Chapter 9

15.5K 208 1
                                    

Chapter 9 / Kabanata 9

Krystelle's POV

Alas nuebe na ng gabi ng makarating kami sa mansyon ng lola ni Trevor sa father side, hanggang ngayon ay malakas pa rin ang mga hangin at gayun rin ang ulan.

Nasa loob ako nang kwarto kung saan kami mag sstay ni Trevor, ni request ko kasi sa kanya na mag sama na lang kami dahil sobrang laki naman ng isang kwarto. Halos double ng kama ko sa bahay ang kama na nandidito.

At ang buong kwarto ay isang buong condo ko na sa Manila, "Krystelle, bakit hindi ka pa mag pahinga?"

Nilingon ko si Trevor na galing sa labas, kinausap nya kasi ang mga bantay nitong mansyon. "Hindi pa naman ako masyadong pagod, atsaka bakit ang tagal mo nga pala?" tanong ko sa kanya.

Napa kamot sya sa sarili nyang ulo, "Nakalimutan kong sabihin sayo na dito na muna tutuloy ang mga matatandang magsasaka pansamantala dahil nasira ang bahay nila sa lakas ng bagyo"

Nagulat ako sa sinabi nyang iyon, "Nasaan sila? May nasugatan ba sa kanila?" tanong ko kaagad. Umiling sya at ngumiti, "Wala naman, sa ngayon ay namamahinga na sila sa mga pinahanda kong silid sa unang palapag"

Nasa ikatlong palapag kasi ang ang kwarto namin, "Kumain na ba sila? Gusto mo bang mag luto ako?" agad syang tumango, "Hindi pa nga sila kumakain" sagot nya.

Tumango ako at akmang lalabas na ng silid ng pigilan ako ni Trevor, "Bakit?" nag tatakang tanong ko sa kanya.

"Nakasuot ka ng maikling silk night gown tapos lalabas ka?"

Sobrang protective nya, "Ayos lang. Hindi naman ako masyadong mag lalalapit sa tao, eh. Atsaka kasama naman kita, hindi naman siguro ako maaano lang ng kung sino sino" sagot ko atsaka sya hinila palabas.

PAGKA tapos kong mag luto ng para sa lahat ay agad namang dinalhan ng mga katulong ng pagkain ang mga ito sa kani-kanilang silid.

Si Trevor naman ay nag hihintay lang sa akin hanggang sa matapos na ako, lumapit ako sa kanya atsaka ko hinawakan ang kamay nya.

"Done?" tanong nya, tumango naman ako.

"Tired now?" tanong nya, tumango ako. "Buhatin mo ko?" nakangiting sabi ko sa kanya, tumango sya at bigla bigla na lamang akong binuhat. Napa hagikgik ako.


NAGISING ako dahil sa malakas na patak ng ulan mula sa labas, nilingon ko ang katabi ko na natutulog pa.

Agad na bumangon atsaka lumabas ng kwarto, nilakad ko ang dalawang mahahabang hagdanan hanggang sa makarating ako sa sa pinaka baba kung saan naroon ang first floor.

Sinalubong ako ng isa sa matagal ng katulong sa bahay ng grand parents nila Trevor na si Yaya Rea. Binati ako nito, "Good morning ma'am, nagugutom na ho ba kayo?"

Nginitian ko sya, atsaka ako umiling. "Mamaya na lang ho, sabay na lang ho kami ni Trevor" sagot ko, tumango naman sya.

Nakita ko naman sa sahig ang mga naka upong matanda at nagsisi kain na, binalingan ko ang mga kasambahay na hindi maka tingin sa amin ni Yaya Rea.

"Yaya, bakit po nasa sahig lang sila? Ang dami po nating lamesa dito ah-"

"Iyon nga hija, hindi namin alam kung papayag kayo-"

"Bakit naman po hindi?" nilapitan ko ang matatanda at inalalayan na maupo sa upuan, tinulungan naman din ako ng mga kasambahay na nandodoon.

"Krystelle? Anong ginagawa mo? Maria, bakit hindi kayo ang gumagawa nito? Bakit ba kasi sa sahig nyo lang sila pina upo?!"

Ang lakas lakas ng boses ni Trevor, grabe.

"Shh, wag ka ng maingay" sabi ko atsaka ako lumapit sa kanya, "Matatakot sila kapag nag taas ka ng boses, Trevor" mahinahong sabi ko sa kanya atsaka ako humawak sa braso nya.

"Sorry po, Sir. Hindi na po mauulit, sorry din po Ma'am" nginitian ko lang sila, "Ayos lang naman kami sa sahig, hijo" sabi ng isang matanda.

"Lola, malamig ho ang tiles. At mahihirapan kayo, baka sumakit ang balakang ninyo," paliwanag ko, "Kay bait naman netong mag asawang ito, nawa'y biyayaan kayo ng mababait rin na anak"

Natawa na lang ako, si Trevor naman ay hindi lang nag sasalita. Inaantok pa yata.

"Sige na po, kumain kayo ng kumain sabihin nyo na lang po sa akin kapag may kailangan kayo" sabi ko, tumango naman sila.

Habang nag lalakad pabalik sa kwarto ay hindi ko maiwasang mapangiti, akala nila ay mag asawa kami ni Trevor.

Napa iling na lang ako.

Gumanda tuloy ang araw ko.

Operation: Seducing My Bestfriend [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن