Humarap ako sa salamin at nag-blower ng buhok. I put some light make up and finished my look with a lip gloss. While looking at the bohemian dress I'm wearing, I smiled to myself in the mirror.
Pagkatapos ay bumaba ako at bumungad sa akin si Mama.
"Anak, ang tagal na niyang naghihintay sa'yo! Masyado ka namang nagpaganda." she smiled at me while eating her french toast.
I kissed her goodbye and went outside. Sa labas ay bumungad sa'kin ang isang matangkad na lalaki. His outfit was perfectly matched with mine, tila pinag-usapan. He's wearing a dark blue polo shirt and white shorts.
"Wow." pinigilan niya ang ngiti niya at hinila ako para mayakap.
"I've missed you..." his whisper reached the back of my neck.
I returned his hug, holding onto his waist like I never want to let go. Sinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib. Moments later, we pulled back....But for some reason I can't see his face. Masyadong maliwanag.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at nang makasakay ako ay umikot ito para makasakay na din.
His hands were on the steering wheel and the car was moving in a steadfast pace. I felt very comfortable, and I am pretty sure I was smiling during the whole ride.
Pagkatapos ay huminto ang sasakyan sa isang lugar kung saan kita ang dalampasigan. The landscape left me speechless. A smile was plastered on my face when I suddenly felt a warm pair of hands on my waist.
"Love it?" uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.
Tumango ako at hinarap siya. Kinalas niya ang hawak sa baywang ko ngunit napunta naman ito sa aking mga kamay. Yun nga lang, ang mukha niya ay nababalot pa rin ng liwanag. Masyadong nakakasilaw at masakit sa mata.
"Malia! Gumising ka diyan!" sumakit ang mata ko sa sikat ng araw na bumungad sa akin.
"Tita, ba-bakit po?" napansin kong mahigpit ang yakap ko sa unan ko at natawa sa panaginip. Weird dream.
But then the my Aunt's voice brought my half asleep mind to reality, "Bumili ka ng mga rekados sa palengke. Bilis!" nakapamaywang na sabi ni Tita Cherry at pagkatapos ay padabog na bumaba ng hagdan.
Nakita kong sa gilid ko ay nagising na rin si Mama. Gosh, this is why I hate mornings. Okay lang naman mautusan, pero kapag naiistorbo ang tulog ni Mama ay naiinis talaga ako.
Saglit akong nag-toothbrush, hilamos, at nag-pony ng buhok. Nagpalit na rin ako ng damit.
Bumaba ako at bumungad ang boses ng pinsan ko, "Oh, iniwan ni Mama, pamalengke daw." masungit na sabi ni Gia habang may kung ano-anong pinipindot sa cell phone.
Kinuha ko ang pera na may kasamang note at nilagay sa shoulder bag.
"Bilisan ha." she sarcastically said. Like a princess giving orders to her servant.
Patience, Lia. Pumikit ako ng mariin at pilit kinalimutan ang inis na naramdaman.
Nag-jeep ako patungo sa pinakamalapit na palengke. Pagkapasok ko ay bumungad agad ang amoy ng iba't ibang karne, isda, at kung ano ano pa. It is past ten o'clock kaya medyo marami ng tao.
Pumunta ako sa tindahan na palagi kong binibilhan ng manok. Suki kasi ni Tita Cherry kaya naman dito na rin ako bumibili.
"Ate, isang kilo po nung manok." I politely said whole looking at the variety of raw meat in front of me.
"Anong luto, iha?" tanong nung tindera habang nilalagay sa timbangan ang mga manok.
"Uuh, iaadobo po."
YOU ARE READING
Strings of Memories
RomanceSugar, spice, and everything nice. The kind of life that every single person wants to have. Heck, even Malia Veronica Monteverde dreamed about having that kind of life. A perfect life for Malia is an impossible dream, maybe because she's got a life...
