CHAPTER 7

20.2K 533 39
                                    

BLACK OUT PARTY

Malapit na yatang atakihin sa galit si Fiona dahil sa nangyari sa opisina ng LVN kaya kahit nakaalis na siya doon, para pa ding kumukulo ang dugo niya sa inis sa lalaki. Sa isip ay kung ano-anong masasamang salita na ang sinasabi niya tungkol dito. Hindi lang naman pala talaga bastos ang lalaking iyon kundi hambog pa. Blackmailer pa. Kung may choice lang talaga, hinding-hindi talaga niya tatanggapin ang offer ng kumpanyang iyon.

Napahinga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. But she is businesswoman. She knew that doing this event for LVN could boost the popularity of her company. Mas lalong dadami ang corporate clients niya at mas lalong gaganda ang image ng Multi Image Events na inalagaan niya ng kung ilang taon. Napangiwi siya sa inis ng maalala ang sinabi ng lalaki. Totoo naman kasi kaya nitong sirain ang kumpanya niya kung gagawin nito. LVN is a big network in this country and being a CEO, that man could easily pry on her baby company.

Marahan niyang hinilot-hilot ang ulo dahil pakiramdam niya ay pumipitik ang ugat sa sintido niya. Hindi pa nga tapos ang problema niya sa puso, pati ba naman sa business niya ay may problema pa rin? Kahit na ba nagka-pirmahan na sila kanina, hindi niya alam kung makakapagtrabaho siya kasama ang lalaking iyon.

Idiniretso niya ang sasakyan sa kanyang condo. Kailangan niyang kunin ang kanyang mga gamit. Sigurado naman siya na wala na doon si Ethan dahil talagang ibinilin niya sa security ng building na huwag na itong papasukin doon. Pagdating niya sa unit ay parang lalong piniga ang dibdib niya. Every memory comes back. Taon din ang binilang ng pagsasama nila ni Ethan sa unit na ito. The smell reminds her of everything. Lumakad siya at tinungo ang sariling silid. She could still picture her mom and Ethan on the bed having sex. Sa totoo lang mas nakakadiri ang nakita niyang ginagawa ng dating boyfriend at ng nanay niya. Parang may bumarang kung ano sa lalamunan ni Fiona. That was a real blow on her. Mas matatanggap pa siguro niya kung ibang babae ang ipinagpalit sa kanya. Pero ang ipagpalit siya sa sarili niyang nanay?

Mabilis na pinahid ni Fiona ang luha at huminga ng malalim. Pilit niyang pinatatag ang sarili. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya iiyak dahil sa mga taong iyon. She would go on with her life but, she won't be living in this place anymore.

Kinuha niya ang maleta mula sa ilalim ng kama at inilatag iyon. Isa-isang inilagay ang mga damit. Napahinto siya sa ginagawa ng tumunog ang telepono. Si Carol ang tumatawag. Sinagot niya iyon at inilagay sa speaker mode para magawa pa rin niya ang pag-aayos ng mga gamit.

"How was your meeting?" bungad nito sa kanya.

"Terrible." Napairap pa siya habang patuloy sa paglalagay ng mga gamit sa maleta.

"Bakit? You didn't get the event? Akala ko bigtime event iyon?"

"I got it." Pinagkukuha niya ang mga underwears niya mula sa cabinet at napatingin siya sa ilang piraso ng boxers shorts na naroon. Mga gamit ni Ethan. Painis niyang kinuha iyon at itinapon sa basurahan.

"Wow. Congratulations! See? I told you. May kapalit na maganda ang ginawa sa iyo ni Ethan. Anong company naman?" Dama niya ang excitement sa boses ni Carol.

"I can't disclose it yet. Nasa planning stage pa lang kasi. Mahigpit ang company dahil ayaw nilang malaman ng mga competitors nila ang mga plans nila. But I'll tell you kapag furnished na ang lahat. Well, the boss was an asshole, but they gave me a big budget for this kaya tiis-tiis na lang," Isinara ni Fiona ang maleta ng masigurong kumpleto na ang mga importanteng gamit na naroon. "Saka makakatulong talaga ang event na ito sa image ng Multi Image."

"That is good to hear, Fi and I am so happy that you are getting on your feet after what happened. I am sorry for that." Tingin niya ay hindi pa rin maka-get over si Carol sa nangyaring mixed up sa kanya sa condo.

BAD ENCOUNTER | Bad Series 2 (complete)Where stories live. Discover now