Chapter 26

5.3K 227 6
                                    

Rain POV

Pagdating namin sa parking lot ng school ay sakto din naman ang pagdating ng sasakyan ni Jaze at ng mga kaibigan niya. Tsk, talagang mayayaman, tag-iisang kotse at talagang mamahalin din.

At nang bumababa ang mga ito sa mga kotse nila ay agad na kumaway ang mga ito sa amin. Pero dahil mga snob tong mga kaibigan ko ay hindi nila ito pinansin.

" Good morning Rainy baby!" biglang bati sakin ni Jaze na ikinakunot ng noo ko.

" What the-?!" gulat na sambit ni Evie

"Rainy baby?! Nagtatanong na ani naman ni Cloud at halat ang gulat dahil lumalaki nitong mata.

" Are you guys for real?!" shock ding tanong ni Cyra na nakatakip pa ang mga kamay sa bibig nito.

" Kayo na bah?!" parang wala lang na tanong naman ni Kazumi.

Sunod-sunod na tanong ng mga kaibigan ko na talagang nagulat dahil sa walanghiyang gwapong kumag na toh.

" Hindi ko alam ang pinagsasabi niyo" sabi ko sa kanila. " Hoy ikaw, ano bang problema mo?!" naiinis na talagang sambit ko rito pero ang loko nginitian lang ako.

" Wala!" nakangising ani nito at lumapit sakin.

"Later sabay na tayong mag lunch may pag-uusapan pa tayo" bulong nito sa tenga ko at nang medyo lumayo na ang mukha nito sa tenga ko ay tiningnan niya muna ako sa mata at bigla nalang nag wink bago lumayo.

Putcha.

Naghiyawan naman ang mga kaibigan ni Jaze dahil sa ginawa niya habang ako ay nakatayo lang at tanging ang pagkunot lang ng noo ko ang nagagawa kong expressionsa ngayon.

At dahil sa nangyaring yun at sa sinabing yun ni Jaze sa parking lot ay walang tigil na tanong ang tinatanong sakin ng mga kaibigan ko. Kung kami na ba daw, bakit daw ganon ang tawag sakin ni Jaze, bakit daw ang gwapo niya na ang swerte ko daw. E ang pucha hindi ko nga alam ang takbo ng utak non at kung ano ani ang itinatawag sakin. At dahil ayokong humaba ang usapan ay hindi ko sila sinasagot at dahil wala naman silang makuhang sagot sakin ay tumigil din sila.

" Grabe ang cute ng endearment niyo ha, Rainy baby. E ano naman ang tawag mo sa kanya, Jazey baby!" pang aasar ng mga ito pero hindi ko nalang sila pinansin dahil tiyak na hindi na naman nila ako titigilan.

Pagdating namin sa room ay nakaupo na naman sa katabing upuan ko ang Jaze na toh. Pero mas nakakagulat na ang ibang mga kaibigan nito ay nakaupo na tin sa tabing upuan ng mga kaibigan ko.

Magkatabi ng upyan si Cyra at si Kazumi pero dahil kinuha ni Matthew ang upuan ni Kazumi kaya naupo nalang si Kazumi sa katabing upuan ni Jino na nakatalumbabang nakatingin dito. Si Cloud naman katabi na si Azi na nag aasaran na naman at si Evie naman at si E-un ang magkatabi at halata ang iritasiyon sa mukha ni Evie pero nakangisi lang si E-un habang nakatingin rito.

Hanggang sa magsimula ang klase ay halata ang iritasiyon sa mga mukha ng mga kaibigan ko. At itong katabi ko naman ay kanina pa nakatitig sakin na sobrang nakakailang na. Pero hindi ko pinahalata ang epekto ng mga titig nito sakin baka kung anong isipin ng loko, assuming pa naman toh.

" Psst. Psst." sitsit nito pero hindi ko siya pinapansin. Pero patuloy parin ito sa pagsitsit kaya nilingon ko na sa sobrang inis.

Tinaasan ko siya ng kilay . " Ano bang problema mo?!" halatang iritadong sambit ko rito.

Ngumiti ito na hindi pinansin ang iritasiyon sa boses ko. " Alam mo, maganda ka kahit nakasimangot  pero alam mo mas gaganda ka kapag ngumingiti ka" sambit nito na ikinatuwa ng loob ko. Kasi yung iba kapag titignan nila ang mukha kong nakasimangot o walang emosyon ang mga mata ko ay natatakot sila sakin.

She's a Gangster and She's MineWhere stories live. Discover now