Seventeen

4 1 0
                                    

Nagbukas ang pinto ng CR at bumulaga si Leslie na nakatayo at nakatitig sa akin. Galit siya."Enough na guys. Nangyari na." sabi ni Leslie na hawak hawak ang isang boteng beer sa kanang kamay.

"Les." bulong ko sa pangalan niya. Natahimik kaming lahat habang naglalakad siya patungo sa amin.

"Alam ko na naman noon na may gusto ka sa kanya pero hindi ko alam na papatulan mo talaga siya kasi nga malaki ang respeto sa pagkakaibigan natin."

"I'm sorry Les." tumayo ako para lapitan siya pero umamba siya at natigil ako papunta sa kanya.

"It's okay. Ilang years na rin naman ang nangyari. I don't know wala akong nararamdaman ngayon. Manhid ata ako. I hope Alyssa, hindi ka niya saktan and I hope na maging masaya kayo." tumigil sa pagsasalita si Leslie at tumingin sa ibang kaibigan namin.

"Please pakisuportahan niyo nalang si Alyssa at Matteo kung talagang they loved each other. But still Ann how dare you do that? Alam mo na pala and ni Jasmin pero hindi niyo man lang ako ininform or binigyan ng pahaging." Ipinatong ni Leslie ang boteng beer na hawak niya sa lamesita. Inayos niya ang sarili niya bago umalis.

Naghihintay akong sampalin niya or sabunutan pero ni isa wala siyang ginawa. Yung dating war freak na Leslie na kilala ko ngayon ay kalmado lang. She matured!

"Mahal!" tawag ni Bianca kay Leslie pahabol sa labas ng condo ni Ann.

"Totoo ba yun? Ang kalmado ni Leslie. Hindi siya sumigaw or nanigawa." Si Charlyn.

"And she did not slap her or sabunot her." si Ann. "To think na isa siya sa palaban sa atin.

"Kayong tatlo ni Jasmin at Leslie lang naman ang nakikipagsabunutan e."Si Charlyn. Napaupo muli ako sa sofa ni Ann. Nanghihina ang mga tuhod ko at nanginig ang buong katawan ko dalhin sa tensyon.

"Wow Charlyn ha. Hiya naman ako sayo!" sabi ni Ann kay Charlyn. "Anyway, nakay Alyssa na ang desisyon. Ibig sabihin is conscience nalang ni Alyssa ang sasagot." si Ann muli.

"Gago Ann, bakit alam ni Leslie passcode nang condo mo samantalang kami e walang ideya." si Bianca pagkabalik mula sa labas.

"She called me bago pa tumawag si Alyssa and Leslie told me na wag kong ipaalam na tumawag siya sa akin and ayun nga doon lang daw siya sa banyo mag stay at paaminin ko si Alyssa kung anong nangyari." Paliwanag ni Ann.

Umuwi ako sa bahay na nanlulumo at hindi kami nag iimikan ng Baka girls matapos ang sinabi ni Ann.

"Iha!" bungad agad sa akin ni Anastasia pagkapasok ko palang ng pinto ng bahay namin. "Okay ka lang ba? namumugto ang mga mata mo." sumunod pa niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at dinaanan lang papuntang sala. Malapit kasi doon ang kwarto ko kaya talagang mapapadaan ako sa living room namin.

"Nak, may bisita ka." Si Papa naman na tumayo sa sofa at si Matteo na nakatalikod sa akin ang tinutukoy ni Papa na bisita ko.

Hindi ko rin pinansin si Papa bagkus ay naglakad ako papunta sa kwarto ko bago ko pa man mapihit ang door knob ng pinto ay may humawak sa aking siko.

"Babe, please! Let's talk." tumingin muna ako sa kanya. Shit! Bakit ang gwapo niya kahit magulo ang buhok? No! Bawal marupok. Galit sila sa akin. 

Huminga ako ng malalim at galit na tinanggal ang kamay niya. "Pabayaan mo muna ako Matteo. Gusto ko lang mapag-isa." bago pumasok at mabilis na sinarado ang pinto.

Naupo ako sa kama ko nang mapako ang tingin sa isang picture frame. Ang Baka girls nung First year high school palang kami. Sa tanang buhay ko simula nang makilala ko sila ay ngayon lang nangyari ang matindi naming pag-aaway.

--

"Anong problema mo?" tanong ni Leslie sa akin nang tinawagan ko siya para makipagkita at makipag-usap.

"You know that I already in love with her noon pa man."  sagot ko sa kanya wala pa atang isang minuto nang makaupo kami. 

Nilibot ko ang tingin sa coffee shop. Walang masyadong tao. Paboritong paghang-outan ng magkakaibigan na ang pangalan ng grupo ay Baka Girls pag free time sila lagi.

"Ah mahal mo na pala siya noon pa man? Di ako nainformed? Or baka naman kaya mo ko kinaibigan noon dahil gusto mong mapalapit sa kanya? User!" 

"Anong hindi mo alam? Noon pa man tuwing magkikita tayo bukang bibig ko na siya." sabi ko sa kanya. Dinala ng isang barista ang inorder naming kape sa la mesa namin. Mukhang may gusto kay Leslie dahil nagprisinta na ise-serve ang order sa pwesto namin na hindi naman rules ng Coffee Shop.

"Ahh." walang kwentang sagot ni Leslie. "Oh tapos? Anong gagawin ko niyan? Tanga ka ba? halos lahat ng Baka girls alam na naging mag on tayo at may nangyari sa atin." sumunod pa ni Leslie pagtapos ay sinimsim ang Macchiato na kapeng inorder niya.

"And you know that,it is all a lie!" Ramdam kong wala sa mood si Leslie dahil hindi siya matinong kausap pero gusto kong magka ayos kami ni Alyssa at mabuti ang intensyon ko.

"Oh e di ipaliwanag mo!" sabi ni Leslie bago mabilis na tumayo at nag walk-out. 

Tangina!

---

"Alyssa, nagyaya mamaya si Jasmin sa tambayan." Si Ann nang tumawag sa akin. Nagpasya akong magleave muna sa Restaurant dahil wala akong ganang pumasok pa pero baka bukas or sa makalawa magpasa na ako ng resignation.

Papa and Anastasia always checking on me. Hindi ko alam kung alam na nila ang nangyari dahil ilang beses nang pumupunta dito si Matteo pero hindi ko nilalabas. 

Isang linggo na ata lumipas nung nag away kami ni Leslie at isang linggo na araw-araw na ding napunta si Matteo dito minsan kasama niya si Tita Maria.

"Pupunta din ba si Leslie?" tanong ko kay Ann.

"I'm not sure. Baka? Engagement ni Jasmin at Al so baka magpunta siya." sagot niya sa akin.

"Baka hindi nalang ako magpunta." sagot ko. Nahihiya pa rin ako kay Charlyn at Bianca lalo na kay Leslie.

"Common, Alyssa! I'm trying to fix our group. Ayokong before ako umalis pa Australia lahat tayo galit-galit." 

"Aalis ka? Kailan? Bakit?" Napatayo ako sa kama ko.

"Oo, lintek yung amo ko nirelocate ako pa Australia so ayun may contract ako for 2 years. Kaya pumunta ka na. "

"No way?! Is this really, what you called? Adulting?"

"Yes, bitch! Hindi habang buhay magkakasama tayo. Kaya let's fix this problem." Aniya ni Ann.

"Hindi pa kami nag-uusap ni Matteo and I was planning to resign also. Mas mabuti ata na sa Restaurant nalang ako ni Papa mag trabaho." Unti-unti nang gumagawa ng pangalan at bagong buhay ang Baka. Kanya-kanya nang plano samantalang yung mga desisyon ko sunod-sunod na mali.

"I think it's better na sa inyo ka nalang mag work atleast Boss ka pa kesa dyan sa Presidenteng resto na yan inaalila ka at nag take advantage pa yang Boss mo." Galit na sabi ni Ann. "Sige, i-message ko ang location sa group natin. Pumunta ka or else papatayin kita."

Huh? (Baka Girls #2)-CompletedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum