Chapter 6

16.1K 208 0
                                    

Chapter 6 / Kabanata 6

Krystelle's POV

LUNES na ng hapon at nandito kami ni Tyler sa isang table sa McDonald's, hinahantay namin si Trevor na nag oorder ng pagkain.

Naka dukdok lang ako sa lamesa dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo, pagod ako dahil masyadong maraming activities sa school ngayong araw.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman umalis ako sa pagkaka dukdok ko atsaka ko iyon dinukot sa bulsa ng palda ko.

Nag text pala si Kuya, nag papabili ng pizza. Akala mp naman may patagong pera tong lalaking to, eh.

Hindi ko na lang sya sinagot, "Stelle," napa tingin ako kay Trevor na dumating na pala. Tinanggal ko ang bag ko sa lamesa at inilapag nya naman doon ang mga pagkain na inorder nya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Trevor sa akin, tumango naman ako at nag salita. "Medyo masakit lang yung ulo ko atsaka pagod kang, pero ayos pa naman ako"

"Sure ka ba?"

Tumango ako atsaka ako nag simulang kumain, para mabilis akong matapos. Gusto ko ng umuwi.

NANG huminto ang kotse sa tapat ng building kung saan naroon ang condo ko, ay agad na akong bumaba at pumasok sa loob.

Ibinaba ko ang bag ko sa ibabaw ng study table ko atsaka ako nahiga sa kama ko, hindi na ako nakapag palit ng damit dahil unti unti na akong nilamon ng antok.

NAGISING ako bandang ala una y medya ng madaling araw dahil nakakarinig ako ng mga hagikgik na nag mumula sa salas ng condo ko, kaya naman dahan dahan akong bumangon sa kama atsaka ko kinuha ang kung anong nadampot ko, na isang stuff toy.


Binukas ko ang pintuan atsaka ko binalibag ang nasa couch ko, agad akong natauhan ng makita kong si Kuya at si Tyler iyon. Nag lalandian sila sa couch ng condo ko.


Nilingon ko ang isang single sofa kung saan natutulog si Trevor, at pagka tapos ay ibinaling ko ang atensyon ko kay Tyler at Kuya na hindi maka tingin sa akin. Sa ngayon ay magkalayo na silang dalawa.


Bumuntong hininga ako atsaka nag lakas na loob na mag salita, "Bakit kayo nandito?"


Sasagot sana si Tyler ng biglang mapahiyaw si Trevor dahil nahulog ito sa single sofa na kinahihigaan nito.


"Tangina..." mahinang mura nito atsa hinimas ang sariling balakang, lumapit ako sa kanya atsaka ko sya tinulungan tumayo at pagka tapos ay kinuha ko ang unan nya.



"Pumasok ka na doon sa kwarto ko, dun ka mahiga sa kama" sabi ko, binigay ko sa kanya ang unan at agad naman syang pumasok sa kwarto ko.



Binalingan ko ng tingin ang kapatid ko at si Tyler, tinuro ko ang bakanteng kwarto. "Mag pahinga na kayo don, anong oras na oh" sabi ko atsaka ako bumalik sa kwarto ko.

Humiga ako sa tabi ni Trevor, atsaka ko kinuha ang cellphone ko sa side table. Nakita ko doon ang napaka dami na missed calls sa kapatid ko at madaming texts naman galing kay Trevor.

"Ang dami..." muntik na akong mapatalon ng maramdaman ko ang pag yakap nya sa akin.


"Don't leave me...."


"I won't leave you..." nakangiting sabi ko atsaka ko pinag laruan ang buhok nya, "Krystelle..."


"Stay with me...."

Operation: Seducing My Bestfriend [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें