang ang mga mata ko sa libro dahil naiilang na ako sa mga titig niya na talangang kunti nalang matutunaw na ko.

Agad na kumunot ang noo ko sa pagbabasa nang wala akong maintindihan sa mga binabasa ko.
Nang bigla nalang kunin sa akin ni   E-un landi ang libro na ikinataas ng kilay ko lalo.

"I may be a jerk but I tell you I'm really good in studying" pagbubuhat nito ng sariling bangko sa kahambugan.

Pero parang nagkamali yata ako kasi habang pinapaliwanag nito sakin ang pinag-aaralan namin ay hindi ko mapigilan ang mamangha.

Isa din pala tong matalinong malandi.

Cyra POV

Nandito kami sa bahay nitong buraot na gluton pa na lalaking toh. Dapat sa library kami ngayon pero dahil hindi daw siya pinayagan ng parents niya ay dito nalang daw kami. Medyo awkward, pero dahil hindi naman kami nag-iisa sa bahay na toh ay napanatag ang loob ko. Mahirap na baka ano pang gawin nang lalaking to sakin.

" Bwesit kang lalaking ka, siguraduhin mong may magagawa tayong report ngayong kung ayaw mong inudnud ko yang pagmumukha mo sa cake!" agad na bungad ko rito ng pagbuksan niya ko ng pinto. At ng mabanggit ko ang salitang cake ay bigla nalang kumulo ang tiyan ko kaya ako natigilan na ikinagisi ng taong to.

Inakbayan niya ko at iginiya papasok sa bahay nila at aangal pa sana ako at sisinghalan siya ng makita ko ang mama nitong sobrang nakangiti sakin.

" Halika kana, papakainin muna kita bago tayo gumawa ng dapat na gagawin natin" sambit nito. Agad ko naman siyang siniko sa tiyan ng mapansin kong double meaning ang sinabi niyang yun. Pero tumawa lang ang loko pero infernes ang gwapo talaga niya kapag tumatawa pero matakaw na magnanakaw pa ng pagkain. Kaya wala rin.

She's a Gangster and She's MineWhere stories live. Discover now