𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓔𝓲𝓰𝓱𝓽

1.9K 43 0
                                    

Chapter Eight

ANALEEN


Naglalakad na kami paalis ng court kasi maggagabi na rin. Hinalukay ko muna sa bag ko ang cellphone ko saka inirapan si Khaye na tinawanan lang ako.

Kahit kailan talaga di mo maaasahan yang so Khaye. Ang yaman yaman pero walang load. Tsk. Kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko at sinubukang kontakin si Daine

"Hello." simpleng bati ni Daine nung sagutin nya ang tawag ko.

"Nasaan ka nang bruha ka ha? Bakit di ka na bumalik?" Agad na tanong ko Sa kanya

"Mauna na muna kayong umuwi may biglang nangyari eh. Uuwi din ako mamaya. Kalma ka lang" sabi niya saka tinawanan ako. Ang hilig nila akong pagtawanan tss.

"Kalmahin mo mukha mo" huminga muna ako ng malalim at saka tinanong ulit so Daine.

"Saan ka nga?" Tanong ko

"Nandito ak—" di ko na siya pinatapos dahil nagsalita naman ako agad.

"Umuwi ka na. Sa loob ng 10 minuto at wala ka pa malalagot ka talaga" sabi ko saka ko siya binabaan ng telepono.

"Oh asan daw siya?" Tanong Sa akin ni Khaye ng binaba ko na Lang telepono ko.

"Di ko Alam" sabi ko sabay kibit balikat.

"Aray naman bat ka ba nambabatok ha?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas ang batok ko.

"Ang tanga mo naman. Tinawagan mo nga di mo naman tinanong kung nasan siya" aba't tinawag pa akong tanga.

"Di naman nya sinabi. Basta ang sinabi ko sa kanya basta di pa siya nakakauwi sa loob ng sampung minuto malalagot siya at binabaan ko na" paliwanag ko sa kanya sa naging usapan namin ni Daine.

"Ano! Eh tayo nga di pa nakakaabot Sa apartment siya pa kaya?" natatawa na lang ako kasi ang OA makareact ng babaeng to.

"Chill ka lang hahaha malapit naman din tayo sa apartment eh kaya okay lang"

"Bahala ka na nga" sabi niya at nagpatuloy na kami sa pagalalakad papunta sa apartment.

Nung makarating na kami sa apartment at agad naman akong umupo sa sofa at saka binuksan ang TV at nanuod habang si Khaye naman at diretso sa kwarto niya.

"Five minutes left" sabi ko sa aking sarili atsaka ngumisi.

Tumingin ako sa wall clock namin at tiningnan kung anong oras na. 6:29 pa lang ng gabi at may five minutes pa ako para magbihis kaya pumunta muna ako sa kwarto ko at pinalitan muna ang uniform ko ng tshirt at shorts.

DAINE


Nandito ako ngayon sa bahay este sa mansion pala nina Angel at Mikael (mansion talaga dahil sa sobrang laki) ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Pagtingin ko si Analeen lang pala. Saka ko lang naalala na di na pala ako nakabalik sa may court dahil bigla na lang ako nadamay sa pagtakbo. Umalis muna ako at pumunta sa may garden ng bahay na to saka ko lang sinagot ang tawag.

"Hello."

Pagkasagot ko narinig ko naman agad ang napakalakas na boses ni Analeen

"Nasaan ka nang bruha ka ha? Bakit di ka na bumalik?" tanong niya sa akin

"Nasaan ka nang bruha ka ha? Bakit di ka na bumalik?" Agad na bungad nya na tanong sa akin.

"Mauna na muna kayong umuwi may biglang nangyari eh. Uuwi din ako mamaya. Kalma ka lang" sabi ko saka ko siya tinawanan.

Lady Mystique: The Forgotten (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon