Chapter 5

17.3K 203 2
                                    

Chapter 5 / Kabanata 5

Krystelle's POV

HAPON na ng magising ako, lumabas ako ng bahay at nakita ko naman sa kusina si Tyler at Kuya kasama sila Mama. Agad akong lumapit sa kanila, inabutan naman ako ng kapatid kong bunso na si Kayleigh ng isang basong gatas na syang paborito ko.

"Thank you, bunso" umupo ako atsaka ko sya hinalikan sa pisngi, "Maligo ka na nga, Stelle. At ilibot nyo ng kuya nyo si Tyler dito sa atin, sayang at wala si Trevor" sabi ni Mama.

"Uy si Trevor!" gulat na hiyaw ko na ikinagulat ng lahat sa kusina ultimo ang mga katulong ay nagulat sa hiyaw ko, agad naman akong nag tatakbo sa kwarto. Rinig ko pa ang hiyaw ni Mama, pero tama ai Trevor. Napagalitan kaya sya?

Nang makapasok ako sa kwarto ay agad kong isinuot ang salamin ko at pagka tapos ay hinagilap ko na ang cellphone ko upang i-check ang messages ni Trevor- kung mayroon man.

From: Trevor

Nahuli ako gagi

From : Trevor

Saan ko daw itinago si Tyler sabi ko nasa ilong ko nagkakape

From : Trevor

Hinampas ako ni lola ng tungkod kaya ayon sinumbong ko kay mommy tinawanan lang ako ng nanay ko e pasaway daw ako e

From : Trevor

Tulog ka pa ba o gumala ka na naman

From : Trevor

Okay lang ba kayo? Dyan pa rin si Ty? Dadaanan ko sya dyan kapag pauwi na ako ha

To : Trevor

Kagigising ko lang

To : Trevor

Gusto ko ng mga seafoods ipag uwi mo ako daan mo dito sa bahay tutal susunduin mo din si Tyler

From : Trevor

Ano ano ba? Ilista mo, send mo sa akin sa insta titignan ko kung mayroon dito sa palengke

To : Trevor

Ililista ko sige sige, maliligo muna ako pupunta pa kami ng Walter Mart eh

From : Trevor

Ingat kayo ha

HABANG nasa loob ako ng Miniso ay hindi ko na napigilang bumili ng bagong stuff toy na ilalagay ko sa kotse ni Trevor, balak ko rin syang ayain ng night road trip kasama ang kuya at si Tyler.

"Mas maganda yung pink" napa lingon ako sa nag salita, si Kuya. Nginitian ko sya, "Sige" sagot ko atsaka ko na kinuha ang kulay pink na pig stuff toy na sobrang lambot. Inilagay ko ito sa cart ko.

"May itatanong ako sayo, Krystelle" sabi ni kuya. "Ano yun?" tanong ko, lumingon lingon ako atsaka ko hinahanap si Tyler. Nakita ko naman sya sa skin care stall sa loob ng Miniso.

"Paano kapag si Kayleigh bakla pala sya, anong gagawin mo? Anong magiging reaksyon mo?" tanong nya, mukhang alam ko na nga. Sya nga siguro ang boyfriend ni Tyler, pero hindi nila sinasabi dahil natatakot sila sa magiging reaksyon ng mga tao sa paligid nila.

"Kahit lesbian si Kayleigh, ayos lang. Wala namang mali sa pag mamahal, as long as alam kong wala syang maling ginagawa ede okay hindi ba? Basta masaya yung kapatid natin, masaya rin ako" sagot ko sa kanya, napa tango tango naman sya.

"Tanggap naman kita, at ang relasyon nyo ni Tyler" sabi ko sa kanya na ikinagulat nya, "A-anong sabi mo?" nauutal na tanong nya sa akin.

Bahagya akong natawa, "Napaka obvious nyo naman kasi, Kuya"

"Huwag kang maingay, ganon ba kami ka obvious? Parang hindi naman hindi obvious ah?"

"Ewan ko sayo, sinabi nang obvious eh" sagot ko atsaka ko dumiretso sa counter.

NANG matapos kaming mamili at mag libot sa plaza ay agad naman kaming umuwi.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay wala akong ginawa maliban sa mahiga sa kama ko, hanggang sa tumunog na ang cellphone ko.

Si Trevor, agad ko naman iyong sinagot.

"Hello, kamusta?" bungad ko, "Okay lang, natatawa pa rin ako sa reaksyon ni Lola kanina. Inis na inis sya eh," narinig ko ang malalakas nyang tawa.

"Asar ka, pero alam na nilang sinundo namin si Tyler?"

"Sabi ko sinundo ni Krystelle dahil nagpapa tulong sa project, yun lang. Inuto ko na lang din, ayos naman. Naka lusot naman din, kahit papaano" sagot nya, natawa ako.

"Ikaw ha, natututo ka ng mag sinungaling" biro ko, "Naalala mo pa ba nung sabi ko kay Mama bibili lang ako ng taho, nagulat na lang sya nasa Baguio na ako. Dun ako bumili ng taho,"

Pareho kaming natawa, ilang sandali lang ay natigil ako. Ngunit hindi nawawala ang ngiting naka paskil sa bibig ko.

Sana ganito na lang palagi.





A/N;

my new pfp! Hehehe

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

my new pfp! Hehehe

Operation: Seducing My Bestfriend [COMPLETED]Where stories live. Discover now