Seven

46 4 0
                                    


¨Anong amoy 'yon?¨

¨Huh?¨

¨Parang ang baho.¨

¨Basura po 'yon, Sir.¨ Luminga-linga si Sir Matteo para hanapin ang basura pero ni isang garbage bag ay wala siyang nakita. ¨Are you sure na basura 'yon? Kailangan ng alisin 'yon baka umamoy pa sa loob hg resto at magalit ang tao pero wala akong nakikita.¨

¨Inalis ko na po, Sir!¨ Mabilis na sagot ko sa kanya sabay pakita ko sa dalawang kamay ko. Kunwari madumi. Yung tingin niya para bang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Nararamdaman ko na naman ang pagsakit ng tiyan ko. Shit! Hindi pa ba siya aalis? Nauutot na ulit ako at kailangan kong ilabas to para makatagal ako hanggang mamaya.

¨Hindi ka pa ba papasok sa loob? Para makapaghugas ng kamay? And hindi naman part ng job mo ang pagtatapon ng basura.¨ kinikilabutan na ako. Nanlalamig akong naiinitan. Hindi ko na kaya. Nakatitig ulit ako sa kanya, yung itsura niya habang sumisinghot-singhot. Hindi ko mapigilan mapangiti pero kailangan ko lang ideretso ang mukha ko. ¨Are you sure na basura yung naaamoy ko? Kanina nawala na yung mabaho tapos ngayon bumaho ulit.¨ namula ang pisnge ko sa sinabi niya. Sisinghot-singhot pa rin siya. Napakagat ako ng labi. Darn! Bakit ngayon pa? ¨Sir, pasok na po ako sa loob.¨

Mapupulang mga pisnge ko. Mabilis akong nalagkad papasok sa loob ng Resto. Iniwasan ko na nga siyang makabangga pero malas talaga ngayon pang masakit ang tiyan ko. ¨Hoy, Alyssa! San ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Impaktita.¨

Hawak-hawak ko ang tiyan ko sa sakit. Kailangan ko na talagang mailabas ito kundi pepestihin ako sa trabaho at nakakahiya talaga. ¨Ahh, Chrissy pakisabi nalang sa kanya na nasa banyo ako. Kailangan ko lang ilabas to.¨ Iniwanan ko si Chrissy na nakatayo na hindi man lang tinitignan ito. Mabils akong tumakbo papuntang banyo at pumasok doon ng walang tao akong makita.

Pinagsisihan ko talagang hindi inilabas ito kanina sa bahay. Bakit kasi inuna ko ang pagkagalit kesa sa morning ritual ko.

Pagkalabas ko ng Cr ay nandun si Chrissy na nakatakip ang ilong. Napangiwi ako sa reaction niya. ¨Kanina ka pa?¨ alanganing tanong ko sa kanya. Sinundan ba ako ng babaeng ito? Bakit hindi ko man lang naramdaman. Tumango siya sa akin. ¨Oo, Gaga ka! Ang baho.¨ Aniya.

¨Bakit mo ba kasi ako sinundan?¨ sumimangot na ako para itago ko ang hiyang nararamdaman ko ngayon. Hindi kanina pa pala. Pero infairness, kinausap na niya ako. Ilang araw din di kaming nag-uusap na dalawa kaya si Aling Angge lang ang lagi kong kasama. ¨Pinapatawag tayo. May meeting sabi n Sir Matteo.¨ napakagat ako ng labi sa pangalang binanggit niya. ¨Anong mukha yan?¨ tanong ni Chrissy. Bago pa man ako makasagot ay itinaas na nito ang kanang palad niya para pigilan ako. ¨Tama ba ang iniisip ko?¨ nanlaki ang mga mata ko sa tanong niyang muli.

¨Lumabas na nga ako para walang makaamoy malay ko bang nasa likod ko lang siya.¨ ngumuso ako. Nakakainis kasi! Bakit ba ang manhid ko. ¨Anong ibig mong sabihin?¨ Tanong niyang muli. Mabilis ko siyang sinagot. Hindi na naman ako nahihiya sa kanya. Nang KONTI. ¨Umutot ako sa labas ng dalawang beses at dalawang beses din niyang naamoy 'yon sabi ko na nga lang sa kanya basura 'yon eh.¨

¨Gaga, anong pinagsasasabi mo diyan? Pero hindi nga? Nakakahiya ka!¨ nanlalaki ang mga mata niya pero nakangiti ng malaki. Inabot niya sa akin ang bote ng alcohol. ¨Wait, hindi ba 'yon ang ibig mong sabihin?¨

¨Hindi!¨ tapos tumawa siya ng malakas. ¨Ang weird mo talagang babae ka.¨

¨Pero bati na ba tayo?¨

¨Oo. May sasabihin din ako sayo mamaya. ¨

¨Hindi nga bati na tayo?¨ ¨Oo. Kulit nito.¨ sabay naman ang singit ni Aling Angge nang tangkang yayakapin ko si Chissy. ¨Kayong dalawa nandyan lang pala kayo. Kanina pa kayo inaantay don kayo nalang ang kulang para masimulan na ang meeting.¨Nagkatinginan kaming dalawa ni Chrissy. ¨Patay na naman tayo kay Impaktita.¨ She mouthed. Napahagikgik ako.

¨Mamaya na kayo magkwentuhan. Halika!¨ sinundan naming dalawa si Aling Angge na nangungunang naglalakad papunta sa opisina ni Sir Matteo. Ano kayang pag memeetingan namin? Tatanggalin na kaya niya ako sa trabaho pagkatapos ng ginawa ko ng malasing ako? Bigla naman akong kinabahan sa isiping 'yon.

Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob ng opisina ni Sir Matteo ni Chrissy. Pumuwesto kami sa gilid. Hindi ako makatingin sa kanila ng pagpasok palang namin ay sinamaan na kami ng tingin ni Mrs. Quinto kasama ang dalawang alipores niyang si Maisie at Sally. Ibinaba ko na lang ang tingin ko. ¨Dito na ba lahat?¨ Narinig kong tanong ni Sir Matteo. Nagitla ako sa boses niya ng magsalita pero pinigilan ko ang sarili kong tumingin sa kanya. Nangako akong iiwas sa kanya at kailangan kong panindigan kahit na napakahirap dahil boss ko siya. ¨May bagong bubuksan akong Resto sa Tagaytay kaya mangangailangan ako ng mga empleyado pa. Baka kumuha ako sa inyo na ililipat don at may ilalagay akong bago. Yung ililipat ko ay kasama o tutulong sa akin na magtrain ng mga bagong employee para hindi ako mahirapan.¨

Iba't-ibang reaksyon ang narinig ko. ¨Paano 'yun? Ayokong malipat.¨ bulong sa akin ni Chrissy. Bumaling ako sa kanya. Nagkibit-balikat lang ako para sagutin siya. Kung ililipat lang din ako sa Tagaytay ay mas gugustuhin ko pang magresign kesa malayo sa mga Baka. Hahanap nalang ako ng ibang trabaho dito kahit na napakahirap pang mag-apply dahil sa populasyon. Ang hirap ding tumira sa lugar na wala kang kilala. Napaangat ako ng tingin na saktong-saktong kay Sir Matteo na nakatingin din ito sa akin. Umiwas ako ng tingin at bumaling kay Chrissy. ¨Kung malilipat ako dun, magreresign na lang ako.¨ bulong ko sa kanya.

¨Sus! if i know ayaw mo lang mawalay sa mga kaibigan mo.¨ bago sinimangutan niya ako pero ngumiti lang ako sa kanya ng malaki. Alam niya talaga, kung kanino ayaw kong malayo at kung sino ang mas importante sa akin.

Natigil kami sa pagbubulungan ng magsalita ang isa sa mga kasamahan ko.¨May napili na po ba kayong mga tao na ililipat doon?¨ tanong ni Loki na isa sa mga waiter dito. ¨Wala pa naman pero ini-evaluate ko kayo. Hindi pa rin ako nakakapagdecide. Tsaka nga pala baka may mairerecommend kayong mga tao na gustong magtrabaho paki-inform ako. Ayun lang ang gusto kong sabihin pwede na kayong makauwi.¨

¨Yes! Hoy, Alyssa kailangan mong bumawi sa amin ngayon ni Aling Angge.¨ Inilingkis ni Chrissy ang braso sa braso ko. Nang tumingin ako sa paligid namin ay nakatingin silang lahat sa amin nang mapatingin ako kay Sir Matteo ay nakangiti ito ngayon. Anong meron? Good mood ata siya. Iniiwas ko ulit ang tingin ko sa kanya kaya napatama kay Mrs. Quinto ang mata ko. Nakataas ang kilay niya ngayon. ¨Oo nga. Bawi ka sa amin.¨ wika ni Loki. ¨Hoy, Loki magtigil ka nga. Hindi kayo close kami nila Aling Angge close kaya sa amin lang siya babawi.¨ mataray na lahad ni Chrissy. Napakamot naman ng ulo si Loki sa tinuran ni Chrissy. Napangiti ako sa kanilang dalawa parang aso't-pusa kung mag-away sila daig pa ang mag-asawa. Napahagikgik ako sa iniisip ko. ¨Wag ka ngang pacute diyan, Alyssa!¨ sigaw ni Maisie. Napatingin ako sa kanya at sa katabi niya na umirap sa akin. Tumingin naman ako kay Chrissy para tanungin siya. ¨Ang cute daw kasi ng tawa mo kaya naiinggit sila.¨ Aniya.

Nagsitawanan ang mga kasamahan namin sa trabaho hindi kasama sila Mrs. Quinto at ang mga alipores niya. ¨Pero kung gusto mong sumama Sir okay lang sa amin kayo din Loki.¨ sabat ni Aling Angge. Napatingin ako kay Sir Matteo nakatitig ito sa akin. Shems! Ibinaling ko nalang ang tingin ko kay Chrissy na nakasimangot ngayon. ¨ Kung si Sir Matteo okay lang pero pag si Loki tengeneng wag mo ng isama yan, Aling Angge.¨ mataray na sabi nito. ¨May gusto ka ba kay Loki?¨ mabilis na isinambulat ko. Napangiwi ako sa tinanong ko ng marinigkong nag Woooah si Sir Matteo. Tumahimik ang nasa paligid namin magpeace sign ako sa kanya kahit na ang akward. ¨Syempre wala! Pasalamat ka cute ka tara na nga.¨ Hinila ako ni Chrissy palabas ng opisina ni Sir at bumulong ito sa akin. ¨Yari ka sa akin mamaya.¨


Napahagikgik ako sa frustrated na boses niya. ¨Sorry.¨ lumingon ito sa akin at sinamaan ako ng tingin.

Huh? (Baka Girls #2)-CompletedWhere stories live. Discover now