Epilogue

11 1 0
                                    

First Posting date- January 10, 2015

Last Posting Date- March 17, 2022

Finally, after 7 years I've made it! Natapos ko din ang story ni Alyssa. HAHAHAHA Hopefully, mapost ko na rin ang story ni Leslie, Charlyn, Ann and Bianca soon.

A little update sa buhay ng mga Baka Girls- dalawa nalang sa kanila ang walang jowa. HAHAHAHA

***

"Ikaw ba talaga seryoso at sigurado na sa kaibigang kong si Alyssa." Akala ko si Leslie lang kikitain ko dahil nag message siya sa akin na gusto niya akong makausap at tulungan pero hindi ko alam na kasama pala ang buong barkada niya bukod kay Alyssa. "You know galit pa rin ako kay Alyssa dahil hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sayo."

"Pasensya na gusto ko naman talagang sabihin pero iniintay ko ang desisyon ni Alyssa. Ayokong pangunahan siya."Si Leslie. Medyo kinakabahan ako sa kanilang lima buti nalang naandito si Leslie kahit bwiset na bwiset ako sa kanya ay laking pasasalamat ko pa rin.

"Ikaw na lalaki ka, anong ginawa mo kay Alyssa nung nag-inuman kami sa Bar? Walanghiya ka may pasayaw-sayaw ka pa sa likuran niya ng dirty dancing."sabi ng isang maliit na babae. Ann daw ang pangalan niya nung nagpakilala sa akin. Tho kilala ko naman talaga siya dahil isa siya sa mga siga sa school namin noon.

"Oo nga. Balak mo pa kaming buwagin ng mga kaibigan ko." yung isa namang babae na manang kung manamit. Si Charlyn, high school pa man kami manang na siya kumilos at manamit pero palaban sa utakan siya. Isa siya sa mga officer sa buong batch namin.

"Anong gagawin mo ngayon niyan ayaw kang kausapin ni Alyssa at wala kaming balak na tulungan ka." sabi naman nang matangkad na babae na maputi. Si Bianca isa sa mga ligawin sa school namin pero laging naloloko ng mga nagiging boyfriend.

"Wala akong masabi dahil ako unang nakahuli sayo Matteo na sa iyo pala nagtatrabaho si Alyssa." singit naman ng isang babaeng maliit na kulot. Si Jasmin palaban din ang isang to hindi ka iiwan pag may ayaw.

"Pwede bang isa-isang tanong lang? I know you care for Alyssa, even me, I care for her and for your frienship and goals. Please Leslie, tell them the truth. Walang naging tayo." sabi ko kay Leslie na nagmamakaawa. Mababali ata ako na kasama silang lahat sa isang kwarto dito sa hotel na may kanya-kanyang hawak para ma-hazing ako.

Si Leslie tumatawa lang ng pang-asar.

Makakalimutan ko ba silang Baka girls eh kilalang-kilala sila sa buong campus namin dahil sa barkadan nila nasa kanila na ang lahat. Beauty, Brains and my Alyssa.

"My daughter told me the she resigned and is willing to take over our family business."

"Yes, Tito Leandro. Wala naman po akong magagawa sa desisyon ni Alyssa. I love her and I will support her whatever her decision. Kahit na gustong-gusto ko siyang magtrabaho sa Presidente."

"Care to tell me kung ano ba ang nangyari at nagkagalit kayo pati kami ni Anastasia ay nadamay. She is okay na pakasalan ko si Anastasia kung dati man ay galit na galit siya sa amin." Muling sabi ni Tito Leandro na nakaupo sa swivel chair ng kanyang office. Tinawagan ko siya para makausap tungkol sa amin ni Alyssa ayoko naman na magalit siya sa akin ng hindi alam ang dahilan at okay lang din naman sa akin na magalit siya. Damn! I love her daughter!

"Pasensya na po." maikling sagot ko sa kanya.

"Isa lang naman ang dahilan bakit nagkakaganon yon dahil sa mga kaibigan niya. Mas mahal pa nga niya ang mga kaibigan niya kesa sa akin na tunay niyang ama." sabay tawa ni Tito Leandro. Halatang mapait ang tawa sa sinabi niya. "Wala ka dapat na ihingi sa akin ng tawad. Ako ang may kasalanan lumaki si Alyssa na iba ang mga katuwang at ako naman ay nagpakabusy."

Huh? (Baka Girls #2)-CompletedWhere stories live. Discover now