KABANATA 1

212 15 0
                                    

"The day I saw you again

My heartbeat starts to race

I don't understand what I feel

When you look at me, and call my name like "Hello Brianna" "

Napalinga ako sa paligid, kahit na palagi kaming nag-gagala ni Thasia ay mistulang may nagbago sa way na 'to. Mabilis ang takbo ng driver namin na si Kuya Jerry sa Fortuner na itim na sinakyan namin. Eto muna ang aming ginamit kasi yung iba ay nasa tayler namin upang i-check up. Kung ang tao ay may monthly check up, ang mga sasakyan naman namin ay may weekly check-up. Syempre, para iwas disgrasya.

"Brianna, kanina ka pa nakatulala dyan. Sino ba kasi yang iniisip mo?", nakasalumbabang tanong ni Thasia.

"Ha?", gulat na gulat kong tanong.

"Yah! What I mean, ano ba kasing iniisip mo? Si Josh ba yan? Yung nangyari kanina?", pang aasar sakin ni Thasia.

Napansin kong tumingin si Kuya Jerry, sa rearview mirror. Kaya bigla kong nasipa si Thasia. Alam naman nila na may gusto ako kay Josh, kasi kinukwento ni Ate Joy. Ang kaso, ayokong pinaguusapan namin si Josh sa harapan nila. Ang awkward kaya. I need a lowkey life.

"Oh, shit-- I'm sorry." ,sabay takip sa bibig ni Thasia.

Hay, hindi ba siya nasanay. Ayoko lang talaga kasi na naririnig ng mga helpers namin about doon, except if I'm the one who open that topic first.

It's about 9:30AM when we arrive here at Ayala. Umalis na din si Kuya Jerry, at sinabi niyang i-contact ko nalang siya kapag need na naming sunduin.

As usual, pumasok na kami sa mall at tsaka kumuha ng ticket for two sa cinema. Kahit maaga kami ay mahaba pa rin ang pinila namin. Napakablockbuster talaga kapag KathNiel na ang naglabas ng movie. Hindi ko sila masisisi, they have a better relationship and a great chemistry. Kaya kahit sino ay iiduluhin sila. Kagaya namin ngayon na naghihintay para umusad ang pila.

"Hay nako Brianna, I told you kasi last night na ngayon ang first showing ng Barcelona! Then you get up late! You a lil stupid!", inis na inis na pagmamaktol sakin ni Thasia. HAHAHAHAHA she's a die-hard fan naman kasi. Simula't sapul, kahit anong palabas ng KathNiel ay nakasubaybay na siya. Minsan nga ginagaya niya pa si Kathryn Bernardo doon sa "Sorry po" ng Got to Believe in Magic.

"Yah! I'm sorry okay. I didn't mean to forget it. Napuyat kasi ako kakabasa ng research ko for tomorrow.", paghingi ko ng tawad sa kanya.

"Brianna, you know I'm a lil stupid, but you can't trick me. We still don't have class, so where the heck did you get that thesis making?!", pang-gigigil na tanong sakin ni Thasia. Akala ko naman makakalusot ako. Minsan kasi may pagka gullible 'tong si Thasia ee. "Don't tell me, you slept late because of staring Jacob's photos!", malakas na sabi ni Thasia na napatakip ng bibig kasabay ng paglaki ng mata.

Nanlaki din ang mata ko sa lakas ng boses ni Thasia. Napansin kong may mga tumingin samin. Sh*t, lamunin na sana ako ng lupa sa kinatatayuan ko. Hindi ako sanay na pinagtitinginan. Tinakpan ko nalang ng mabilis ang bibig ni Thasia tsaka siya binulungan.

"What the hell, can you stop shouting? It seems like you're trespassing someone's property. Can you keep your mouth shut?", pakiusap ko na agad namang sinunod ni Thasia. Jusme, kailangan pa talagang wild yung pagkakasabi para lang tumigil siya. "I slept late because I hurriedly end the last chapter of Baka Sakali Book 1.", paliwanag ko sa kanya.

"Okay, yun lang pala eh. Hindi mo naman kasi sinasabi.", natatawang sambit ni Thasia.

"Hindi mo kasi ako pinapatapos eh." , sagot ko naman sa kanya.

"Thasia! It's your turn. Faster, grab a perfect place.", excited kong sabi sa kanya.

Nakabili na kami ng ticket at exactly 10:00 am na. Almost 30 minutes din kaming pumila. Pero sinasabi ko sainyo, worth it 'tong pagpila namin. 10:30 am pa naman mag-start ang movie kaya pumunta muna kami sa Kenny Rogers para maglunch. Namiss kasi namin dito yung muffins nila. Made with sweet corns. Yes early lunch kami, kasi ang sabi ay baka mga 2 to 3 hours ang tagal ng movie.

"Thasia! This is my one and only favorite flavor of muffins! I miss it", pangungulit ko kay Thasia habang hawak ko ang dalawang muffin na mula sa box ko. I ordered six boxes. The three boxes are for our helpers, and the other three are for myself.

"Finally! Cravings satisfied!", laking tuwa rin ni Thasia, tsaka nakipagcheers sa akin ng muffin. Yes, totoo. We both love muffins. Lalo na 'to! This is our ultimate favorite flavor. Kaya grabe na lang ang tuwa namin. Ewan ko ba naman kasi kung bakit walang delivery dito. I wish katulad sila ng Jollibee na balik balik ang delivery.

Tapos na kaming kumain, it's already 10:25 am. Malapit na mag-start ang Barcelona kaya dali dali kaming pumila sa entrance ng Cinema 2.

Pinandilatan ako ng mata ni Thasia habang ngumunguso nguso sakin. Tini-trip na naman niya ako kaya nginusuan ko din siya. Hanggang sa- "Brianna?", sambit ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran. Biglang bumilis ang bugso ng aking damdamin. Tumigil ang paggalaw ng mundo ko ng sandali. Humarap ako sa kanya, at biglang nagkarera ang pintig ng aking puso.

"Hello Brianna", malambing na banggit ng aking pangalan ng aking hinahangaan. Nakangiting sambit sakin ng napakagwapong anghel. Malambing na tawag sakin ng aking pinapangarap, si Josh.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now