CHAPTER 11

17.8K 642 86
                                    

PLANNING PRESENTATION

            Maayos na nakakapag-present si Fiona sa members ng board ng LVN dahil hindi niya nakita doon kahit ang anino ni Mr. Owie Tamayo. Para siyang nakahinga ng maluwag. Wala siyang distraction kaya naman kitang-kita niyang impressed ang mga taong nasa harap niya habang ipinapaliwanag niya ang mga plano para sa darating na company anniversary.

            "The venue could accommodate one thousand guests. Our team will be responsible for everything. For the food, we have several catering partners that you could choose. We could schedule a food tasting with them." Paliwanag pa niya.

            "Wala na kaming iintindihin?" Paniniguro pa ng isang manager.

            Umiling siya habang nakangiti. "Wala na, Sir. Everything will be done by our team. All you're going to do is sit back, relax and enjoy the event."

            "How about our employees who will coming from different parts of the country? LVN is a nationwide company. We have several stations all over," tanong ng isang manager sa kanya.

            Napatingin siya dito at napatingin din siya kay Amere. Hindi yata nila napag-usapan ang tungkol doon. Ang task lang ng company niya ay para sa event itself. Hindi nabanggit sa kanya na pati ang coordination ng transportation and hotel accommodation ng ibang mga empleyado na nasa ibang lugar ay kasama sa kanila. Kukulangin ang budget na ibinigay sa kanila.

            "Well, hindi pa namin 'yan napag-usapan ni Owie." Naguluhan din si Amere. Siguro kahit ito ay hindi naisip ang bagay na iyon.

            "I will just wait for the advise of the management regarding that. The budget only covers the venue, food, entertainment and other logistics. I don't think it can cover the transportation and accommodation of your other employees," sagot niya dito.

            Tumaas ang kilay ng lalaking manager. Halatang hindi nagustuhan ang sagot niya tapos ay tiningnan muli ang kanyang proposal.

            "Two million is a big budget, Miss Fiona. We want the event to be successful but the same time hindi mukhang tinipid. Ang totoo, we were questioning why the company approved that kind of amount. Are you telling me na hindi kakasya ang two million para sa lahat?"

            Pinigil niya ang inis na nararamdaman. Kahit kailan talaga hindi mawawala ang mga kontrabida.

            "Someone gave me another offer for this event. Hindi kailangan na gumastos ng ganito kalaki. She can organize this event half the amount that she is asking," sabi pa nito at iniaabot nito ang ilang piraso ng papel sa mga kasamang nasa loob ng conference room.

            Gustong sumabog ng galit ni Fiona. Sino ba ang lalaking ito? Ipinapahiya siya sa harap ng mga narito. Nagka-pirmahan na sila para sa event na ito kaya ano ang sinasabi nito ngayon?

            "Kier, we already signed the contract for this event. Hindi na tayo kukuha ng ibang supplier. Fiona's team will handle our event," seryosong sabat ni Amere.

            Halatang hindi nagustuhan ng lalaki ang sagot niya.

            "As the VP of Finance department, it is my duty to check kung hindi over-price ang mga supplier natin. Imagine, two million for this event? You have got to be kidding me," naiiling pa na sabi nito.

            Gusto ng batuhin ni Fiona ng hawak na marker ang lalaki. Alam na niya ang ganitong style. Sigurado siya na may ibang gustong ipasok na supplier ang lalaking ito kaya sinasabotahe ang mga plano niya para sa event.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt