Part 17| Minela Kang

5.7K 106 2
                                    

VOTE... COMMENT... PLSSS...

Late update for this one. Belated Happy Holidays!

Happy reading!

~♤♡~

[Minela's POV]

Wednesday. I woke up with a migraine. I looked to the digital clock at my bedside table and I was shocked when I saw the time. 12 pm. I am late for School!

Argh! Kasalanan itong lahat ni Caroline Stefano! Kung hindi lang matigas ang ulo nya at nagsalita na sya agad ay baka mas maaga akong natapos sa pag-i-interrogate sa kanya pero hindi. Pinasakit nya ang ulo ko.

Pasalamat sya at wala sya sa Slaughter room kung hindi ay torture ang aabutin nya sa akin. For now, inutusan ko ang mga tauhan ko na wag syang pakain para magtanda. Tignan natin kung hanggang saan sya aabot sa pananahimik nya.

However, why didn't my brother wake me up?!

I hurriedly jumped out of my bed and get my undergarments from my drawer. Muntik pa akong ma-out of balance noong makaramdam ng pagkahilo sa ginawa kong pagmamadali. I was about to go to the bathroom when someone knocked on my door and opened it for a little gap so I did my stop. Sumungaw ang ulo ni Kuya doon kaya agad kong tinago sa likod yung braso ko na may kalmot.

"I am already awake, Kuya. Susunod nalang ako sa baba. Maliligo lang ako," sabi ko sa medyo inaantok pang boses kaya dumapo sa akin ang paningin ni Kuya at kumunot ang noo.

"Namumutla ka. May sakit ka ba? Ang sama ng itsura mo," tanong nya.

I rolled my eyes as if he said something impossible. Sino naman kasing magiging maayos ang itsura kung kakagising lang? Lakas trip din itong si Kuya, e.

"Walang pasok. You can go back to bed if you want, but you have to eat breakfast first," he declared bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.

I frowned. "Totoo ba? Bakit?"

"Huh? Di ba sinabi ko na sayo kagabi kung bakit? It's Holiday today. The continuation of classes is on Friday. Kaya magdiwang ka na at 2-day ka ding tengga sa bahay," Yeah. All saint and soul's day.

Wala naman akong naging reaksyon dahil kakagising ko lang. Wala pa ako sa ulirat. Isa pa ay masakit ang ulo ko. Maya-maya ay bumaba na si Kuya. Samantalang ako ay kahit walang pasok ay naligo parin ako. Kapag kasi mamaya pa ako naligo at walang pasok ay baka tamarin na ako.

Nagsuot ako ng long sleeves para hindi makita ni Kuya yung benda sa braso ko. Pagkatapos mag-ayos ay bumaba na ako at pumunta sa kusina para mag-almusal. Naabutan ko si Kuya na humihigop ng kape nya habang nagbabasa ng dyaryo.

"May pupuntahan ka?" tanong ko sa kanya noong mapansin kong naka-ayos sya.

"Hm. A party," tipid nyang sagot na hindi man lang nagawang tumingin sa akin.

I frowned. "Party ng tanghaling tapat?"

Lumapit ako sa cabinet na naglalaman ng mga baso at kumuha ng isa doon saka ito nilagyan ng tubig na nasa mesa bago ako umupo sa usual spot ko sa dinning table. Kung saan din nakahain na yung plato ko.

"No, after lunch pa naman. It's actually a weird party. A good friend of mine is the host of the party that's why I am invited. But if I'll be the one to choose, hindi ako pupunta. Halloween kasi ang theme ng party,"

♔She's a Mafia Boss♔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon