Fourteen

8 1 0
                                    

Matteo:

Akalain mo yon our parents knows each other. I will tell it to Mom. So we can have dinner together. I hope you enjoyed your Dinner with your Papa. And please be a good girl. Your Papa loves you so much.

Message sa akin ni Matteo. Ngayon ko lang nabasa ang message niya sa akin na kanina pa niya isinend. 

Me:

Yes po. I'll be a good girl. 

Reply ko sa kanya. 

Kinabukasan maaga akong pumasok at feeling inspired na inspired. Hindi ko alam pero feeling ko seswertihin ako ngayong araw na to.

Ka-shift ko si Maisie na kanina pa nagpaparinig sa akin pero hindi ko nalang pinansin dahil nga ang gaan ng pakiramdam ko ngayon

Ilang oras ata kami magkausap ni Matteo sa cellphone halos umusok na nga ang tenga ko sa sobrang init ng phone ko.

Officially dating na kaming dalawa.

"Girl, hindi ko magets paano kayo nagkagustuhan ni Sir Matteo." Nagulat ako nang may lumapit sa tabi ko. Nagpupunas ako ng mga la mesa at nagreready ng mga cutleries bago kami magbukas. "Pero hindi ko naman siya masisisi maganda ka naman talaga kaya inis na inis sayo si Mrs. Quinto." Sabay tawa niya at tumalikod na sa akin.

Ang akward talagang kasama nila Maisie pero mas gugustuhin ko pa silang kasama kesa kay Mrs. Quinto na puro pag bubunganga ang ginagawa sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit siya galit na galit sa akin.

Tumunog ang wind chime sa front door. Masaya akong lumingon don sa pag aakalang si Matteo ang papasok kahit sinabi niyang late siyang makakapasok pero iba ang nakita ko.

Si Mrs. Andrada na nakaputing bestida at nakataas ang buhok. Kitang-kita sa kanya ang pagiging sopistikada. Kung ganyan lang si Anastasia baka sakaling matanggap ko pa pero kabaligtaran laging nakaitim ang babaeng yon.

Pero bago ko isipin si Anastasia bakit bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit naiintimidate ako sa babaeng naglalakad papunta sa pwesto ko.

Nakangiti sita pero ako nanginginig ang mga labi ko. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanya pabalik pero gusto ko nang tumakbo papunta sa back area.

"Good Morning, Alyssa." Bati ni Mrs. Maria.

"Good morning too Mam Maria." bati ko rin sa kanya. "Wala pa po si Matteo. How can i help you po?"

Ngumiti si Mam Maria sa akin. "Please don't call me Mam. Call me Tita Mars. And yes, my son told me that you're the daughter of Leandro."

"Yes po." Sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa hawak kong maliit na basahan na pilipit na pilipit na ngayon dahil sa tensyon kong nararamdaman. "And dahil diyan, i need your help." Sabi niya na nakangisi sa akin.

"Po? Ano po yon?" Tanong ko muli sa kanya.

"Maisie come here!" Tawag ni Mrs. Maria kay Maisie na nag pupunas rin ng mesa.

Lumapit si Maisie ng nakangiti kay Mrs. Maria. "Hihiramin ko muna si Alyssa and don't worry tinawagan ko na si Adelina para may makasama ka sa shift mo." Sabi nito kay Maisie na nagpapabalik balik ang tingin sa amin ni Mrs. Maria.

"Pero po Mam baka magalit po si Matteo na iniwanan ko yung kashift ko nang walang dumarating na reliever." Ayoko namang magalit sa akin si Matteo. Ayokong abusuhin siya purkit nagdadate na kami eh pwede na akong sumama sa Mommy niya kahit gustong-gusto ko. Mahirap na din madadagdagan na naman ang maririnig ko kay Mrs. Quinto.

Hindi pa man sumasagot si Mrs. Maria ay biglang may tumabi kay Maisie. Si Mrs. Quinto na basang-basa pa ang buhok. Mukhang nabigla ito sa pagkakagising niya dahil closing ang schedule ni Mrs. Quinto at pinapasok lang ni Mrs. Maria ng maaga.

Huh? (Baka Girls #2)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon