Eight

44 1 0
                                    



¨Kainis bakit pa kasi ininvite yan ni Aling Angge.¨ Inis na inis pa rin si Chrissy sa pag-aaya ni Aling Angge kay Loki na sumama sa amin sa bahay nila at duon na maghapunan. Nakakunot at noo niya habang nakasimangot. Tahimik lang akong nakangisi habang naglalakad papunta sa bahay ni Aling Angge. Hindi ko magawang makapagsalita kasi nasa likod namin si Loki at si Sir Matteo. ¨Hoy, Alyssa hindi ka ba magsasalita diyan? Hindi ka ba naiinis kasi nandito ang impaktong 'yon?¨ Lumingon ako sa kanya. Hindi a rin nawawala ang mangot nito sa mukha, bahagyang narinig ko naman ang tawa ng nasa likuran namin.

¨Hindi.¨ kibit-balikat na sagot ko sa kanya.

¨Kahit kailan ka talaga! Napaka!¨ nakamangot siya sa akin ngayon ng lumingon ako sa kanya habang si Aling Angge naman na nasa tabi ko ay natatawa lang sa inaarte ni Chrissy. ¨Paano pa kaya kung kasama natin si Sally at Maisie siguro mas iiyak ka?¨ Tanong ni Aling Angge. Tumingin ako kay Aling Angge. ¨Hindi ba sila pupunta?¨ tanong ko sa kanya. Nang kinuha ko kasi ang bag ko sa locker ay wala na ang damlawa kasama ni Mrs. Quinto.

¨Aba parang gusto mo pa silang sumama sa atin? Buti nga may mga pakiramdama sila an ayaw natin silang kasama dahil sa kaartehan nila at gumawa ng sarili nilang lakad.¨ Hindi pa rin nawawala sa kanya ang panghahab ng nguso. Napapailing nalang ako. Sabagay tama nga siya. Mas okay nang wala sila dito kung hindi mas lalo akong maiilang. May iba kasi sa kanila. ¨Aling Angge ayos lang bang sa bahay niyo talaga tayo maghappy-happy? Baka magalit sa amin yung mga anak niyo. Ngayon ang oras niyo para makapagbonding kayong tatlo.¨ Bakit parang may pait sa mga salitang sinabi ko? Ni minsan kasi hindi kami nakakapagbonding ni Papa pag wala itong trabaho. Sa bagay, kailan pa siya nagkaoras para sa akin? Napakagat ako ng ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak.

¨Nandito na tayo, Alyssa? San ka pupunta?¨ napahinto ako sa paglalakad nang putulin ni Chrissy ang pag-iisip ko. Napatingin ako at lumingon sa likod. Lahat sila nakatingin sa akin pero hindi ko mabasa ang mga tingin na 'yon. Tumingin ulit ako sa paligid namin, lagpas ako ng ilang bahay sa bahay ni Aling Angge at kung saan nakatayo sila Sir Matteo. Awkward akong ngumiti sa kanila at malalaking hakbang na naglakad patungo sa kanila. ¨Kung ano-ano na naman siguro iniisip mong babae ka.¨ Sumunod na sabi ni Chrissy.

¨Minsan lang tayo maghappy-happy at baka ang isa sa atin mapalayo pa at isama ni Sir Matteo sa Tagaytay diba? Kakain lang naman tayo at wala nang iba pang gagawin. Pumasok na kayo sa loob.¨ utos nito sa akin. Tinignan ko ang kabuuan ng bahay niya, bato lamang iyon at walang kulay ni hindi pa napapalitada yung pader kaya kitang-kita ang hallow blocks. Maliit lang ang bahay ni Aling Angge mas malaki pa ata ang living room namin sa bahay pero maaliwalas at malinis ito dahil kokonti lang ang bahay. Kahoy na upuan ang nabungaran namin may isang mahaba at dalawang maliit 'yon na gawa ata sa puno ng narra na kinulayan ng barnis. Ang kalapit ng living room ay ang Kitchen at dinning na agad na may kahoy din na la mesa. Pabilog iyon. Sa gilid namin, sa kaliwa ay may dalawang kwarto na ang pinto ay kurtina lamang. Kulay berde iyon na bulaklakan. Mukhang maingat si Aling Angge sa mga gamit dahil halos mga buo pa ang gamit niya sa living room. Yung tv na maliit halatang luma na ang ang pinapatungan nitong kahoy na lamesita din.

¨Maupo muna kayo. Maghahanda lang ako ng maiinom niyo tapos magluluto na ko. Pasensya na kayo sa bahay ko. Masyadong maliit¨ Basag ni Aling Angge sa katahimikan namin. Halos lahat kami ay walang kibo pare-parehas pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay ni Aling Angge. Nauna na akong naupo dahil sa pagod na nararamdaman ko sa kaliwa ko ay tumabi sa akin si Chrissy. Sa kanan ko naman ay tumabi sa akin si SIr Matteo. Nastiff ako sa kinauupuan ko. Bakit sa akin pa siya tumabi? Pwede naman siya dun sa isahang upuan umupo katulad ni Loki. ¨Ano ka ba, Aling Angge ang ganda-ganda kaya ng bahay mo. Ang aliwalas sa mata at ang linis pa.¨ Sagot ni Chrissy dito. Tumango-tango ako sa sinabi ni Chrissy kahit na nagffreak out ako sa kinauupuan ko.

Huh? (Baka Girls #2)-CompletedWhere stories live. Discover now