Ika-labing walong kabanata

Start from the beginning
                                    

"Masusunod po." rinig kong sagot ni manang.

Tumingin sa akin si Night kaya naman napabuntong hininga na lamang ako at sumunod na sa kagustuhan niya. Nahiga na ako sa tabi at nagdasal muna bago ako pumikit upang matulog. Bago tuluyang makatulog ay naramdaman ko pang may pumatong na mabigat sa aking bewang ngunit dahil sa antok ay hindi ko na ito pinansin pa.

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising ngunit napansin kong wala na si Night sa kama. Bumangon pagkatapos ay tinignan ang bawat kwarto ng mga bata.

Unang tingin ko sa kwarto ni Al na mas malapit sa pinto ng kwarto namin. Pagbukas ko ay wala siya sa kama at ang ayos ng pagkakalagay ng kumot at kobre kama sa kama. Sunod kong tinignan ang kwarto ni Zel at nakita silang magkakapatid na magkayakap at nakatagilid ang dalawang kuya ni Zel upang magkasya silang tatlo sa kama.

Napangiti naman ako sa aking nakita. Pagkatapos ay bumaba ako at pumuntang kusina. Nakita ko roon si manang at ang iba pa na kalalabas lamang sa isang pasilyo. Nagulat ang mga ito ng makita ako.

"Naku! Pasensya na po, ma'am hindi pa po ako nakakapaghanda ng umagahan." sabi ni manang na siyang unang nagsalita.

"Okay lang po. Hindi pa naman po ako kakain. Nakita niyo po ba si Night?" tanong ko rito.

"Ah si Night ba? Maagang umalis. Mukhang may importanteng pupuntahan." sabi ni manang na ikinatango ko na lamang.

"Sige po manang magja-jogging lang po muna ako sa labas." paalam ko pagkatapos ay lumabas na upang mag-jogging paikot sa isla.

Matapos kong mag-jogging ay napagpasyahan ko na lamang na umuwi at doon na lamang sa sala mag-exercise. Naghanap ako ng magagamit na tela upang ipangsapin ngunit napansin kong hindi na kailangan dahil mayroon ng mat sa may sala at napagpasyahang doon na lamng mag-exercise.

Tinulungan ko rin sa pagluluto ang mga kasambahay at sa paglilinis narin kahit pa ayaw nila akong tumulong dahil baka raw mapagalitan sila.

"Hayaan niyo na, manang. Kapag nagalit po ay sabihin niyong ako ang nagpumilit o di kaya'y ipatawag niyo po ako upang ako na ang kumausap." sabi ko ng may paggalang dito habang patuloy sa paggawa.

"Naku iha... Baka naman wala na kaming gawin niyan kapag napagpasyahan niyong dito na tumira." biro ni manang.

"Okay lang po yun, manang basta may makasama lamang ang mga bata kung sakali man pong umalis kami." sabi ko rito at naghugas ng kamay at nagsimula namang magluto. 

Matapos ay nagpahinga na ako at naligo. Ginising ko na ang mga bata at inaya na silang bumaba upang kami ay makakain na. Hindi na kami hinayaan pang tumulong sa kanila sa paghahanda ng pagkain kaya naman hinintay na lamang namin si Night na dumating.

Ngunit anong oras na ay hindi parin siya dumadating kaya naman nagpasya akong kumain na pati narin ang mga bata.

"Sumabay na po kayo sa aming kumain, manang." sabi ni Sky na agad ko namang sinang-ayunan.

"Oo nga naman manang para naman kahit papano ay mapupuno itong mahabang lamesang ito." sabi ko.

"Yes po! Para po hindi po namin ma feel na lonely kami kasi wala po si daddy. Tsaka pare-pareho lang din naman po yung food natin eh. So why not join us?" sabi rin ni Zel at tumango tango naman si Al habang nakatingin din sa kanila.

"Eh ano pa nga ba ang magagawa namin? Eh pinagtulungan niyo na kami?" sabi ni manang matapos ay tumawa ganoon din ang iba pa.

Nagsipaghanda na sila ng kanilang mga plato at kutsara pagkatapos ay nagsipag-upo na sa hapag. Si Zel na ang nagprisintang magdasal matapos ay kumain na kami ng masagana kahit na wala pa yung isa.

The Broken Wife (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now