CHAPTER 2

29.1K 721 34
                                        

CHAPTER TWO – ALONE. FINALLY.

Hindi ma-appreciate ni Owie ang paligid niya. For the first time, he finds the bar, those people around him irritating. Kahit na ang simpleng pagtawa ni Amere sa tabi niya ay parang nakakadurog ng tenga niya.

He was pissed tonight, and he doesn't know why.

He looked around at the people around him. People were dancing. Getting drunk. Some were making out, some were sexily talking to each other. Everything screams good time but to him, he felt terrible.

Maybe because of the loads he has in the office. Maybe because his grandfather was going to marry again. Maybe because he felt the whole responsibility of the business will be on him since he was the eldest among all of Lolo Red's grandchildren. There was no room for mistake for him. Everyone was looking up to him.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit ganito siya ngayon. Nai-stress siya dahil pakiramdam niya, siya ang ilalagay ng Lolo Red niya bilang bagong Chairman ng Lopez Vera Network.

And he doesn't want that. Higher position means greater responsibilities and loads of work. Isama pa ang mabibigat na desisyon na kailangan niyang desisyunan. Paano kung sumablay? Paano kung magkamali? Siya ang sasalo ng lahat ng kasalanan.

Marahang hinilot ni Owie ang magkabilang sentido at muling tumingin sa paligid. There are lots of pretty women here tonight, but he doesn't understand why no one was getting his attention yet.

Nananawa na yata siya sa babae.

Samantalang noon, sila nila Nik at Emer, sige isasama na niya si Amere dahil babae rin naman ang gusto ng kapatid niyang iyon. Pagpasok pa lang nila sa mga bars, lalapit na agad ang mga babae sa kanila at mabilis siyang makakakuha ng makakasama niya. Talk, drink and sometimes they would end up in bed. Minsan nga sa kotse pa lang niya, ginagawa na nila iyon ng mga nagiging babae niya and Nik would hate him for that. Hindi daw siya maalaga sa kotse. Hindi daw niya ginagalang ang kotse niya at kung sino-sinong babae ang niyayari niya doon. Wala naman siyang makitang hindi maganda doon. Parang bahay na nga niya ang kotse niya. May duffel bag siya doon na may mga extra na damit, dalawang pares ng sapatos, personal kit para kung saan man siya mapunta, hindi siya mag-aalala sa pagpapalit. Madalas pa naman sa ibang bahay siya nagigising.

Natawa siya at inisang lagukan ang hawak na baso ng brandy. Si Nik. Ang masyado niyang maselan na pinsan. Napakaselan pagdating sa kotse. Kung hindi lang niya mahal ang pinsan niya na iyon ipa-prank talaga niya at gagasgasan niya si Murky. Pero sigurado siyang parang batang papalahaw iyon kapag ginawa niya. Mahal pa yata ni Nik sa buhay niya ang kotse na iyon.

Sumenyas siya sa waiter at umorder uli ng isa pang baso ng iniinom niya. Muli siyang tumingin sa paligid at si Amere ang nakita niyang may kausap na babae. Napangiwi siya ng makitang marahang hinahaplos ng kausap nitong babae ang braso ng kapatid. Wala naman problema sa kanya kung miyembro ng mga Tivoli ang kapatid niya pero sana kung magiging straight na babae si Amere at magkakaasawa ng lalaki, mas magiging masaya siya.

Pagkabigay ng waiter ng baso na may laman na alak ay dire-diretso niya iyong ininom at tumayo na. Napatingin sa gawi niya si Amere at kumaway lang siya dito tapos ay tuloy-tuloy ng lumabas. Diretso siya sa parking lot at sumakay sa kotse niya tapos ay sumandal doon. Ini-start lang niya ang kotse pero hindi niya pinaandar agad. Saan nga ba siya pupunta?

Ayaw niyang umuwi. Ayaw din naman niya sa loob ng bar pero nabo-bored siya.

Mahinang napamura si Owie at pinaandar ang sasakyan niya. Doon na lang muna siya tutuloy sa condo niya at doon siya magpapalipas ng gabi. Stressed lang siguro talaga siya at pagod. Kailangan lang niyang magpahinga mag-isa.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora