Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. I tied my hair in a bun and smiled to myself. Inayos ko rin yung uniform ko at lumabas na ng apartment upang tumungo na sa trabaho.
"Lia, magagalit na naman si sir Quin niyan. Palagi ka daw late. Nakasimangot na naman oh."
I let out a heavy breath as I wait for the jeepney. I'm running late...again.
"Pakisabi na lang pasensya na. I'm on my way, Des."
"On the way saan? Sa banyo? Sir! On the way na daw po sa-" rinig na rinig yung boses ni Desiree sa kabilang linya.
"Huy! Basta malapit na ako." I pressed the end button hastily.
Ito yung mga sandaling gusto ko na lang magkapakpak yung jeep o di kaya mag-teleport.
Pagbukas pa lamang ng pintuan ay nakabungad na agad sa akin ang mga matang galit.
"Sir, sorry I'm late. Mag-overtime na lang po ako." I bit my lower lip. I don't want him to think that I'm taking advantage of him just because we're friends.
Lumapit siya habang inaayos ang manggas ng kanyang polo.
"Sorry is only effective when you don't repeat the same actions twice. Mag-trabaho ka na." he matched his harsh words with a glare.
Kinuha ko ang tray at mabilis na inentertain ang ibang guests na dumadating.
I wiped the tables, served the dishes, handed menus for hours. It's almost eight in the evening. Matagal pa bago makauwi. The thought of sleeping excites me. But then, pagkauwi gagawa pa pala ako ng report and school related works.
Pagkatulong ko sa closing ay halos magkumahog ako umuwi. Sa wakas! Madalian kong sinuot ang aking jacket dahil umaambon ambon na kanina nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
"I. am. so. damn. lucky." I muttered to myself.
Sinuot ko pa rin 'yong hood ng jacket ko bago maglabas ng payong. Naglakad na lang ako ng mabilis at nagdasal na sana ay may masakyan ako agad.
Malakas ang ihip ng hangin na dala ng ulan. Malamig, tahimik, at madilim ang paligid. Kaya naman, halos mapatalon ako nang biglang may bumusina ng malakas sa gilid ko!
"I'll give you a ride home." a familiar pair of black eyes welcomed me, si Quin lang pala.
I was about to decline his offer but I noticed that the rain will not stop any sooner. And so, I did what I have to do.
"Salamat..." tipid kong sinabi at pumasok na sa magarbong kotse.
May kinuha siya mula sa likod. Dahil doon, bahagyang dumapo sa pang-amoy ko ang kanyang pabango.
"Towel? Malinis 'yan." inabot niya sa akin ang dark blue na towel na tinanggap ko naman.
"Ibabalik ko na lang sa'yo."
"No need..." pinaandar niya ang makina habang may hindi malamang ekspresyon sa mukha.
"Sige," ang bait talaga nito. Sabagay, dati pa man, ganito na siya.
"Update me. How's tita doing?" he asked like it's usual for him to ask those kind of questions.
Pinunasan ko ng towel ang aking buhok habang bahagya siyang tinitingnan. "She's doing fine actually. Kalalabas lang niya ng ospital." I smiled to myself.
Humigpit ang hawak niya sa steering wheel, tila ba may kung anong pinipigilan.
"I'm really glad to hear that." sumulyap siya sa banda ko at nang makitang nakatingin ako sa kanya ay mabilis na binalik ang tingin sa daan.
YOU ARE READING
Strings of Memories
RomanceSugar, spice, and everything nice. The kind of life that every single person wants to have. Heck, even Malia Veronica Monteverde dreamed about having that kind of life. A perfect life for Malia is an impossible dream, maybe because she's got a life...
