eight string

62 24 34
                                        

Hindi ako nakatulog ng ilang araw pagkatapos ilagay ni Desiree sa Youtube ang ginawa naming cover. But now, I mustered up all of my courage as the rest of my band members also said that I should take a look at my channel.

Nagmamadali akong pumunta sa storage room ng restaurant pagsapit ng uwian. Sumandal agad ako sa counter at kinuha ang phone sa bulsa.

My heart almost skipped a beat as my eyes searched for the number of views.

I raised both of my hands in triumph at nagsisigaw mag-isa. Muntik ko pa mahulog yung phone ko!

As I scanned the comments, a smile never left my face.

"450 thousand views in 48 hours? Wow!" it's Quin's voice!

Nilingon ko ito at ipapakita ko sana ng mas maayos yung video dahil sa labis na kasiyahan ngunit bigla niya akong hinila.

In a swift move, he pulled me close to him and whispered, "I'm so happy for you, Lia."

Ngumiti ako, naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

Why, Quin?

"Thank you.." I returned his hug with one arm. Magsasalita pa sana ito nang biglang bumukas ang pintuan.

"Malia," pumiglas ako at ngumiti kay Desiree.

Ngumuso ito bago dugtungan ang sinabi. "Ah, si Note..." dumungaw si Note mula sa pintuan sa paraang nang-aasar.

Agad akong nagpaalam kay Quin bago lumabas sa storage room.

"Lia!" Note's sly smile is there once again.

"Anong meron, Note? Ang tagal mong hindi nagpakita sa amin!"

Note is also a member of Phantom but he seldom shows his face to us. He plays the violin during our performances. Ang sabi niya, minsan lang naman daw siya kailanganin kaya asahan na namin sakanya ang minsanang paglitaw.

It's been a long time since I saw Note's face. Walang pinagkaiba, ganoon pa din ka-suplado. Kaya etong si Des... Natawa na lang ako sa naisip.

"Ganda naman ng bati mo sa akin, hug me instead."

"Ayoko, Note. Madaming magagalit." nagtawanan kami at nag-kwento pa nga siya bago masabi ang dapat niyang sabihin.

"Ah shit! I'm here as your handsome messenger nga pala. Muntik ko na malimutan."

"Now the question is, is it good, or bad?" pang-aasar nito.

Just like what Note said, pumunta ako sa bahay nina Miss Jee dahil may importante daw itong sasabihin. Nanggulo lang naman si Note, hindi ko man lang nakumpirma kung mabuti ba ito o masama.

Kaya naman nandito ako ngayon, hindi mapakali sa kinauupuan dahil sa kaba.

"Iha, why are you so pale?" Miss Jee laughed sweetly as she placed a glass of mango juice in front of me.

"Kinakabahan po ako sa sasabihin niyo." sabi ko nang walang pag-aalinlangan.

Kinuha niya ang aking kamay at nilagay ito sa kanyang tuhod. "There's no reason to be nervous."

I smiled reluctantly, hindi pa rin maiwasan mangamba sa kanyang sasabihin.

"Malia Veronica, from the very first time I heard you sing, I knew that you are going to go far. Do you know when is the first time I heard you sing?"

I furrowed my brows and guessed. "Noong wala po halos lahat ng ka-banda namin at kami na lang po ni Von ang natira?"

Umiling ito at ngumiti.

Strings of MemoriesWhere stories live. Discover now