Five

65 7 8
                                    

Five 


Iminulat ko ang mga mata ko pero agad ko ding ipinkit ahil sa liwanag. Ramdam ko ding may pumipitk sa loob ng ulo ko na ikinaungol ko. ¨Nung una, nakita kita naninigarilyo sabay kagabi naman lasing? Hindi ko alam na ganyan ka pala.¨ kinurap-kurap ko ang mata ko para malaman kung nananaginip ba ako o hindi? Inilibot ko ang paningin ko kung saang kwarto ko.  


Nanlaki ang mata ko ng marealize ko kung kaninong boses 'yon kaya agad akong napabalikwas ng bangon sa malambot na kama. Si Sir Matteo na nakatayo habang nakapamewang sa tapat ng pintuan. Anong ginagawa niya dito? Hindi kami magkasamang dalawa kagabi. Hindi ako sumama sa kanila paanong naging magkasama kaming dalawa? Dapat mga Baka Girls ang kasama ko. 


¨P-paano ako napunta dito?¨ tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga salitang itinanong ko sa kanya.  


¨Hindi mo natatandaan? Ang mga nangyari kagabi?¨ napalunok ako. Wala akong nararamdamang sakit sa parteng bahagi ng hita ko pero wala akong suot ngayon kundi bra't panty lang. Hubad ako. Anong nangyari kagabi? Napaungol muli ako ng may pumitik na namng malakas sa loob ng ulo ko. Damn, hangover! 


Tumingin ako sa kanya na nakatingin na ngayon sa hubad kong katawan. Agad kong ini-angat ang kumot na puti para takpan ang sarili ko.  


¨W-wala.¨ pag amin ko sa kanya. Kahit na maalala ko hinding-hindi ko pa rin sasabihn sa kanya. Nakakahiya! Ngayon palang namumula na ang mukha ko. ¨M-may nangyari ba sa ating dalawa?¨ napakagat muli ako ng labi. Ang sarap pukpukin ng ulo ko. Yung matagal ko ng inaalagaan naiwala ko nalang ng bigla. 


¨Paano kung meron?¨ Malamig pa rin ang boses niya na may bahid na galit. Napatungo ako at napakagat labi muli para pigilan ang paghikbi ko. Yung batanes ko nawala nalang ng bigla.  21 years ko yong inilagaan tapos sa isang iglap nawala agad. Gusto kong umiyak at pinagsisisihan ko na ang pag-iinom ng marami kagabi.  


Kailangan kong pumunta sa pulis para isumbong siya na ninakaw niya ang batanes ko ng hindi ko alam. Kailangan niyang ibalik iyon sa akin. Regalo ko yun sa asawa ko! 


¨Nasan ang mga damit ko?¨ Pag-iiba ko ng tanong sa kanya.Kinurap-kurap ko ang mata ko para tuyuin ang basang luhang lumabas sa mata ko. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na mahina ako at pinagsisihan ang nangyari pero ayoko din namang isipin niya na easy to get ako babae. Nakakainis! 


¨Pinapa-laundry ko pa puro suka mo kagabi.¨ napaawang ang bibig ko sa sagot niya.  Tumingala muli ako para titigan siya. Shems, ang hot niya pa ring tignan kahit na nakajersey short lang siya at light blue na t-shirt. 


 ¨A-anong oras daw darating?¨ kailangan ko ng makaalis dito bago pa madagdagan ang kahihiyan na sinasapit ko ngayon. 


¨Maya-maya. Tumayo ka na diyan at kumain muna.¨ napakagat-labi ako sa lamig ng pakikitungo niya sa akin. Marahil, galit pa ito sa akin. Naglakad ito papunta sa osang malaking closet at binuksan iyon. Puro mga damit na nakatiklop at magkakasama ang magkakakulay. E di ikaw na ang malinis!  Pagkakuha niya ng kulay na asul na tshirt ay humarap ito sa akin at inihagis iyon. ¨Suotin mo muna yan habang inaantay ang damit mo.¨ pagkasabi niya non ay umalis na ito aplabas ng silid. 

Huh? (Baka Girls #2)-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon