Nineteen

5 1 0
                                    

Nakita ko agad si Jasmin at Al na nag aayos ng lamesa sa tambayan ng Baka. Sabi niya sa group mga pinsan niya lang ang pupunta at Baka lang ang ininvite niya. Yung katrabaho daw niya na si Rich at Emelita.

Umangat ng tingin si Jasmin at nahagip niya ako. Itininaas niya ang kamay niya kumaway sa akin. Ngumiti ako at mabilis na pumasok sa loob.

"Alyssa, akala ko hindi ka pupunta. Magtatampo talaga ako." Inamba niya ang kanyang dalawang braso para yakapin ko siya.

"Congratulations Jasmin, ikaw pa talaga ang mauunang ikasal sa ating lahat." bulong ko sa kanya. Umiinit ang dalawang gilid ng mata ko. Naiiyak ako sa tensyon at sayang nararamdaman ko ngayon.

"Nasa loob ng managers office is Leslie inaantay ka punta ka na doon dali." sagot niya sa akin at pinisil ang braso ko. Napatulala ako sa sinabi niya sa akin. "Dalian mo na kanina pa yun naghihintay nahirapan akong konsensyahin yon para pumunta dito at kausapin ka. Kaya may utang ka sa akin at ang kabayaran ay abay ka sa kasal ko." Sabay haliklik.

"Wala ka bang balak ipakilala ako, Baby." singit ng isang lalaki bago umakbay kay Jasmin at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.

"Mamaya na pag kumpleto na silang lahat. Hayaan mo munang mag usap yung dalawa." sabay kurot ni Jasmin sa tagliran ni Al.

Mapapasana all nalang talaga ako sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Bago mainggit akong tuluyan ay mabilis na akong nagpunta sa managers office.

pagkabukas ko ng pinto nabungaran ko agad si Leslie na sumisipsip sa Milk tea na hawak niya. Lumingon sa akin si Leslie at umirap. "Ang tagal mo. Bilisan mong umupo dito baka dumating pa yung iba kung hindi lang ako tinakot ni Jasmin hindi kita kakausapin." si Leslie na nagsusungit na naman. Sa aming lahat siya ang pinakamasungit lalo na pag inaantaok siya or nagugutom siya or wala siya mood kaya everyday masungit siya.

Mabilis akong umupo sa tapat niya. Itinuro sa akin ni Leslie gamit ng mga mata niya ang milk tea na nakalagay sa lamesa.

"Talk!" utos ni Leslie. Kinuha ko ang milk tea na itinuro sa akin ni Leslie at sumipsip muna bago tinignan at sagutin siya. 

"Hindi ko sinasadya na mahalin si Matteo. Alam ko ang rule natin na Bros before hoes. Sorry Leslie but i'm inlove with him."

"Since high school?" tanong ni Leslie Napatigil ako sa pag ip-ip ngv milk tea ko sa tanong niya sa akin. Was it really obvious? "Hindi ka makasagot which means totoo nga." Tumingin ako kay Leslie na nakatitig sa akin. 

Leslie is really pretty kaya siya an pang laban sa pageant at modeling medyo may palya lang pag na sa question and answer na siya kaya kinakailangan muna naming mag overnight before her pageant para turuan siya kung anong isasagot. Leslie has a small round face kaya talagang mapapatitig ka sa kanya. Pointed nose. Small eyes na pag ngumingiti ay nawawala. Pinagpala sa height na 5'8 same with Bianca na halong magkasing katangkaran lang sila while Ann and Jasmin ang pinakamaliit sa amin.

"Sorry, Leslie. Pinigilan ko naman. Akala ko nakamove on na."

"Yun pala hindi pa pala at naghahangad ka pa ng mas mataas." putol ni Leslie. "Nag sex na ba kayo?" Tanong muli niya sa akin. Mula sa pagkakatingin ko sa kanya ay napatingin ako sa glass table. Mariin akong pumikita at tumango sa kanya.

"Gaga ka! Nagcondom naman ba? saan kayo nag sex?" Bulalas na tanong ni Leslie sa akin. Napatingin muli ako sa kanya. She smilling pero ang malilit niyang mata ay lumaki at halatang gulat na gulat.

"Leslie! Ano ka ba?! Baka may makarinig sa atin." saway ko sa kanya. Ngi-ngisi ngisi lang sa akin si Leslie ngayon. "At hindi. Hindi siya gumamit ng condom kasi sa garden nila kami nag sex." sagot ko sa tanong niya. Ramdam na ramdam ko na nag iinit ang dalawang pisnge ko sa kahihiyan. We ocassionally, talk about sex pero iba pala talaga ang feeling pag naranasan mo na.

"If you get pregnant then congratulations but if not baog si Matteo." sabay halakhak ni Leslie.

"Nag sex din ba kayo ni Matteo?" tanong ko sa kanya. nakakahiya man pero dapat alam ko.

 "Anong ginagawa mo dito Hannah?" tanong ni Jasmin sa babaeng dating nanggulo na rin dito sa Restaurant.

"Wala, bakit? Masama bang mag gate crash?" tanong ng babae.

"Wala naman pero yung mukha mo mukhang masama." singit naman ni Leslie. Tumingin sa akin si Leslie at ngumisi.

"Bakla ka! Hindi nga kami nag kiss ng lalaking yon sex pa kaya. Oo naging magjowa kami kasi nga yung Mommy niya pati nanay ko magkababata. Kumbaga flirt flirt lang." sagot ni Leslie para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Nachismis na sa akin nung high school pa na gusto mo si Matteo tapos kung tingin mo iniyakan ko si Matteo nung hiniwalayan niya, umiyak ako dahil wala akong kasama sa Manila. Alam mo naman ang nangyari sa akin tapos yung magulang ni Matteo may problema noon kaya hindi rin ako napagtuunan ng pansin tho they help me sa finacial problems ko." Ibinaba ni Leslie ang bote ng milk tea na hawak niya dahil ubos na ang laman non hindi niya titigilan yon hanggat hindi niya nauubos. "Nagalit ako Alyssa, hindi tampo pala kasi hindi sinabi sa akin ni Matteo na kayo na pala tapos kaibigan kita. Kaibigan kita at alam ko baho ni Matteo gusto ko lang protektahan kita. pero as you said, mahal mo siya edi wala na akong magagawa. Matanda ka na kaya alam mo na yan."

I cried. I literally cried. She really opens up. Kung ako laging nagtatago ng nararamdaman si Leslie naman ang pinakamasikreto sa aming lahat. "Alyssa, you can talk to me like you always used to do. I'm going to France and gusto ko bago ako umalis okay tayo " sumunod pa ni Leslie.

"I love you Leslie. Thank you." naiiyak kong sbai bago inilahad ang dalawang braso ko para magyakapan kami.

"Okay na kayo?" Tanong ni Charlyn na kumakain na ng Puchero paglabas namin sa Manager room. Tumango ako sa kanya.

"Buti naman kakaloka hindi namin alam kung saan kami lulugar." si Bianca na umiinom na ng beer.

"Mamaya na yan, Leslie and Alyssa meet my cousin, Jack and Jelly and her boyfriend Totoy." Si Jasmin na nakangiti sa aming dalawa. 

"Hi." Bati ni Jack sa akin at nakipag kamay pero mabilis lang dahil hindi siya sa akin nakatingin kundi sa katabi. Si Leslie.

"Iba talaga humatak ang si Leslie. Palibhasa modelo at inspired beauty queen." Si Ann na kakapasok lang after pumasok sa loob ni Ann may kasunod din siyang babae. Siya yung babaeng nangugulo nang kumain sila Al at Jasmin sa President.

"Al!" sigaw ng isang babae. Pinanuod ko ang ang galaw ni Jasmin na nakatayo lang malapit sa buffet at si Al na naestatwa.

"And who are you?" Tanong nung babae kay Charlyn na mabilis nakapunta sa harapan ng babae "A friend. Ikaw? A kabit?" si Charlyn na mabilis lumingon kay Al na inambaan ng middle finger.

"Wow, friends ba talaga? eh bakit nagkakasiraan kayo?" si Hannah. Oo si Hannah, nakwento namin ni Jasmin ang tungkol sa kanya sa pagsugod sa Presidente at lahat kami inistalk siya. Feeling maganda. Tumingin sa akin si Hannah na nakangisi.

"Ay iba ka talaga- Marites ka talaga!" sabi ni Bianca naman ang sumingit.

"Ay, oo nagkakasiraan kami ang boring pag walang away tapos magbabati na kami. Baliw kami e." si Leslie na tumingin ulit sa akin sabay kindat. I wonder paano niya alam ang tungkol sa pagkakasira sa amin?

"Eh mga baliw pala kayo. Doon kayo sa mental." Sabi ni Hannah sabay humalakhak.

"Gusto mo Hannah ikaw ang una daming dalhin sa mental pag hindi ka umalis dito?" Si Ann na mabilis ding nagpunta sa harapan ni Hannah kaya ang babae napapalibutan na ng Apat pupunta na rin sana ako para tulungan sila ay mabilis na nakapunta si Jasmin.

"Enough girls, wag na kayong mag-aksaya ng panahon sa babaeng to." Sabi ni Jasmin bago mabilis na lumingon kay AL. "Hoy Al, pag hindi mo pinalayas tong babaeng to hindi ko iaanak tong anak mo!" sumunod ni Jasmin. Nanlaki ang mga mata naming lahat at nagsigawan naman ang mga pinsan ni Jasmin. 

"Gago, Hindi nga?" sabay-sabay naming mga Bakang tanong kay Jasmin at hindi na nga pinansin si Hannah.

Huh? (Baka Girls #2)-CompletedWhere stories live. Discover now