Chapter 3 :

9.8K 338 17
                                    

Jaze POV

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa canteen at pinapanood yung isa sa mga transferee sa section na mukhang napaaway. Nakakatawa lang kasi para itong walang pakialam at kalmadong kalmado lang. At hindi mo alam kong anong iniisip nito dahil sa mga walang ekspresyon na mga mata nito. Namataan ko ang isa pang transferee na kaibigan niya na parang wala lang pakialam sa nangyayari at nanatiling nanonood sa eksena.

Akma na sanang ng aalis ang babaeng may kaaway ng bigla itong sabunutan ng babaeng kaaway nito na ikinasinghap ng ibang estudyanteng nakikinood. Nanatili lang nakayuko ang babae at nakataas naman ng kilay ang kaaway nito.

"Mukhang interesting to ah"sambit ni Kiel habang nakangisi kaya nilingon ko siya." Ano kayang gagawin nila? "sambit ulit nito pero sa iba na ito nakatingin kundi sa kasamahan nitong babae na nakakibit balikat lang at nakangisi rin na mukhang excited sa mangyayari.

Agad nabaling ang atensyon ko sa mga babaeng nag aaway kanina ng biglang may narinig akong sumigaw. At nagulat nalang ako ng hawak ng babaeng walang ekspresyon ang mukha ang buhok ng kaaway nito at kinakaladkad na nito ang babae palabas ng canteen kaya medyo nagkahiyawan ang mga tao sa gulat . Nakasalampak ang babae sa sahig habang hila hila siya nito kaya talagang masakit na ang pwetan nito at balakang sa pagkaladkad nito.

"Ahhhh!!!! Bitawan mo ko! You Bitch Ahhh! "sigaw ng babae habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng walang emosyon na babaeng yun.

"Bwahahahahah!!"tawa ng kasama nito habang nakatingin sa kasama niya na nasa labas na ngayon ng canteen na patapong binitawan kaya sumalampak na naman ito sa sahig at parang may ibinulong dito ang babae.  At kitang kita mo ang takot sa mga mata nung babaeng kinaladkad niya."Bwahahahahah! Sinagad mo kasi. Bitch"sabi nito at parang baliw na tumatawa.

Parang wala lang talaga sa kanila ang mga bagay na toh ah.. Grabe napaka interesting nila. Who are you people?

"Wow! "manghang ani naman ni Klein. "Grabe dalawang away agad sa isang araw"sambit ulit nito.

"Pero mas astig yung sa parking lot"singit naman ni Eun nagsitanguan naman yung iba sa mangha.

Yung sa parking lot na tinutukoy ni Eun ay yung pangyayaring nadatnan namin.

*FLASHBACK*

Habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko sa parking lot school ay nakarinig kami ng mga daing ng lalaki. Kaya hinanap namin kung asan yung ingay na yun. Nakita namin yung dalawang babae na nakikipagbakbakan sa apat yatang lalaki yun. Tutulungan sana namin kaso mukhang kaya naman nila dahil sa galing nilang makipaglaban na parang mga propesyunal na fighters. Akma sanang sasaksakin ng isang lalaki ang babaeng walang emosyon ang mukha mula sa likuran. Kaya na alerto kami at akmang tutulong. Pero kami ang nagulat ng maiwasan niya ito at siya na naman ang may hawak ng kutsilyo na nakatutok sa lalamunan ng lalaki.  At talagang hanggang sa kinatatyuan namin ay makikita mo ang takot sa mga mukha nito at ang kaunting pulang likido sa leeg ng lalaki. At nung titigan ko ang mga mata nito ay wala man lang akong makitang takot o pangamba sa mga ikinikilos nila.

*END OF THE FLASHBACK *

'Sino ba kayong dalawa at bakit ganon nalang kayo kong makipaglaban. Sino ka ba talaga at anong mayron sayo at hindi ko maalis sayo ang paningin ko?'isip ko.

Rain POV

Matapos kong kaladkadin tong bwesit na babaeng toh matapos hilahin ang buhok ko ay patapon ko itong binitawan kaya napasalampak ito sa sahig at umiiyak na.

Tsk. Nagtimpi ako pero sinagad mo ang pasensya ko."Kapag hinawakan mo pa ulit hindi lang yan ang aabutin mo"banta ko rito na hindi parin tumitigil sa paghikbi.

"Hi-hindi pa tayo tapos humanda ka! "nauutal nitong sambit pagkarapos ay kumaripas na ko ng takbo.

'Tsk. As if naman natakot ako'sabi ng isip ko nang may biglang pumalakpak sa likod ko. Hindi ko pa man ito nililingon alam ko na agad na si Cloud ito.

Buang talaga ang babaeng toh lakas ng saltik. Pinalakpakan pa ko di pa ko inawat pano kong may nagawa ako sa babaeng yun. Alam niyang sa lahat ng ayaw ko ay ang hinahawakan ang buhok, sensitive ako pagdating don. Kaibigan ko ba talaga toh, gustong-gusto pa yata nitong napapaaway ako e. Tsk.

"Wow Rain. Nice! "ani no Cloud at talagang naka thumbs up lang ang gaga.

"Tsk"singhal lang ang nasabi ko at napangisi nalang ako dahil sa pinaggagawa nito.

"Wala paring kakupas-kupas ah"ani ulit nito.

"Kaibigan ba talaga kita? "hindi makapaniwalang tanong ko rito.

"Oo naman Rainy kaya sinusuportahan kita diba. Ang galing mo! "naka-thumbs up ulit na ani nito at napapangiwi nlang ako dahil sa pinaggagawa niya.

"Rain! Cloud! "sigaw ni  Aki na tumatakbo papalapit sa min."Hoy! Kayong dalawa"hingal na hingal na ani nito. Kaya pina inom muna ito ni Cloud ng apple juice na dala ko para sa kanya kanina. Inuna niya pa talaga ang juice na yan kisa sa awatin ako kanina. Tsk.

"Oh ano okay kana? "tanong ni Cloud at tumango tango naman si Aki bilang sagot. "Now continue "buang talaga tong babaeng to.

"Hoy kayo umalis lang ako sandali nakipag-away na kayo!"sigaw nito sa amin na medyo ikinagulat namin. "Alam nyo ba na sa sobrang pag alala ko ng marinig kong nakikipag away kayo para na kong baliw habang tumatakbo sa pagmamadali! "ani ulit nito at napakurap-kurap nalang kami ni Cloud

Hindi kasi namin inaasahan na may mag aalala pala sa amin kapag napaaway kami. Parang niyakao ang puso ko sa sarap ng pakiramdam na may tao pa palang nag aalala sa yo.

Nagpakawala ito ng isang malalim na salita at ikinalma ang sarili bago kami tiningnan.

"Ano okay lang ba kayo? Wala bang nasaktan sa inyo ha? Ha? "nag aalalang ani nito at talagang pina ikot ikot pa niya kami para alamin kong may galos ba kami o wala. Kaya habang tinitingnan ko siyang suriin kami ay di ko napigilan ang sarili kong mapangiti sa saya.

"Oh My G! "gulat na sambit nito kaya napatitig ako dito na nagtataka. "Did you just smile at me?! "di makapaniwalang sabi nito. Kaya agad kong tinago ang mga ngiti ko at sineryoso ang mukha. At binigyan siya ng nagtatanong na tingin.

"Waaaahhhhh!!!!Cloud"tawag nito kang Cloud habang nakaturo pa sa kin ."Rain just smile at me!Oh my g!Its my first time seeing you smile and it feels so right. You know what you should smile often you're more beautiful when you smile"masayang ani nito at niyakap ako.

"Tss. Tara na nga nawalan nako ng gana"ani ko at lumapit naman ang dalawa sa magkabilang braso ko at inakay ako.

She's a Gangster and She's MineΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα