15 - Surprise

Magsimula sa umpisa
                                    

"You're not sweet talaga. Sige na nga, I'll go ahead na. Dyan ka na, magpakabulok ka sa kwarto mo all day." sabi niya saka niya ako iniwan.

Buti naman at umalis na siya. Pampasira lang siya lagi ng mood ko eh. Haaay...makatulog na nga lang ulit. Istorbo.

1 hour later...

"Tsk. Ang sakit na ng ulo ko. Sobra na yata ako sa tulog." Tumayo na ako at ginawa ang daily routine ko. Mag-toothbrush, maligo at mag-breakfast. After that, manood sa discovery channel, mag-gitara at mag-sayaw (joke lang, hindi ako nagsasayaw). Mahilig akong mag-gitara at ito lang lagi ang ginagawa ko 'pag bored ako. Namana ko pa 'yung talent kong 'to sa mommy ko. Former guitarist siya sa banda niya dati pero nabuwag 'yun nang magkasakit siya.

"Kuya," tawag sa'kin ng kapatid kong si Rainee.

"Ano 'yun?"

"Nandyan 'yung mga kabarkada mo. Niyayakag ka nilang maglaro. Are you going?"

Haay... Tama nga si Deborah, binubulok ko lang ang sarili ko sa kwarto.

"Yeah."

"Okay."

Bumaba na agad ako at nakasalubong ko sa salas 'yung mga barkada ko. Napag-usapan naming maglaro doon sa court na pinaglalaruan namin dati ng basketball kaya doon na kami dumiretso at nagkapustahan kami ng isang libo sa bawat isa. Halos kalahati na ng allowance ko 'yun.

"All right. Let the game begins." sabi ni Sam at nagsimula na nga kami.

But in the end, natalo ang team namin. Obviously, it was my fault.

Bakit kasi hindi siya mawala sa isip ko?

"Oy, Rienn! What's wrong with you?" tanong ni Ivan sa'kin. "Kanina pa kita nahahalata ah?"

"Oo nga pre," umakbay naman sa'kin si Jerard, "Wala ka sa focus. Tinamaan ka din ng bola kanina, buti na lang hindi sa mukha."

"Natalo tuloy ang team natin dahil sa'yo." sabi naman ni Archie.

"Oy, wag mo siyang sisihin. Laro lang 'to." sagot naman sa kanya ni Alchie, kakambal niya pero nasa kabilang team.

"Pero ano ba talagang problema? Kanina ka pa 'di nagsasalita dyan." biglang pagsingit ni Charles.

"Sensya na."

"Hulaan ko...babae?"

"Hindi!" Asar! Ang lakas ng pakiramdam nito!

"Naku, babae lang pala eh. Edi ligawan mo."

Madali lang 'yan sabihin pero mahirap gawin. Hindi gan'on kadali 'yun lalo na't alam kong iba ang gusto niya. Hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko.

"Hindi pwede."

"Huh? Bakit? Forbidden ba? Strict ang parents niya? Incest?"

"Gago, hindi ah. Hindi ako magkakagusto sa kamag-anak ko."

"Eh ano?"

"Baka naman may gustong iba 'yung babae." sabi ni Rich na nakapagpatigil sa'kin.

"Gan'on? Haha. Kawawa ka naman pala, pre." natatawang sabi ni Jerard. "Daanin mo na lang muna sa inom 'yan. Tara sa bar namin, libre ko lahat."

"Dinadaan mo na lang lagi sa inom." sabi ko sa kanya.

"Haha. Gan'on talaga kaya tara na, pagod na rin ako."

I guess I have no choice.

Silver's POV

...boring.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon