Nakit ko si Lee na tinulak ng bahagya si Khairro. Tinawanan lang siya nito atsaka umalis para iwanan sila ni Baekcon. Itong malanding Lee na'to hawak-hawak pa yung kamay ni Kianna habang nag-iikot sila.

Tumalikod na lang ako, dahan-dahang pumunta sa gilid para may makapitan. Nilalamig na talaga kasi ako.

"Konti na lang, konti na lang. Kaya mo 'yan, Felicity! Matapang ka diba?!" sabi ko sa sarili ko.


Malapit na sana ako makapunta sa pinakagilid pero may dumaang bata sa harap ko. Hindi ko alam kung saan ako dadaan pati siya nalilito din. Mukhang hindi rin marunong mag-ice skating.

Nataranta ako, hindi alam ang gagawin ko. Kung tutulungan ko ba siya o mas uunahin ko yung sarili ko dahil naa-out of balance na ako. Nagulat ako dahil hindi natuloy yung pagkakatumba ko. Napansin kong naka-hawak na sa bewang ko si Keiji. Kinuha din nung tatay yung bata para tulungan.

"Be careful." bulong niya sa tenga ko. Wtf! Biglang nag-init yung pisngi ko.

"I-I'm s-sorry... Hindi ko na talaga kaya mag-skating." lumayo ako sa kanya para mabitawan niya ko, pero muntik na naman ako matumba. Inalalayan niya na talaga ako.

"Ayaw pa kasing magpatulong. Matutumba na nga, pride pa rin pinapairal. Tsk." hinila niya na ako palabas.

Hinubad ko agad yung skating shoes, tumambad sa akin yung namumula kong paa. Napasapo ako sa noo ko. Nakita iyon ni Keiji habang nagpapalit din siya ng sapatos.

"Masakit?" tanong niya. Tumango lang ako habang hinahawakan yung paa ko. Grabe puladong-pulado. "Sabihan ko lang sila Zarel na mauna na sa seaside."

Tumayo siya at nilapitan siya ni Lee, tumango naman ito. Saglit siyang tumingin sa akin, ngumiti at nag-thumbs-up pa bago tinawag si Baekcon.

"Tara na." aya ni Keiji sa akin.

"T-teka saan tayo pupunta? Hindi ko pa masuot sapatos ko ang sakit eh." hawak ko sa kanang kamay ko yung sapatos.


"Gagamutin natin yan." he pointed my reddish swelling feet.

"Paano? Eh, hindi nga ako makalakad." hindi pa rin ako tumayo.

Bumuntong hininga siya bago ako buhatin nang biglaan. Ano ba 'tong ginagawa niya? Siraulo ba siya? Maraming tao dito!

"Hoy ibaba mo 'ko!" sigaw ko.

"Oh, sige. Ibaba kita, makakalakad ka ba?"  tinaasan niya ko ng kilay. Shemay naman! Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Hindi na lang ako nagsalita at humawak na lang ako sa leeg niya habang bitbit ko sa kabilang kamay yung sapatos ko. Alam kong maraming tao ang tumitingin sa amin pero hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Gustuhin ko man maglakad, hindi ko kaya.

"Teka hahanap lang ako." ibinaba niya ko nang makapunta kami sa Watsons.

Kumuha siya ng hot compress bag. Pero paano 'yon malalagyan ng mainit na tubig, eh nasa mall kami? Baliw ba siya? Kumuha din siya ng band aid bago binayaran sa cashier.

Para akong pulubi na nasa tabi niya dahil hindi ko suot yung sapatos ko. Panay pa ang tingin sa kanya ng babae sa cashier. Umirap lang ako nang mapansin ko 'yon habang hinihintay siya.

"Dito ka muna, umupo ka na lang muna dyan. May pupuntahan lang ako." tumango lang ako.

Hinahaplos-haplos ko yung paa ko dahil namumula pa rin ito. Lalo lang sumasakit dahil malamig yung sahig ng mall. Napansin ko din na may paltos ako sa  paa. Dahil din siguro sa  sapatos ko. Tinext ko na lang muna si Selene kung ano ang ginagawa nila habang hinihintay ko si Keiji.

Fake WorldWhere stories live. Discover now