Nakatulog ako kagabi nang mapayapa. Linggo ngayon at syempre ipapasyal ko si Mama. Ang tagal ko na kasing hinintay ito. Ako na yung naiinip para kay Mama. Hindi ko kayang isipin na buong magdamag nakakulong lang siya sa kwarto. I know she wants to go out too, even if she's not telling me. I know her, she is very adventurous. I even inherited that quality.
Pinagmasdan ko ang aking ina habang pumipipili ito ng damit na isusuot. We're both excited for our little getaway.
"Ma, you'll look good in that blue dress."
"Tagal na noong huli akong nagsuot ng ganito." she's smiling at herself in the mirror while simultaneously dragging the two dresses in front of her.
"Hmm, mapapadalas ka nang magsuot ng ganyan Ma." nginitan ko siya. Kanina pa ko tapos mag-ayos, nag-lagay na lang ako ng pabango at chineck ang laman ng bag habang hinihintay si Mama.
"Ang Tita Cherry mo? Nasaan?" tanong ni Mama nang makasakay kami ng jeep.
"Hindi ko po alam, siguro po namamasyal din." tuwing Linggo, wala ang buong angkan nila Tita Cherry, at gabing-gabi na sila umuuwi. Naaalala ko kasi dati, inggit na inggit ako sa kanila. Gustuhin ko man sumama kami ni Mama, e, alam ko na ang kahihinatnan.
Pagtapos naming mag-simba dumeretso kami sa isang cafe. As we went inside, the aroma of donuts and coffee brought a smile to my face.
"Favorite cafe niyo ni Papa, Ma." I winked at my mom.
We ordered donuts, croissants, and coffee.
"Grabe, ang sarap talaga dito. Just like old times." ika ni Mama na para bang nasa isang commercial.
I devoured my donut and laughed at her statement.
Maghahapon nang makita kong mukhang pagod na si Mama. Kaya naman nagpasya akong sa susunod na lang yung iba kong mga plano.
Inuwi ko na lang si Mama at natagpuan ang pinsan sa bahay sa halip na kasama nila Tita Cherry sa pasyalan.
"Oh, Leo! Bakit di ka pala sumama sa kanila?" tanong ko hahang inaalalayan si Mama sa sofa.
"Kailangan pa namin gawin yung thesis." buntong hininga nito.
Tumango ako at nag-ayos ng gamit.
"Leo, puwede bang paki-bantayan naman si Mama? Tawagan mo na lang ako 'pag may problema." I pleaded him with matching hand gestures.
He demanded a treat for his 'kind gesture' before letting me leave the house. Pupunta ako ngayon sa school. May kulang pa kasi akong mga libro. Ngayong nakakaipon, unti-unti na akong nakakabili.
Barely surviving the traffic in the Philippines, I entered the school gate. Binati ko si Kuya Wendell at dumeretso na sa loob.
"Miss, isa na lang yung kulang pero bayad na lahat. Balikan mo na lang next week." the cashier smiled at me.
"Ay ganun po? Sige ma'am." I smiled back at her.
I forgot to bring a backpack sa sobrang pagmamadali! Kinuha ko ang tatlong mabibigat na libro at sinubukan ko itong buhatin. Kaya naman, kahit mabigat. I struggled to carry the books while I walked past the library. One thing I loved about this school is its library. Habang tinitingnan ang bulletin board kung saan nakalista ang mga bagong acquire ng school na mga libro ay hindi nakatakas sa paningin ko ang isang akda na gusto kong basahin.
Out of excitement, I tried to push the door using my shoulders. Nanlaki ang mata ko nang makitang tinutulungan ako ng isang lalaki. He opened the door for me, and is currently smirking amusedly. Siya yung lalaki sa bar, sigurado ako!
YOU ARE READING
Strings of Memories
RomanceSugar, spice, and everything nice. The kind of life that every single person wants to have. Heck, even Malia Veronica Monteverde dreamed about having that kind of life. A perfect life for Malia is an impossible dream, maybe because she's got a life...
