CHAPTER 32 : Balita sa Radyong Sira

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ayos naman. Madaling kausap si Cyan higit pa sa inaasahan ko,” tugon ko sa kaniya bago isinara ang laptop. Saka lang din ako humarap sa kaniya. “’Yun nga lang, may mga tao pa rin talagang gaya ni Green. Kasing-berde ng kaniyang pangalan ang utak niyang puno ng malisya.”

“May eksena na naman siya?” ani Anna, tila hindi pa makapaniwala.

“Lagi naman siyang umeeksena. Palibhasa kulang sa aruga,” yamot kong sagot sa kaniya. “Salamat nga pala sa notes at saka sa pagcover-up sa ‘kin sa requirements. Tinulungan na ako ni Hans sa lahat kagabi.”

“Wala ‘yon. Maliit na bagay,” bigla siyang humalakhak. I really love her bubbly personality.

“Allen!” tawag sa ‘kin ni Kris. Patakbo siyang lumapit sa ‘king kinauupuan. Ang laki ng ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha ngayon, tila kinikiliti sa kilig.

“Guess what?” excited niyang pagkakatanong.

“Patay na si Demi?” sarkastiko kong tugon sa kaniya. “Charot lang. Baka pala marinig.”

“Ang gaga nito e,” aniya.

“Eh ano ngang meron?”

“Heto na nga,” muli niyang buwelo. “Kinikilig ako!”

“Bakit nga?” interesante kong tanong. Maging si Anna ay mukhang nag-aabang sa isisiwalat nitong babaeng ‘to.

“Eh kasi, yung jowa ko. Nakipag-video call na ‘kin. Takte, hiyang-hiya ako pero kinikilig ako,” pagpalirit niya sa ‘kin na tila isang kiti-kiting nakawala sa tubig.

“Bruha ka! Congrats,” bati sa kaniya ni Anna.

“Thank you, sis,” pagpitik ni Kris sa kaniyang buhok.

“Hula ko,” napahalumbaba ako sa aking sasabihin. “Monthsary gift niya ‘yan sa ‘yo ‘no?”

“Hayop, oo nga pala ‘no! Monthsary nga pala namin kahapon.” Tinawanan niya lang ang sarili sa kaniyang kaprangkahan.

Nakisabay naman ako sa kaniyang kasiyahan. “Girl, happy 100th monthsary!”

“Hotdog ka! One hundred ka diyan? Second pa lang. One. Two. Second,” makulit niyang hataw sa aking harapan.

Loka-loka pa rin talaga ‘to kahit kailan.

Pinagtatawanan pa rin namin ni Anna si Kris nang maudlot ito dahil sa aligagang lapit sa ‘kin ni Zee.

“Allen, I think kailangan mong lumabas,” she approached in panic. Parang mayroong masamang nangyayari, sunog o kung ano.

“Anong meron?” takang tanong ni Anna.

“Si Demi.”

May sunog nga. Umaapoy na dila.

Pangalan pa lang ng babaeng ‘yon, isang disaster na. Wala sa oras akong napatayo sa aking kinauupuan at nagmadaling lumabas ng silid. Sumunod din naman sa aking likuran sina Anna at Kris.

“Speaking of the devil, guys,” anunsiyo ni Demi sa mga taong nakapalibot sa kaniya. “’Yang, malanding bisexual pokpok na ‘yan ay isang two-timer.”

Iba’t-ibang bulungan ang aking naririnig mula sa mga taong nakapaligid. Mga nangingilid na titig ang aking natanggap sa mga naroroon.

May mukha ng pandidiri mula sa mukha ni Anthony. Mukha ng pagkadismaya sa mukha nina Gerald at Danzel. Isang iyamot na mukha mula kay Andrei ang aking naani. Halo-halo. Labo-labo.

Anong klaseng pakana na naman ‘to?

Sa kabilang banda ng kumpulan ay nakita kong nakatutok sa ‘kin ang mga mata ni Hans. Lumunok ako ng sariling laway. Bumilis nang bahagya ang tibok ng aking puso.

Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon