Chapter 21

6K 394 7
                                    

Seryoso kaming nakikinig kang Kale habang sinasabi niya ang nangyari sa organisasyon ng si Violet ang naging hariharian sa palasyo.

At sinabi niya din sa amin ang paraan para baliin ang mga sangga ni Violet sa palasyo at yun ay ang talunin ang mga grupong nasa panig niya at kunin ang tiwala nila.

" so ano girls, kailan kayo magsisimula?" ani ni Kale habang sumisipsip ng juice na binigay ng mga kababaihan kanina.

' Tsk,matinik talaga tong gagong toh. Kaya ayaw na ayaw ko rito eh. Babaero kasi.'

" Sa lalong madaling panahon" ani ko." Magiging busy kami sa school kaya kinakailabgan namin ng tulong mo" seryosong ani ko rito. Pero imbes n maging seryoso din ang loko ay mas ngumisi pa ito.

" Awhh...rainy,lahat gagawin ko para sayo" sambit nito at bigla nalang akong niyakap.

' Bwesit,ang clingy talaga ng isang toh '

" Lahat-lahat Rainy. kahit itong katawang birhen ko ibibigay ko sayo ng walang alinlangan" ani nito na siyang ikinatawa ko at mahinang tinampal ang dibdib nito.

" Gago! Walang parte ng katawan mo ang birhen at inosente kaya tumigil ka!" sabi ko rito kaya nagsitawanan kami.

" Ang feeling mo!" natatawa pang sambit ni Cyra.

" Wag ka ngang feeling virgin dyan Kale. Hindi mo madadaan sa ganyan si rain noh!" pang aasar ni Cloud rito na ikinahaba ng nguso nito. Kaya mas nagtawanan kami....ay hindi sila lang pala dahil panay ngiti lang ang ginagawa ko.

" Ano naman nayon?! Basta gusto kita at sapat na yun para gustuhin mo rin ako. Mamahalin kita at mamahalin mo rin ako, yun lang yun diba Rainy?" nakangising ani nito sabay akbay sakin.

Babarahin ko sana siya ng may marinig ako malakas na tikhim sa likod ko. At nang lingunin ko ito ay nagulat ako pero di ko pinahalata, nang makita ko si Jaze na masama ang tingin sakin,lalo na kang Kale.

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi niya sa aking nagpagulo sa isip. At nung tawagin nito ang pangalan ko ay bigla nalang akong kinabahan.

' tangina rain,umayos ka! '

" Rain" seryosong tawag nito kaya tiningnan ko ito. At nang tingnan ko ang mga mata nito ay galit at sakit ang nakita ko rito hindi yung usual na masisigla at masasaya nitong mata.

" Oh? Bakit?" ani ko rito. Bwesit muntik pa kong mautal.

Nang bigla nalang nitong iniharap sa kanya ang upuan ko kaya nasa harapan ko na siya ngayon habang nakatukod ang dalawa nitong kamay sa braso ng upuan ko at nakayuko kaya sobra nang lapit ng mga mukha namin.

" Hey!" rinig kong angal ni Kale ng pigilan ito ni Cloud at Kazumi na nasa likod na nito.

Wala kasi siya sa teritortoryo niya kaya mapapasama siya pag nagsimula ito ng away rito. Masyado pa namang makapangyarihan tong taong toh sa school na toh.

" Eyes on me,Rain " biglang sambit ni Jaze kaya napatigil ako sa pag momonologue ko at agad na napatingin sa kanya.

' aish....bakit ba ko sumusunod sa sinasabi ng taong toh '

" Do I have to remind you again that I'm courting you. At kapag niligawan kita that means na akin ka na at hindi ka na pwedeng magpahawak at ngumiti sa ibang lalaki. Dahil hindi pa man tayo pinagseselos mo na ko!" diretsong sambit nito na talagang nilakasan pa ang boses kaya maraming nakarinig. At rinig na rinig ko ang pag singhap ng mga tao sa paligid namin dahil sa gulat lalo na ang mga kaibigan ko,except kang Kazumi na seryoso parin.

" I said eyes on me, Rain" sambit na naman nito at mas inilapit pa ang mukha nito sa mukha ko kaya napaatras ako ang kaunti. " Now that everybody knows about me courting you, lumayo layo kana sa lalaking yan" turo nito kang Kale. " dahil dadami ang haters mo kapag niloko mo ko!" sigaw nito at dahil speechless ako sa mga pinagsasabi niya ay napakurap kurap nalang ako sa kanya.

" Baliw ka ba?!"  di makapaniwalang tanong ko rito.

" Oo,baliw nako! Baliw na baliw na sayo! Kaya wag kang magloloko dahil mamahalin pa kita!" sigaw na naman nito pero imbes na mainis ako sa kanya ay bigla nalang akong kinabahan.

" Alam kong gwapo ako kaya isara mo na yang bibig mo! Dahil baka hindi ako makatimpi mahalikan kita diyan" bulong nito sakin habang naka smirk pa ang loko na mas ikinagwapo nito.

' shit! bad words ang salitang gwapo! ano ba rain umayos ka! '

" Bye, Rainy baby" ani nito sabay hakbang palayo at talagang nakipaglabanan pa ito ng tingin kang Kale.

" Baliw yata ang lalaking yun ah! pasalamat siya teritoryo niya toh kundi kanina ko pa siya nilampaso!Tsk" asik ni Kale.

"Baliw ba siya?! Ako magloloko?!eh wala nga'ng kami eh! Tsk,nonesense!" naiinis kong tanong sa mga kasama ko.

" Malay ba namin!" ani ni Cloud.

" Oo at dahil malay nga namin, ay marami kang ikukwento sa amin mamaya. saved by the bell ka ngayon kaya e ready mo na ang pagsto-storytelling mo mamaya" sambit ni Evie at nagsitayuan naman sila. kaya wala ring nagawa si kale kundi ang tumayo na't umalis.

" Sige,alis na ko. Balik nalang ako sa susunod" ani ni Kale at nagpaalam na sa iba.

" Grabe Rain,yun yata ang pinakamahabang tanong na narinig ko sayo for the past 2 years" manghang sambit ni Cyra habang pumapalakpak pa.

Aish.... Bwesit talaga ang lalaking yun! At anong ibig niyang sabihin about don sa magiging haters ko. Tsk, pake ko sa kanila.

At habang naglalakad ako ay iniisip ko parin ang kakaibang pakiramdam ko kanina nung nasa harap ko si Jaze. Dahil sa bawat salitang binibitawan niya sa akin kanina ay kita mo ang sensiridad niya kahit nagmumukha na siyang loko-loko sa pinagsasabi niya. pero di parin maiwasan ng puso kong kabahan sa tuwing ganon kalapit ang mga mukha namin sa isa't isa.

At dahil na una na ang mga kaibigan kong pumunta sa room namin ay mag isa nalang akong naglalakad ngayon papuntang room nang makita ko si Ms. Fake na mukhang hinihintay yata ako.

' isa pa tong bwesit sa buhay ko. tsk '

" Anong kailangan mo?" walang gana kong tanong rito.

" Malandi ka!" sigaw nito. " Kaya pala ayaw mong layuan ang Jaze ko dahil nilalandi mo siya!" sigaw ulit nito at agad na tumama sa mukha ko ang malakas nitong sampal.

Tangina ninety degrees ang pagkakasampal nun ah,masakit sa pisngi. At ramdam ko ang pagtulo ng likido mula sa aking mga labi kaya pinahid ko ang dugo rito at tiningnan ulit si Natalie the fake.

Kinuha ko ang nakita kong map sa gilid at binali ang dulo nun sa harap niya na ikinagulat nito. At kita ang takot sa mga mata nito at medyo nanginginig ang kamay nito sa takot.

" Anong sabi ko sayo kapag lumapat pa ulit sa pagmumukha ko yang madudumi mong kamay ha?" walang emosyong ani ko rito habang paunti-unting lumalapit sa kanya habang siya ay atras naman ng atras. " Kung nakakalimot ka,ipapa-alala ko sayo" sabi ko at akmang hahambalusin ko siya ng kahoy ng map. Nang bigla itong kumaripas ng takbo habang paulit-ulit na sumisigaw.

" Hindi pa tayo tapos Areiza! Hi-hindi pa tayo tapos!" nauutal na sigaw nito.

" Tsk, sige lang dahil pag ako napuno sayo,sasagarin talaga kitang putangina ka!" inis kong sabi rito.

A/N. Sa mga readers ko,thank you for reading my story kahit maraming typos at grammatical error. Pls.vote and comment lang po. Thank you!😊

She's a Gangster and She's MineWhere stories live. Discover now