Chapter 11

14.7K 197 1
                                    

Chapter 11 / Kabanata 11

Tyler's POV

Nagising ako sa mga halik ni Kylar kinaumagahan, antok na antok pa ako kaya lang ay hinila nya na ako sa bathroom at pagkatapos ay binihisan at idinala sa kusina.

"Tyler, wake up. Kakain na, napaliguan na kita at nabihisan wala ka pa rin? Tutulog pa rin, mahal ko?" umupo ako atsaka naka simangot na tinignan sya, "Bakit ba ang aga aga mong nanggigising?" inis na tanong ko sa kanya.

Bahagya syang natawa, "Mahal, nine thirty na po ng gabi. Hindi na po morning, eh" sagot nya. "Seryoso ka ba? Bak— na saan ba yung jacket ko, ang lamig mahal"

Hinubad nya agad ang suot nyang jacket at isinuot sa akin, "Kakain ka na, nag luto na ako ng hapunan natin" ngiting ngiti na sabi nya.

"Kumuha ka nga muna ng damit doon, ang lamig lamig oh. Magkaka sakit ka pa nyan eh," sabi ko sa kanya, sinandukan nya muna ako ng kanin atsaka ipinag lagay ng ulam na adobo sa plato ko bago sya pumasok sa kwarto at nag suot ng hoodie.

Habang kumakain kami ay naisipan kong tanungin sya, "Sa tingin mo ba kamusta na sila Trevor dun?" kahit papaano ay nag aalala din ako sa kakambal ko. Hindi ako sanay ng hindi ko sya nakikita, pero tiyak ay masasanay rin ako.

"Buti na tanong mo yan, tumawag sa akin si Krystelle kanina. Grabe daw ang bagyo doon, maraming nawalan ng bahay at maraming nasirang pananim. Hindi pa nila malabas dahil signal number three pa din nga doon," sagot nya.

"Ayos lang ba sila?" nag aalalang tanong ko, tumango sya. "Ayos lang naman, hindi pa sila nag sstart mag trabaho dahil pinag bawalan pa ni Tita Hillary dahil delikado. Kompleto pa naman ang mga medical staff kaya ayos lang,"

Naka hinga ako ng malalim dahil sa sinabi nyang iyon, "Namimiss mo na ba ang kakambal mo, mahal?"

Tumango ako, "Namimiss ko na din si Krystelle. Hayaan mo kapag wala ng bagyo, bibisitahin natin sila dun okay?"

Tumango ako, atsaka ko ipinagpatuloy ang pagkain ko. "Kylar?" tawag ko sa kanya, "Po?"

"Nothing, i just wanna say that i love you" sagot ko, nakita ko ang pag ngiti nya. "I love you more, baby"

Krystelle's POV

"Mga lola, ano pong ginagawa nyo dyan? Bakit po gising pa kayo?" tanong ko sa mga lola na nasa kusina, kasama nila si Yaya at mukhang may ginagawa silang inumin doon.

"Ma'am, nag gagawa ho kami ng alak. Saktong saktong maraming ubas sa ref na malapit ng masira," nakangiting sabi ni Yaya, tumango ako. Ang galing naman nun, paano kaya nila ginagawa iyon.

"Gusto nyo po ba, mag tatayo ako ng tindahan ng mga alak na gawa sa mga prutas tapos kayo ang mag gagawa? Gusto ko din po kasing mag tayo ng negosyo, kahit papaano" suggestion ko.

"Sigurado ka ba dyan, hija? Tamang tama at kaming matatandang babae ay hindi na mag bibilad sa bukid," tuwang tuwang sabi ng isa.

"Sigurado ho, ako. Hayaan nyo po at pagka tapos nitong bagyo ay pupunta ako sa barangay at mag tatanong tungkol sa pagtatayo ng negosyo dito, sa ngayon po ay mag pahinga na kayo sa sari-sarili ninyong silid at anong oras na ho. Masama ho ang nag pupuyat," sabi ko.

"Matanong lang kita, hija. Ikaw ba ay nag bubuntis na? Nag lilihi ka na ba?" napangiti ako at umiling, "Kung ganon ay mahina ba si mister? Nako, heto" iniabot nya sa akin ang bote ng bagong gawang alak.

"Tiyak na pag ininom nyong mag asawa yan ay makaka buo na kayo, mag tiwala kayo sa akin" sabi ng isang matandang babae, tumango ako habang naka tingin pa rin sa bote ng alak na hawak ko na naiiba sa lahat ng gawa nila.

"Hija, ay talagang ginawa nila iyan ng bukod para sa inyo ni Trevor. Mag tiwala ka lang sa kanila, siguradong epektibo yan" sabi ni Yaya na natatawa pa, "Salamat po,"

"Aakyat na po ako sa taas, mga lola. Salamat po ulit dito, matulog na din po kayo" sabi ko atsaka ako tumungo sa ref atsaka ko kinuha ang water bottle ko.

Habang naglalakad ako papunta sa taas ay hindi ko maiwasang ma curious sa alak na hawak ko, paano naman kami makaka buo dahil lang sa pag inom ng alak?

"Wala naman sigurong mangkukulam sa kanila ano?"

Operation: Seducing My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now