Nine

36 2 2
                                    

Nine

Pumasok ako sa loob ng gate namin. Nang makatuntong na ako sa pintuan ng bahay namin ay agad kong natanawan si Papa at yung babae niya na nasa salas at parehas nakaupo. May dalawang tasa na naka patong sa center table. Masyado akong masaya ngayon para magpakagalit at mainis sa nakita ko. Nakita ko sa mga gilid ng mata ko na tumayo si Anastasia sa kinauupuan niya at si Papa na bahagyang itinaas ang mukha para tignan ako pero ako ay hindi ko sila tinignan bagkus dumeretso lang pataas sa kwarto ko. Narinig ko din na may sinabi ang babae ni papa pero hindi ko na naintindihan nang maisarado ko ang pinto ng kwarto ko.

Umupo ako sa kama ko at inalala ang mga nangyari kanina. Good night. Paulit-ulit na nagpplay ang sinabi sa akin ni Matteo. Nangingiti ako kahit napakaliit na bagay lang non. 

Ramdam ko na kinikilig ako. Pero kahit anong pag-iwas ko sa kanya siya namang hanap ng puso ko.  Aminado na ko sa sarili kong humahanga ako sa kanya. At sana lang hanggang doon pero kung patuloy pa rin niyang gagawin ang mga ginagawa niya sa akin baka tuluyan na akong mahulog sa kanya at hindi na ako makatayo pa.

Nahiga na ako sa kama hanggang sa ipinikit ko ang mata ko. Iniisip ko ang mga nangyari kanina. Bukod yung sa ginagawa ni Matteo sa akin pati na rin yung sa pag-aaruga ni Aling Angge sa mga anak niya kahit na wala siyang katuwang sa pagtatrabaho. Sinabi niya na hindi na siya mag-aasawa pang muli. Ano kayang feeling ng may inang nag-aaruga sayo? Ganon din ang Daddy pag tinatanong siya dati that he's not going to marry again and he's not going to find a new girl. Ako lang daw ay sapat na sa kanya. Akala ko ganon na nga ang mangyayari hindi pala. Nagbago ang lahat mula ng makilala niya ang babaeng yon.

Iminulat ko ang mga mata ko ng may marinig akong malakas na tunog na galing sa alarm clock ko. Bumalikwas ako ng bangon para patayin iyon habang pipikit-pikit ba dahil sa pagkasilaw sa bukas na ilaw ng kwarto ko.

Habang nakapikit pa  ang isa kong mata ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa side table ko para patayin ang alarm clock ko nang makita ko ang oras. "Shit, Alas otso na!" Inihagis ko ang orasan ko at dinig kong kumalabog iyon sa sahig kaya nawala ang tunog niya habang ako ay nanakbo papunta sa sarili kong banyo.

Nakita ko ang pigura ko sa salamin ng banyo ko. Yung suot ko kagabi at hanggang ngayon suot ko pa rin. Nakalimutan ko nang magpalit sa sobrang pagod at sa dami kong iniisip.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na rin ako nag-ayos. Sa Taxi nalang ako mag-aayos habang bumibyahe. Lumabas na agad ako ng kwarto ko at mabilis na bumaba ng hagdan bago dumiretso sa kusina. Nakita kong nakaupos doon si Papa, nagkakape habang nagbabasa ng Newspaper. Hindi ko siya pinansin bagkus ay nagdiretso ako sa Refrigerator at kumuha ng tubig doon bago nagsalin sa baso. "Alyssa napapansin ko na gabi-gabi ka nalang umuuwi at di ka na naglalagi dito sa bahay. "

“Uy, ang Papa may pakelam sa akin.” Sarkastikong sabi ko sa kanya bago ako tuloy-tuloy na lumabas ng pinto ng bahay namin. Naririnig ko pa ang sigaw ni Papa sa pangalan ko at ang boses nang babae niya na parang sinasaway siya.  Umikot ang dalawang puti ng mata ko. Marinig palang ang boses o makita siya ay nasisira na mood ko.

Kailangan ko na talagang bumili ng sasakyan at humanap ng magandang trabaho nang magkaroon ako ng pambayad para pag gusto kong lumayas hindi hassle sa akin o pumunta sa mga bahay ng Baka Girls. And speaking of them tahimik ata sila ngayon at hindi nagyayayang lumabas or mag night out.

Nang makarating na ako sa tapat ng restaurant ay agad akong bumaba ng taxi. Mamaya after my duty ay dadaan ako sa isang car shop para mag inquire para makakuha ng sasakyan. Gagamitin ko na ang savings ko at papalitan nalang muli pag nakahanap na nang magandang trabaho.

Maraming tao talaga pag dumarating na ang tanghali. Buti nabigyan ako ng break para makakain na.

I was planning to lit my cigarette when Matteo showed in front of me. “Miss Manuel, napapansin kong these past few days ay lagi kang nagi-smoke. Do you have any problem?  Hindi maganda sa isang babae ang naninigarilyo.” Pagkasabi niya noon ay kinuha niya ang hawak kong sigarilyo bago itinapon ito sa kalsada at tinapk-tapakan.

Hindi ako makapag-react o makapagsalita dahil sa gulat. Bakit ba tuwing may problema ako o naiinis ay lagi ko siyang nakikita kaya mas lalo pang nadadagdagan ang pag-iisip ko.

“I don’t have any problem and just so you know, wala kang karapatang pakielaman ako sa mga ginagawa ko unless nasa loob ako ng restaurant na pagmamay-ari mo.” Hindi ako alam kung ano ang nasa isip ko kaya nasabi ko iyon sa kanya at natarayan ko siya ngayon. 

Tinitigan ko siya yung kaninang seryosong mukha niya ngayon ay nagbago na. Nakangiti siya bago ngumisi. “PMS?” Tanong niya sa akin.

Humugot ako ng malalim na hininga para mapigilan ang sarili kong suntukin siya ngayon pero ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ngayon.  “I understand, Miss Manuel. Pero, simula ngayon, lagi na kitang babantayan at tuwing makikita kitang may hawak na sigarilyo asahan mong lagi ko yong kukunin sayo.” Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Nakalimutan ko na ata kung paano ang paghinga. Konting-konti nalang mahahalikan na niya ako nang may marinig akong nagbukas ng pintuan.

“Oh, Alyssa, anong ginagawa niyo-“ hindi na natuloy ni Aling Angge ang tanong niya sa akin kaya bigla kong itinulak si Matteo palayo sa akin. “Naistorbo ko ata kayong dalawa ni Sir maiwan ko na muna kayo.” Narinig ko ang pagkalabog muli ng pinto pero kay Matteo pa rin ako nakatingin dahil nakatitig pa rin siya sa akin at may ngiting nakakaloko sa labi niya.

“H-hindi, Aling Angge.” Hindi ko alam kung narinig ‘yon ni Aling Angge dahil kinakapos pa rin ako sa hangin. Mabilis akong tumalikod sa kanya at naglakad papasok sa loob ng restaurant nang maisarado ko ang pinto ay muling naalala ko kung paano ba huminga ulit.

"Hoy, Girl ano? Bakit wala ka atang kibo diyan?" Untag ni Chrissy. Binuksan ko ang locker ko at inilagay ang bag. Kailangan ko na talagang mag resign. Pero iilang buwan palang ako dito. Wala pa akong ipon. Ayokong humingi kay Papa ng pera. "Hoy, Alyssa. Anong problema mo at tulala ka diyan?" Hinampas ako ng katabi ko sa braso na siyang nakapag pabalik ng diwa ko.

"Wala naman. May shifting na daw ah. Pang umaga tayo tapos next week pang gabi naman." Sabi ko sa kanya.

"Ah oo nga. Nabasa ko sa group chat natin. Papahabain na yung working hours ng Resto dahil in demand daw to. Atleast kasama kita." Aniya.

Nag-aayos ako ng buhok ko nang may maramdaman akong nagvibrate sa bulsa ko.

Baka Ann.

How are you, Sissy?

Sa text niya alam ko na ang ibig sabihin. Kailan ako magreresign?

Huh? (Baka Girls #2)-CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang