𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓣𝔀𝓸: 𝓜𝓻. 𝓐𝓻𝓻𝓸𝓰𝓪𝓷𝓽

3.6K 59 0
                                    

***
A/N: this is going to be short but already edited. Enjoy reading.

Dedicated to gotwrite

***
Chapter Two: Mr. Arrogant

ANALEEN

Nang makapasok na kami sa cafeteria ay agad na dumiretso sa may counter sina Khaye at Daine. Binigay ko na lang sa kanilang dalawa ang pera ko at sila na ang pina-order ko since ako naman ang manlilibre. Ako naman ay dumiretso sa aming favorite spot. Ang ganda kasi dun malapit sa glass window at makikita mo sa labas ang soccer field.

Habang papalapit ako sa favorite spot namin may nakita akong naka upo dun which is very unusual because alam ng lahat na kami lang ang pwedeng umupo sa pwestong yun.

"Excuse me! I believe that this is my table!" sabi ko sa lalaking nakaupo dun. Aba hindi man lang ako kinibo at tiningnan lang ang relo niyang halatang mamahalin.

"Aba't hoy! umalis ka nga diyan! Pwesto ko to!" naiinis na ako sa lalaking ito ah di pa umiimik.

Di ko makita ang mukha niya kasi nakayuko lang siya at nakatingin sa relo niya. Nang napansin kong sa amin na pala nakatingin ang mga studyante sa tabing table tiningnan ko lang sila ng masama kaya bumalik na sa kanilang mga ginagawa.

"Hoy! Leen bat nakatayo ka diyan-Oh?" reaction ni Khaye yan ng makita niya ang lalaki na nakaupo sa table na reserved only for the three of us.

"Sino yan?" Khaye asked in confusion.

"Paalisin mo nga yan ang bigat ng dala ko oh!" sabi ni Daine na tinutukoy ang kanyang dalang tray na may lamang pagkain namin.

"HO-" sisigawan ko sana kaya lang tumayo na sya at naglakad palabas ng cafeteria.

"Nerd na nga bungangera pa. tsk!" sabi ng lalaki. Susugurin ko na sana kaso hinawakan na ako ni Khaye sa magkabilang braso para pigilan ako sa pagsugod sa lalaking yun.

"Wag mo na lang pansinin yun kumain na muna tayo gutom na talaga ako" Khaye said at binitawan na ako.

"Di pa ako tapos sa isang yun" Pag nakita ko lang talaga yun di ko siya titigilan.

Umupo na lang kami at saka kumain na ng aming pagkain para maka pasok na kami sa next subject namin. Ayoko talagang naiisahan o may kumakalaban sa akin. Ewan ko ba parang naiinis ako pag ganun.

"Analeen?" Daine called after ten minute passed.

"Kilala mo ba si Andrew?" Daine continued ng di ko nagsalita.

"Andrew?" I asked and finished my food.

"Andrew James Park?" Daine stated.

Andrew... Andrew... Andrew paulit-ulit na sabi ng aking utak. Pamilyar ang name eh! Para namang biglang may naglight bulb sa ulo ko ng makilala ko na ang tinutukoy ni Daine.

"Kilala mo siya?" takang tanong ni Khaye sa akin na nagtataka pa.

"Oo. Bakit ano kailangan niyo dun?" tanong ko sa kanila habang iniinom ang tubig ko.

"Ah wala naman. Naitanong ko lang" Daine

I smell something fishy... :D

Di ko na lang muna sila pinansin at pinagtuunan ang pagkain ko akalain niyo yun di pa ako naka kakain ng breakfast kaya ngayon babawi ako. Nag uusap lang naman kami nina Khaye at Daine ng kng anu-ano kaya di na namin namalayan na nagring na pala ang bell signaling na tapos na ang break. Buti na lang tapos na akong kumain.

"Tayo na guys baka malate pa tayo" Khaye said while picking our trashes para itapon sa trash bin.

"Ay time na? ang bilis naman." Daine reacted.

Tsaka ko lang naalala na may lalaki pala akong nakaaway kanina. Hahays pagnakita ko lang talaga yun arg! Pumasok na kami sa aming classroom at umupo sa upuan namin. Hindi naman nagtagal pumasok na ang next teacher namin

"Okay class. You will have two new classmates" sabi ni teacher ng makapwesto na siya sa harap namin lahat. Bigla namang nahiyawan ang mga kaklase namin. Ang iba naman nagtataka kung bakit may nagtransfer eh nasa gitna na kami ng taon.

"Come in guys!" the teacher called out.

May pumasok na dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Nang makita ng mga kaklase kong babae ang lalaki agad silang natilian nakakabasag talaga ng ear drums ang mga boses ng mga impaktitang ito. Ang mga lalaki naman ay may pasipol sipol pang nalalaman. Jerks!

"QUIET!! Introduce yourself first" the teacher silenced everyone at iminotion ang dalawa na magpakilala sa harap.

"Hi Guys! My name is Carla Buendina. I hope you will be nice to me" sabi niya at ngumiti pa ng peke. How do i know it's fake? It's very obvious duh.

"I'm Chester Glenn Montero. I'm 20." this guy is so cold.

Kilala ko ata yung lalaki? Pero di ko lang maalala tsk. At yung babae? Carla daw? Ahh kilala ko yang Carla na yan nakaaway ko yan kanina sa hallway eh.

"Okay please take your seats" sabi ni teacher sa dalawa.

Naglakad naman silang dalawa papunta sa upuan sa likod since yun na lang ang vacant. Nagdiscuss lang ang teacher namin hanggang sa matapos na siya. Pumasok naman ang last teacher namin at pinaauwi naman kami agad dahil may meeting pa daw sila kaya free time na Yippey!

"Tara na guys uwi na tayo" Khaye said ng lumabas na ang teacher.

"Mabuti pa nga" sabi ko at maglalakad na sana ng mapansin kung tumigil si Daine.

"Oh? may problema ba?" I asked her.

"Kasi yung lalaki" sabi niya sabay turo sa kung saan umupo yung lalaki na transferee kanina.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Khaye sa kanya.

"Di niyo sya tanda?" tanong pa niya.

"Magtatanong ba kung kilala namin?" tanong ko sa kanya with matchin irap pa. Pero familiar nga ang mukha ng lalaking yun.

"Ano ba kayo! Siya yung lalaki kanina sa cafetaria kung di niyo maalala"

Napatakip naman ako agad sa aking tenga sa biglaang pagsigaw ni Daine. Teka kaya pala Familiar yung lalaking yun. Di lang ako sigurad dahil di ko naman nakita ang mukha niya dahil palagi ang siyang nakayuko.

"Te-teka yung lalaking bastos sa cafetaria?" Khaye asked ng maalala na din yun lalaki kanina.

"Yun nga! Naku naman napakahina talaga ng mga memorya niyo" sabi pa ni Daine. Nanlait pa siya ah! Wow parang ang talas ng memory niya ah di rin naman kaagad naalala kung sino ang lalaki kanina.

"Sarreh naman. Tao lang" was all I could say.

"Tara na nga at umuwi mag-gagabi na kaya oh" sabi ni Khaye na sinang ayunan namin.

"Mabuti pa nga" sang-ayon ko at nagsimula ng maglakad papunta sa kotse na ginamit namin kanina.

Nang marating namin ang parking lot ng school wala ng gaanong mga sasakyan na nakapark. Mukhang nakauwi na ang halos lahat ng estupidyante. Dumiretso ako sa lugar kung saan nakapark ang kotse na ginamit namin at pumasok sa driver's seat. Ako ang magdadrive dahil nasa akin naman ang susi since ako ang nagdrive kanina papunta dito. Si Khaye ang katabi ko sa harap habang si Daine naman ang sa likod.

I started the engine at mabilis na pinaharurot palabas ng parking lot ng school ang kotse papunta sa apartment namin.

Ngayong araw dalawa ang bumangga sa isang Brianna Coleen Montez and take note, puro transferees pa. Tss. I can't believe this. Di ba sila niremindan ng mga faculty members kung sino ang di dapat banggain? O sadyang kaangasan lang ang laman ng mga bungo ng dalawang yun? I will take my revenge at the right time but that time is not now.

(EDITED)

Lady Mystique: The Forgotten (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon