CHAPTER 23

15.7K 530 85
                                    

EVICTED

"What the fuck? Owie!"

Hindi alam ni Fiona kung sino ang sumigaw noon. Nagulat na lang talaga siya sa ginawa ng lalaki. Nanlalaki ang mata niya na makita si Rob sa semento na hawak ang nasuntok na pisngi.

Bago pa makakilos si Fiona ay naroon na ang mga kapatid ni Owie at inaawat ang lalaki. Dilim na dilim ang mukha nito at talagang kayang manakit ng tao. Tinulungan niya makatayo si Rob at naramdaman niyang hinawakan siya sa braso ng lalaki at hinila palabas.

"Mag-usap nga tayo," matigas na sabi nito.

"Ano bang problema mo? Nagta-trabaho ako. Bakit mo sinaktan si Rob?" Napipikon siya kay Owie. Napakaayos ng event na na-organize niya. Bakit kailangan nitong gumawa ng eksena?

"You are flirting with Rob. You are going out with Gavin. Ano ka ba? Are you easy to get?" Nagtatagis ang bagang nito habang sinasabi iyon. Talagang galit na galit si Owie.

"What? We are discussing business. And ano sa iyo kung lumalabas kami ni Gavin? I can date whoever I want. I can fuck whoever I want. Ikaw ang nagsabi noon." Paalala niya dito.

Lalong dumilim ang mukha ni Owie ng sabihin niya iyon.

"So, you decided to fuck all of my friends? Kier, Gavin, now it's Rob? Who's next? My brother? My cousin? My grandfather?" Punong-puno ng panunuya ang tono nito ng sabihin iyon.

Pakiramdam ni Fiona ay daig pa niya ang sinampal sa sinabing iyon ni Owie. Ganoon kababa ang tingin nito sa kanya? Na kahit sinong lalaki ay papatulan niya? Pinilit niyang patibayin ang sarili. Kahit naiiyak na siya sa galit at sama ng loob ay pinilit niyang maging kalmado.

"Napaka-double standard mo din 'no? Ikaw, you can fuck whoever you want ng walang kuwestiyon. Walang magbabago sa reputasyon mo. Pero pagdating sa akin, sa aming mga babae, kapag ginawa din namin ang ginagawa 'nyo, we are already sluts?" Napalunok siya kasi nababasag na ang boses niya dahil sa pagpipigil na umiyak. "Ano naman sa iyo kung ikutan ko ang mga kaibigan mo? In your own fucking words, you said I can fuck whom I want. Kinuwestiyon ba kita 'nung may kalandian kang babae sa bar the other night? It's your choice if you fuck her. Wala sa akin iyon. Wala tayong label."

Doon parang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Owie.

"You are ruining this event that I worked hard for so many weeks. Kung may issue ka, do it somewhere else. Huwag mong guluhin ang mga tao dito," pagkasabi noon ay tinalikuran na niya si Owie at bumalik sa loob. Nakita niya si Rob na nasa isang sulok at inaasikaso ng mga staff niya. Naguguluhan ang mga tao dahil sa nangyari. Naipagsalamat niyang hindi na bumalik doon si Owie.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Amere ng makalapits sa kanya.

Pinilit niyang ngumiti. "I don't know. Misunderstanding maybe," napahinga siya ng malalim at napailing. Sinenyasan niya ang DJ na magpatugtog ng upbeat music para ganahan ang mga tao at mawala ang atensyon sa komosyon na nangyari kanina.

"Where is Owie?" tanong pa nito.

"I don't know." Napabuga ako ng hangin. "I am just going to check my staff. Excuse me," paalam niya at umalis na doon. Dumiretso siya ng banyo at doon nagkulong. Napasandal pa siya sa pinto at napapailing. Pinipilit niyang pigilin ang mga luha niya pero kusa na iyong tumulo sa pisngi niya na mabilis niyang pinahid. Parang naririnig na niya ang mga sinasabi noon ni Carol sa kanya.

Napabuga siya ng hangin at pinilit na ayusin ang sarili. Kinuha niya ang telepono sa bulsa niya at tinawagan si Carol.

"Himala. Nakaalala kang tumawag. Hindi ka na busy sa fuck buddy mo?" Alam niyang nang-iinis ang kaibigan sa kanya.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Where stories live. Discover now