"I'm sorry! Sorry talaga!" ni hindi siya nagsalita. But when he chuckled once, nawala ang kaba ko.
Nagawa niya pang tumawa? Dahan dahan siyang tumayo habang nakangiwi na ngayon. I helped him while offering my hand and he's now smiling like I did something funny.
"Bakit ka tumatawa?" masokista ba ang isang 'to?
"You're very brave, you know that?" I genuinely smiled at his comment. Tapang tapangan...oo!
"Ito..." binigay ko sa kanya ang payong at mabilis na pinulot ang gitarang binitawan.
Nang tumayo ako ay halos magtama ang ilong naming dalawa dahil nakayuko siya. I felt the warmth on my cheeks. He followed me with the umbrella!
"Don't give me your umbrella, Malia. Magkakasakit ka."
I didn't mind what he said. Instead, I looked at his back and saw the white van.
"Ang dami ko nang utang sa'yo...." nahihiya kong sabi. I'm thinking of a way to show him my gratitude.
"Drop it. It's fine."
Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa sasakyan niya.
"Hahatid na kita sa inyo, since you're my friend, and I find you vulnerable." really? I've earned a friend?
"Uh, 'wag na! 'Wag na."
Nasa loob na kami ng sasakyan pero umaapila pa rin ako.
"Grabe Ma'am, hindi naman po lahat ng puting van may masasamang balak." humalakhak si Kuya Geloy, based on what Zaviel called him.
Nagtawanan silang dalawa at lalo akong nahiya. Gusto kong magtago sa ilalim ng upuan nitong sasakyan. What's wrong with me?!
Magkatabi kami ngayon ni Zaviel, hindi pa rin umaandar ang sasakyan dahil hindi ko pa sinasabi kung saan ang bahay namin.
Naaaliw akong tiningnan ng katabi ko, he even managed to drop a towel on top of my head. Nagpunas ako ng buhok at ng braso.
"Thank you." I looked at Zaviel. Bakit kaya ang bait nito sa akin? He was raised very well, and it shows.
"Gutom na ba kayo, Sir? Kumain muna tayo." an idea suddenly light up in my head.
"I'll just treat you to my favorite place around this area. Tapos kahit doon niyo na lang ako ihatid sa may sakayan ng jeep, okay?"
He only nodded as his response. Tinanggal niya ang suot na cap kanina at pinunasan ang buhok pati ang braso.
Tumingin ako kay Kuya Geloy at tinuro ang direksyon papunta sa kakainan namin.
Binalik ko ang tingin sa katabi ko at ngayon, nagtatanggal na ito ng t-shirt. How I wish I did not look his way! Ngumiwi ako at hinarangan ng isang kamay ang gilid ng aking mata.
"Lia, nanginginig ka. Basa yung suot mo." he looked at my shoulders and the sweater on my lap.
"You should wear the sweater." seryoso nitong sabi.
"Mababasa kasi. Malapit na naman, doon na lang ako magpapalit sa CR."
May kinuha siya mula sa likod kaya naman naamoy ko ang pabango niya. Inabot niya pa sa akin ang isang jacket.
"Take it, so you won't get cold." nakatingin siya sa akin dahil hindi pa rin ako kumikilos. Kaya kinuha ko ito at pinatong sa katawan.
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa kainan. I'm excited! Maliwanag at mukhang marami na ang kumakain dito dahil sa motor at kotseng nakaparada sa harapan.
YOU ARE READING
Strings of Memories
RomanceSugar, spice, and everything nice. The kind of life that every single person wants to have. Heck, even Malia Veronica Monteverde dreamed about having that kind of life. A perfect life for Malia is an impossible dream, maybe because she's got a life...
