Chapter Thirteen

427 8 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at unti-unti ay natutunan ni Beatrix na pakibagayan ang kasimplehan ng buhay sa probinsya. Xander's mom taught her many things around the house, kagaya na lamang ng pamamalengke, pagluluto ng ilang mga paboritong pagkain ni Xander, maging ang paglalaba sa kamay. She found herself eagerly learning to do all these things para kay Xander. Sa pakiramdam niya ay isa siyang tunay na maybahay para sa binata kapag inaasikaso niya ito.

Today marks the third month of her moving to the province. Sa loob ng tatlong buwan ay naging maayos naman ang pakikitungo ng asawa sa kanya. Kagaya ng sinabi nito, hindi na nasundan pa ang gabing pinagsaluhan nila. Xander remained distant to her that way, na hindi nito pinapayagang magkaroon ng pagkakataong sobrang magkalapit silang dawala, although a lot of times ay ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila. Kung minsan nga ay naisip niyang hindi pabor para sa kanya na doon tumira ang nanay ni Xander, dahil tila mas naging madali para sa lalaki ang iwasan siya. Ganoon pa man ay na-enjoy din niya ang makasama ang ginang dahil sadyang mabait at magiliw ito sa kanya.

Kung mayroon man siyang isang maipag-papasalamat ay ang hindi na niya muli pang nakita si Frances sa pamamahay na iyon, bagaman hindi niya maiwasang mag-alinlangan at masaktan sa kaisipang baka nagtatagpo ang mga ito sa ibang lugar?

Inangat niya ang takip ng niluluto at bahagyang itinapat ang mukha upang langhapin ang amoy ng nakasalang. She smiled, pleased. Mukhang hindi palpak ang luto niya ngayon. She glanced at the wall clock na nakasabit malapit sa kabisera - 6:00 P.M., tamang tama lamang ang luto niya sa dating ni Xander mula trabaho.

Sa mga nakalipas na buwan ay naging abala ang asawa sa pag aasikaso sa bukid na pag-aari ng pamilya, ngunit may dalawang linggo na ang nakalilipas ng mapakiusapan ito sa unibersidad sa bayan upang mag cover doon ng isang temporary position. Xander doens't really talk to her much about his job, pero ang alam niya ay isa ito sa mga pansamantalang magtuturo sa ilang subjects ng Agricultural Engineering course sa paaralan dahil walang makuhang qualified na guro ang unibersidad para sa kurso. Xander's parents are friends with the university dean apparently, kaya't napapayag ang lalaki na pansamantalang mag trabaho doon.

Masigla siyang naglagay ng plato at mga kubyertos sa hapag kainan. This is actually her first attempt in cooking pochero, mabuti na lamang at mukhang maayos naman ang kinalabasan.

"may maitutulong ba ako sa iyo, hija?" tanong ng byenan niya na noon ay kadarating lamang mula sa paglilinis sa ancestral house na pinamamahalaan ng mga ito.

Nagmano siya sa matandang babae "wala ho, inang. Sa tingin ko po pasado na ang luto ko ngayon!" she happily declared

"siya nga ba? aba'y magandang balita yan hija!" nasisiyahang sagot nito. Lumapit ito sa kalan at tinignan ang laman ng kaserola.

"ano po sa tingin niyo?" she asked excitedly

"mukhang masarap nga!"

"magustuhan po kaya ni Xander?"

Ngumiti ang ginang at hinimas ang kanyang braso "salamat sa pagmamahal mo sa anak ko, Bea"

She smiled back. Mabait ang mga magulang ni Xander at ni minsan ay hindi siya pinakitaan ng pagkainis nito kahit pa marami siyang nagawang kapalpakan kapag tinuturuan siya nito sa mga gawain. Ang ginang rin ang naging daan upang mas makilala niya ang asawa dahil marami itong kuwento ukol sa anak, dahil dito ang pakiramdam niya ay parang napapalapit na rin siya sa binata.

"Kadarating niyo lang din ho ba inang?" Anang tinig mula sa likuran.

Si Xander. Nilapitan nito ang ina at nagmano.

"Hi!" Masiglang bati niya. Xander looked at her and hesitantly smiled back.

"You came just in time! Kaluluto ko lang" aniya na nilapitan ito at hinila sa kamay patungo sa upuang inihanda niya para rito.

Wild HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon