Chapter 14 :

6.7K 205 6
                                    

Rain POV

Nakasunod lang ako sa punyetang Jaze na toh,paalis na kasi kami sa school. Nang may bigla nalang humila sakin, kaya bigla akong naalarma. Kaya agad kong hinawakan ang braso ng humigit sakin at pinilipit patalikod. Agad ko naman itong binitawan ng malaman ko kung sino iyon.

.... si Ms. Fake lang pala.

"Aray....bitawan mo nga kong bwesit ka!"sigaw nito at pabato ko naman siyang binitawan." Baliw kaba ha?!! Bakit mo ginawa yun?!"inis na inis nitong sabi.

" Tsk. Anong kailangan mo?"walang ganang tanong ko rito.

"Hmp"irap nito. " Anong meron sa inyo ni Jaze? Bakit kayo magkasama kanina?"tanong nito.

Tsk,ang fake talaga ng taong toh. Kung iba ang kausap makangiti wagas. Hindi kaya magkaka facial spasm in smiking like that.

" Ano?! Sagutin mo ko"iritang ani nito. Tsk , di nalang tanungin ng maayos. Type yata nito yung Jaze na yun ah. E ano nang kinalaman ko sa kanila, wala akong pake sa kanilang dalawa, magsama sila.

" Tsk,kung wala ka palang importanteng sasabihin aalis na ko"akmang aalis na ko ng hawakan na naman nito ang braso ko pero mas mahigpit di gaya kanina,bumaon pa nga yata ang kuko nito sa balat ko. Kaya pabalikwas kong hinawi ang braso ko sa kanya na dahilan ng pagkatumba nito.

" Pinaka ayoko sa lahat ay yung hinahawak hawakan ako. Kaya tigilan mo ko baka di ako makapagtimpi may magawa ako sayo"seryoso kong sabi dito . At halatang natatakot ito pero hindi lang nito pinapakita at nagtatapang tapangan lang. Naglakad na ko palayo pero sigaw parin ito ng sigaw.

"Huh! Akala mo natatakot ako sayo?! Humanda ka di pa tayo tapos!"sigaw nito. Bahala ka mapaos kakasigaw diyan wala akong pake sayo.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sina  Cloud, Evie at Cyra na naglalaro ng tong-its habang nagru-rubiks cube naman si Kazumi na agad naman akong napansin pagpasok ko seryoso kasi yung iba sa baraha nila.

"Rain" tawag ni Kazumi sa pangalan ko kaya napatingin yung iba sa gawi ko at agad din naman nilang tinigil ang ginagawa nila.

" Anong plano mo?"agad na tanong ni Cloud. Medyo naguguluhan pa ko sa kong ano ang dapat kong gawin sa ngayon. Pero pag wala kaming ginawa mauulit ulit yung nangyari kanina. Kaya isang mahabang buntong hininga muna ang kumuwala sa akin bago ako magsalita.

" Ang gang nila Violet, inaatake nila tayo sa kadahilanang hindi natin alam. Pero dahil sa ginagawa nila sa atin may posibilidad na may mangyaring masama sa isa sa ating lahat"sabi ko at tiningnan sila isa-isa.

" So anong plano mo? Pababayaan nalang natin sila?! You know that I don't give a shits like that Rainy after what they did to us"galit na sabi ni Evie.

"Pano kong sumugod ulit sila anong gagawin natin?"tanong ni Cyra at kinuha anh rubiks cube ni Kazumi. " Ikaw ba Kazumi anong gagawin mo kapag nagpakita sila sayo?"tanong rito ni Cyra at tiningnan muna siya nito bago magsalita.

"Edi uunahan ko na sila bago pa nila magawa kong anong plinaplano nila. Akin na nga yan!"agad bawi nito sa rubiks cube na hawak ni Cyra.

"Tama si Kazumi"pagsang ayon ko dito. Kaya agad silang napatingin sakin.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ni Evie.

"Uunahan natin sila bago pa sila may magawa na mas malalala pa kanina. Kilala natin si Violet, madumi siya makipaglaban. Kaya di imposibleng gumamit siya ng patalim makuha niya lang ang gusto niya"sabi ko at bumuntong hininga ulit.

" So lalabanan natin sila ganon ba? Pero Rain masyado tayong mahina kumpara sa grupo nila Violet"sambit ni Cloud

" Mas malakas sila ngayon lalo na ang kapit nila sa taas kaya di mahuli huli kong may mga kalokohan"walang ganang singit ni Kazumi habang naglalaro parin.

" Kaya nga ibabalik ko na ang Eclipse"sabi ko na nakapagpatigil sa kanya. Alam kong gusto nilang mabalik ang grupo pero wala silang magawa dahil wala silang karapatan. Dahil ang rule namin ang tanging leader lang ang may kakayahang bumuwag at magbalik sa gang na binuo niya.

" Sigurado kaba Rain?!  Pero diba-"pinutol ko na ang sasabihin ni Cloud dahil alam ko naman kong ano ang gusto niyang sabihin at ayoko na yung balikan pa.

" Ibabalik ko ang Eclipse hindi para maghigante kundi para masiguro kong di na naman mauulit ang nangyari noon na wala akong nagawa para maprotektahan ang isa sa atin"sabi ko at bigla nalang bumigat ang pakiramdam ko ng maalala ko ang nangyari noon.

" Rain"tawag nila sa akin. Alam kong nag-aalala lang sila sa kin dahil sa nangyari na nagdulot ng malaking sugat sa puso ko.

" At sisiguraduhin ko na wala silang masasaktan maski isa sa mga kaibigan ko. They have to go through me bago nila kayo masaktan"seryoso kong ani.

Hindi namin kakayanin ang grupo nila violet kaya kailangan namin ng kapangyarihan para malabanan namin sila sa laban na gusto nila.

Handa akong mamatay para sa mga kaibigan kong tinuturing kong pamilya dahil alam kong handa rin silang makipagpatayan para sakin.

At sa pagkakataong toh sisigiraduhin kong hindi na kami mawawalan pa ng isang kaibigan.

*FLASHBACK*

Nag aabang kami  ni Kyla sa tambayan namin malapit ng school,hinihintay kasi namin ang iba pang miyembro ng eclipse para sabay -sabay na pumunta sa palasyo. Kung saan itatanghal kong sino ang tatayo bilang leader ng organisasyon. Lahat ng grupo ng bawat gang ay dadalo sa pagtitipon na yun upang malaman kong sino ang tatanghaling hari o reyna ng organisasyon. At kabilang sa grupong pagpipilian ay ang Eclipse na grupo namin.

Masaya kaming nagkukuwentuhan ni Kyla. Siya ang pinaka matalik kung kaibigan,masayahin at palabiro siya kaya ganon nalang ako ka komportable kasama siya at ang mga kasamahan namin sa grupo.

Masaya kaming nagtatawanan dalawa nang ikinuwento niya sa akin ang nangyari sa kanya nung habang papunta siya sa tambayan namin.

Nang bigla nalang may mga grupo ng lalaki ang mabilis na sumugod sa amin. Kaya agad kaming natigilan ni Kyla sa kakatawa at nakikipagbatuhan na kami ng mga suntok at sipa.

Nung una nakakaya pa namin ni Kyla ang makipaglaban sa kanila dahil mga walo lang naman sila. Pero nagulat kami ng bigla nalang nagsisulputan ang iba nilang kasamahan na may dalang mga baseball bat at dos por dos na mga kahoy na pamalo.

"Rainy!Ano kaya pa ba?!"hingal na hingal na sabinnoto habang nakatingin sa mga toh.

" Kaya pa yan...sisiw lang ang mga yan!"maangas kong ani rito.

" Ano?! Tapusin na natin toh!"sigaw ni Kyla at agad na pinagsusuntok at pinagsisipa ang mga kalaban nito.

Puro ilag, suntok at sipa ang ginagawa  naming dalawa. Nang bigla nalang akong mahawakan ng dalawang lalaki,nagpumiglas ako pero masyado silang malalaki at malalakas. At nung akmang lalapit pa ang isa sa kanila para paluin ako ay agad ko itong sinipa at tumalon patalikod sa dalawang may hawak sakin. Kaya nabitawan nila ako, agad ko namang sinipa sa mukha ang isang lalaki sa mukha kaya biglang nakatulog at binigyan ko naman ng malakas na body blow ang isa.

Nang bigla ko nalang naramdaman ang bigat ng isang katawan sa likod ko. At doon ko nakita na si Kyla pala ito at dumudugo na ang ulo nito. Kaya agad ko siyang hinawakan at tiningnan mabuti. At doon ko lang nakita ang isang lalaking may hawak ng baseball na ginawang pamalo sa ulo ni Kyla.

She's a Gangster and She's MineWhere stories live. Discover now