CHAPTER 24

15.7K 577 95
                                    

PROPOSAL

Napakaraming papel ang nasa harapan ni Owie. Nagdi-discuss bawat isa ang heads ng mga department sa kanya sa loob ng conference room. Maraming concerns na kailangang i-discuss. Pero ang atensyon niya ay nasa papel na hawak at kahit paulit-ulit niyang basahin ay iyon pa rin naman ang laman.

Fiona's resignation letter.

Nakasulat doon na umaalis na ito bilang official events planner ng LVN. Effective immediately ang nakasulat doon.

"Owie." Naramdaman pa niyang sinipa ni Amere ang binti niya mula sa ilalim ng mesa.

Napatingin siya sa paligid at nakita niyang nakatingin ang lahat sa kanya.

"What?" Tanong niya sa mga ito. Ano nga ba ang sinasabi nila?

Napailing si Amere at pilit na pilit ngumiti.

"Let's have another meeting again. Ayusin na muna natin ang mga reports natin then i-schedule ko ang next meeting," sabi nito sa mga managers na naroon. At gusto niyang yakapin ang kapatid dahil sa ginawa nito.

Agad na tinungo ni Amere ang pinto ng conference room at ini-lock iyon. Tumayo si Nik sa kinauupuan at pabagsak na nahiga sa couch. Si Emer naman ay nag-slouch sa pagkakaupo sa kinauupuan at pinaikot-ikot iyon.

"What the hell is your problem?" Inis na sita sa kanya ni Amere.

"I don't have a problem," matipid niyang sagot dito.

"Yes, you have a problem and it is affecting our company already. Important reports and dini-discuss sa iyo ng mga managers and yet nakatutok ang pansin mo sa papel na ito? Ano ba ito?" Inis na hinablot ng kapatid ang hawak niyang papel at huli na para mabawi niya iyon. Binasa iyon ni Amere at nanlaki ang mata nito.

"Fiona resigned? Why?" Gulat na gulat na tanong nito.

"Ask the CEO," sabat ni Nik at inginuso siya.

"Pinakawalan mo 'yun? Owie, alam naman natin na magaling si Fiona," sabad pa ni Emer.

Oo. Alam kong magaling si Fiona. Magaling siya sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa kama.

Gusto niyang idugtong iyon pero napailing lang siya.

"Akala ko ba nag-sorry ka na? Anong nangyari sa bulaklak?" Sabi pa ni Nik.

"Teka, ano ba ang pinag-uusapan 'nyo?" Taka ni Amere.

"He is banging Fiona. Then he got jealous and that's what happened. He is basically ruining everything," nagkibit-balikat pa si Emer.

"You knew?" Gulat ni Owie at nagtatanong na tumingin kay Nik at Amere. "Sinabi 'nyo sa kanya?"

"No. they didn't tell me everything. Obvious na obvious ka naman kasi. Kapag nakikita mo si Fiona para kang nakakakita ng bituin. Everything is lighting up. I know why you punched Rob. You are jealous," romolyo pa ang mata ni Emer.

"The hell? Nagseselos ka kay Rob?" Napailing si Amere. "What did you do, Owie?"

Naihilamos niya ang kamay sa mukha at napabuga ng hangin. Bakit pakiramdam niya ang laki-laki ng kasalanang nagawa niya?

"I didn't do anything. It was her decision to resign. I tried to say sorry last time, but I saw that she was busy. Busy kissing someone inside her office. Para saan pa ang mga bulaklak na binili ko para kanya kung may ibang lalaki naman na makakapagbigay noon at kahalikan pa niya? I threw the flowers in the garbage can," dinampot niya ang puswelong kape at uminom doon tapos ay sumandal sa kinauupuan.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum