CHAPTER 25

16.6K 600 57
                                    

OFFICIAL

He ruined the surprise.

Kita niya ang disappointments at iritasyon sa mukha ng mga bisita ng akala ng mga ito ay siya si Rob at pagpasok niya ay sabay-sabay na sumigaw ng surprise ang mga ito. Kung puwede lang siyang lumubog sa kinatatayuan niya ay ginawa na niya. Nakita niyang kumakaway sa kanya si Amere at mabilis niyang tinungo ang lugar ng kapatid. Doon niya nakita na katabi nito si Fiona na agad na umalis nang makita siya.

Sinusundan lang niya ng tingin ang babae kung saan ito pumunta. She was ignoring his presence, or she was just busy taking care of things in this event. Rob entered the venue and Fiona made the damage control of the busted surprise effect. Pero may mas isang surprise pa pala para sa kanilang lahat.

Gavin proposed to Rob.

And Owie couldn't believe it. He had known these two for years and he didn't see any red flags that the two were gays and lovers. Lalaking-lalaki ang mga ito kaya nga pinagseselosan pa niya dahil malapit kay Fiona.

"Damn, my heart. Love wins tonight," bulalas ni Amere sa tabi niya habang nakangiti at naiiyak na nakatingin sa gawi ni Rob at Gavin.

Nakatingin siya sa gawi ng dalawang lalaki na nakatingin lang sa isa't-isa. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng dalawa habang malayang ipinapakita sa lahat ng taong naroon kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Walang pakialam sa sasabihin ng mga tao, walang pakialam kung kapwa man sila lalaki.

Tumingin siya sa gawi ni Fiona at nakita niya itong umiiyak habang nakatingin sa gawi ng couple.

"Wala ka bang gagawin? Tatayo ka lang talaga dito?"

Tumingin siya sa kapatid at nakataas ang kilay sa kanya ni Amere.

"She's still pissed at me." Napailing na lang siya ng sabihin iyon. Nakita niyang nagpahid pa ng luha si Fiona. Nadala sa emosyon ng mga nangyayari.

"Of course, she's still pissed. Kaya nga gumawa ka na ng paraan. Move!" Itinulak pa siya ni Amere para puntahan si Fiona.

Napalunok si Owie at pakiramdam niya ay nanginginig ang mga tuhod niya habang naglalakad palapit sa babae. Sobra ang kabog ng dibdib niya. Kahit kailan hindi siya kinabahan ng ganito sa pagharap sa isang babae. Only Fiona could make him nervous like this. He was not afraid of rejection because he has never been rejected before by any woman he met. Mas madalas nga, babae pa ang humahabol sa kanya at siya ang nagre-reject. But now, lahat yata ng santo ay kaya niyang dasalan para lang pansinin siya ng babae.

Hindi naman pansin ni Fiona na nakalapit na siya. Dinukot niya ang panyo sa bulsa at iniabot dito dahil nagpapahid ito ng luha. Taka itong napatingin doon at nagulat pa ng makita siya. Umirap ang babae at tinalikuran na siya.

"Fi," mabilis niyang hinawakan ang braso nito para mapigilan.

"Busy ako, Mr. Tamayo." Malamig na sagot nito at pilit na kumawala sa pagkakahawak niya.

"Can we start over?" Pumiyok pa yata siya ng sabihin iyon. He never asked second chances to any woman.

Huminto si Fiona at humarap sa kanya. Hindi na yata siya makahinga sa sobrang kaba.

"Anong sabi mo?" Nakakunot noong tanong nito.

Napabuga siya ng hangin.

"I said, let's start over. Not as fuck buddies but two people committed in a serious relationship."

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Where stories live. Discover now