𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓢𝓲𝔁: 𝓛𝓲𝓽𝓽𝓵𝓮 𝓐𝓷𝓰𝓮𝓵

2K 44 1
                                    

Chapter Six: Little Angel

DAINE

Wohooooo! Sa wakas ako na rin ang susunod sa pila. Kanina pa kaya ako dito sa ice cream parlor kasi ang haba haba ng pila. Pagkapasok ko pa nga lang halos nasa may pinto na ang pila. At pagumalis pa ako dito baka pagbalik ko nasa kalsada na nakapila ang mga tao. Labag man sa kalooban ko pumila na lang ako no choice ehh. Ang hirap kayang pumila kung di man lang umuusad. Five minutes pa nga lang ako at naiinip na ako. At dun ko nasubok ang pasensya ko para lang sa isang ice cream. Ang hot tempered ko pa naman lalo na pagpinaghintay ako.

"Goodafternoon miss! What's your order?" Tanong ng cashier

"Uhmm—can you please give me the largest serving for the strawberry and chocolate ice cream with chocochips as an add on" sabi ko sa cashier. Ang lalagyan kasi nila sa kanilang ice cream ay yung cup na may size na small, medium, at large..

"Largest serving for the strawberry and chocolate ice cream with chocochips as an add on. that would be P550.00 miss" Wag na kayong magtaka kung bakit ganun kamahal ng ice cream nila. Sikat yan na ice cream parlor ehh. Ang pinagtataka ko lang kung bakit mahaba ang pila kung mahal naman pala ang ice cream dito.

Kinuha ko na lang wallet ko sa aking bag at dumukot ng P600 at binayad sa cashier

"Wala na po pala kaming chocochips ma'am okay lang po ba kung iba na lang ang add ons niyo" sabi niya sabay bigay sa akin ng ice cream ko 

"Wag na salamat na lang" sabi ko at saka kinuha ang ice cream ko sa kanya at sakaya umalis na

Pumunta ako sa may gitnang bahagi ng park kung saan nakapwesto ang fountain at umupo sa pinakamalapit na bench.

Nagstay lang ako dun ng mga 20 minutes ng maalala ko sina Analeen at Khaye na iniwan ko sa basketball court. Kaya napatayo ako ng wala sa oras at nagsimula ng maglakad papunta sa direksyon ng basketball court habang kumakain pa rin ng ice cream

Hindi pa ako nakakasampung hakbang ng may marinig akong umiiyak sa may gilid kung saan may parang little garden na may maraming bulaklak.

"*sniff*sniff* k-kuya"  sabi nung batang babae na halatang umiiyak at nawawala kaya nilapitan ko ito. Mga nasa 5 to 6 years old pa lang siya at nakaupo sa damuhan habang ang kanyang mga kamay ay nakatakip sa kanyang mga mata

"Hey. Alam mo ba na delikado para sa mga bata ang magisa sa park dahil baka may kikidnap sa iyo dito" sabi ko sa bata kaya tinanggal na niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at tumingin sa akin.

"K-kasi a-ate nawawala kuya ko" humihikbi nyang sabi sa akin.

"Sino ba ang kasama mo at iniwan ka?" Tanong ko sa kanya

"D-di na-naman ako iniwan ng kuya ko ate ehh. A-ako yung humiwalay sa kanya ka-kasi may n-nakita akong butterfly kaya sinundan ko"

Sabi niya habang pinupunasan ang mga luha niya sa kanyang mga mata

Letcheng paru-paru yan ang lakas makahatak ng atensyon ng mga bata.

"Ano palang name mo?"

"Angel po"

"Okay Angel can you please bring me kung saan mo iniwan ang kuya mo?" Sabi ko sa kanya

"Sige po ate"

Naglakad kami papunta sa may mga stall sa may tabi tabi ng park at tinuro niya ang ang stall na nagtitinda ng mga hotdogs and juice.

"D-diyan po ate" sabi niya

Lady Mystique: The Forgotten (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara