Chapter 4 :

9.4K 316 5
                                    

Rain POV

Pagdating nami ng classroom ay kami palang ang tao kasi nasa canteen pa yong iba. Pero ilang minuto lang ay nagsidatingan na yung limang lalaking feeling sikat na sabi ni Cloud. At kita sa peripheral vision ko na napahinto sila ng makita kami sa loob pero nagsiupo rin ang mga ito.

'Tsk. Anong problema ng mga toh,'isip ko.

Tahimik lang ako at nakikinig sa pinag uusapan nila ni Cloud . Nang biglang mag ingay yung mga lalaki kanina.

" Hayst! Mga pre,nakita nyo ba kanina yung mga naka ibang school na lumabas sa school lot kanina?"tanong nung isa sa kanila. Kaya napatingin kami ni Cloud sa gawi nila. 'Nakita kaya nila kami kanina?'isip ko.

"Ah..oo. Mga bugbog sarado nga e.hahaha"sabi nung isa pang lalaking singkit kaya nawala na ang mata nito ng tumawa sya.

"Talaga kawawa naman sila. Sino kaya ang may gawa non sa kanila?"tanong nung isang lalaki na may gray and white ang buhok.

" Cloud"tawag ko at sinenyasan ko itong alis muna ako . Tumango naman ito at tiningnan ko si Aki at ngumiti lang ito.

" Ok,bilisan mo ha,"ani ni Cloud. Kaya lumabas nako ng room at dumiretso ng C.R.

Naghugas lang akong kamay at inayos ang mahaba kong buhok . Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako ng makita ko ang isang lalaki na nakatayo sa may pinto ng banyo. Pero hindi ko pinahalata ,didiretso na sana ako ng lakad ng bigla siyang magsalita na siyang ikinahinto ko.

" Alam ko na kayo ang may gawa non sa mga lalaki na taga-ibang school,"sabi nito and  I was stunned for a moment."Ang lakas ng loob nyong makipag-away"sabi nito at pumunta sa harap ko at tiningnan ako ng maayos at hindi naman ako nagpatalo at nilabanan ko ang titig niya.

"Alam nyo bang pwede kayong ma kick out sa school na to?"ani nito kaya nawindang ako ng kunti.

Hindi kami pwedeng ma kick-out , dahil kapag nakick-out pa kami wala nang skwelahan ang tatanggap sa amin. Masyadong ng marami ang records namin sa paulit ulit na pagka kick out. Malalagutan na talaga ako sa lolo ko. Aish...kainis naman e.

"At hindi ako papayag na mga kagaya niyo lang ang sisira sa image ng school na toh"seryosong ani nito.

'No,di to pwede,' isip ko parang bigla akong kinabahan. Last chance na namin toh ni Cloud para maka graduate ng high school. Pero anong gagawin ko may nakakita sa ginawa namin sa mga taong yun. At kapag nagsumbong tong ugok na toh,patay talaga kami sa nga magulang namin. Aish...nakakainis!!!

"Should I report you Miss?"seryosong ani nito. Parang hinahamon yata ako nito.

"Do it then"hamon ko rin dito. Hindi ko pinahalata na medyo nasindak ako. At mukhang nagulat siya inasta ko kasi napa amang ng kunti ang bibig nito.

Pero tsk,alam ko naman na hindi siya magsusumbong. Dahil kong may plano syang magreport sana ginawa niya na kanina pa , hindi yung nagpapaalam pa siya. Tsk.

"What? Aren't you going to stop me or beg me not to tell it to others?"hindi makapaniwalang ani nito. Tiningnan ko lang siya ng walang ganang tingin.Tsk ano bang kailangan niya.

"Ah- ahm..ok. But since mga transferee lang kayo dito,warning lang muna toh" ani nito

"Tsk" singhal ko at nilagpasan na siya . Tsk wala naman palang kwenta ang sasabihin niya sinayang niya lang ang oras ko.

Pagbalik ko ng classroom ay nandon na ang teacher namin kaya pumasok na ko at naupo sa tabi ni Cloud. At kasunod ko namang pumasok yung lalaking yun kanina.

She's a Gangster and She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon