Nagpahatid ako sa resto bar na napuntahan ko kagabi. Kung titingnan parang simpleng restaurant lang, pero sa underground mayroon silang bar kaya pwedeng mag-party kahit tanghaling tapat kasi madilim naman sa loob.

Doon ako pumasok, nakita ko na marami na rin ang tao rito. May mga nag-iinuman, sayawan, at kantahan. Nakita ko na may performer sa maliit na stage, naka-bra lang at shorts. Cow girl outfit.  Kumakanta siya at sumasayaw habang ang mga manonood ay aliw na aliw.

Habang nanonood ay inalok ako ng waiter ng isang glass ng beer. I don't usually drink beer, bit this time. I think I need this. Ininom ko 'yon habang nanonood sa performer.

Doon ko napansin ang isang lalaking nasa sulok, nanonood din sa performer. Nang mapansin niya sigurong may nakatingin sa kan'ya ay tumingin siya sa direksyon ko.

He's the same guy last night, kung hindi ako nagkakamali. May band aid pa siya sa kan'yang ilong, natamo niya siguro kagabi no'ng nakipagbugbugan siya.

Umiwas ako ng tingin at humarap sa counter. Magaling ang bar tender nila, infairness. Umorder ako ng isang tequila na agad naman nitong binigay. Matapos kong uminom ay narinig ko ang boses ng isang lalaki sa tabi ko.

"You look decent, you don't belong here," sarkastikong sabi niya at tinapunan ko siya ng tingin. Hindi ko siya pinansin, dedma lang. Nakita ko kung gaano siya ka-brutal kagabi. "So, what's your name little spoiled brat girl?" tanong niyang muli sa akin.

"What did you just say? I'm a spoiled brat?" inis kong tanong at natawa naman siya.

"As I remember, anak ka ni Gobernador Emmanuel," bulong niya sa akin. Paano niya nalaman? I mean, tatay ko lang naman ang famous.

"Hindi porket anak ng gobernador, ay spoiled brat na. So stop being judgemental, Mr. basagulero," ngiting sabi ko.

"I'm not basagulero. Business ko 'yon," nakangising sabi niya. What the heck? Business niya ang muscles and strength niya? Anong klaseng trabaho 'yon?

"Akala ko ba ay na-raid ito? Mabuti naman at patuloy parin ang serbisyo?" tanong ko.

"I don't know. Narito lang naman ako kapag may laban ako," nakangiting sabi niya.

"Oh, Arturo! Ready kana ba? Dito raw gaganapin laban mo ah? Hindi na pwede sa labas eh, baka may manghuli," paliwanag ng lalaking tumawag sa kan'ya.

So, Arturo ang pangalan niya. Sounds matured. I mean, bagay sa kan'ya because he's manly.

Hindi na niya ako nilingon pa at sumama na sa lalaking iyon, I don't care naman. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom hanggang sa i-arrange na nila ang mga upuan sa gilid. Nagbigay sila ng malaking space sa gitna.

"Miss, pwede kang gumilid? Baka mahagip ka dito eh," sabi sa akin ng bar tender kaya naman naupo ako sa gilid, sa sulok.

Mayamaya lang ay lumabas mula sa restroom si Arturo, kasunod noon ay ang lalaking maskilado, mas matangkad sa kan'ya at mayroong hanggang balikat na haba ang buhok.  Mukha siyang wrestler sa wwe.

"Okay, ladies and gentlemen. Ngayon ay makakapanood tayo ng maagang live sa loob mismo ng bar. Hindi na tayo muna pwede sa laba, dahil may huli. Kaya magpalakpakan dahil nagawan ng paraan!" natutuwang sabi ng mc. Ang lahat ng nasa loob ay nagpalakpakan.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now